April 22, 2024
Mga nalalagas na buhok ng babae at lalake

Tamang pag-aalaga at natural na lunas sa paglalagas ng buhok

Sharing is Caring

Iba iba ang mga dahilan ng pagkalagas at pagkapanot ng buhok. Merong medical na kondisyon, edad, hormone, nutrisyon, lahi at marami pang iba. Kung ano pa man ang dahilan, may mga paraan para ito ay maibsan o mapigilan ang problema sa buhok kagaya ng abnormal o sobrang pagkalagas o pagkapanot. Merong siyensa o natural na lunas dyan.

Sobrang pagkalagas ng buhok

Bago tayo dumapo sa natural na lunas gamit ang mga natural na sangkap kagaya ng essential oil, iba’t ibang uri ng spices & herbs, iba’t ibang uri ng pagkain, kailangang talakayin muna natin ang tamang pag-aalaga sa buhok. Dahil sa tamang pag-aalaga, maiiwasan mo ang sobrang pagkalagas na hahantong sa pagnipis hanggang sa ito ay makalbo o mapanot.

Dahilan ng pagkapanot at natural na lunas dito

Tamang pag-aalaga sa Buhok

Ang tamang pag-aalaga ng buhok ay ang pagiwas ng mga bagay na nakasasama. Mga simpleng bagay na hindi natin aakalain na sa katagalan ay masama pala ang epekto sa kalusugan ng iyong ” Crowning Glory”. Kaya nga ang sabi nila – PREVENTION IS BETTER THAN CURE.

Makakabuti kung iwasan ang mga bagay na hindi maganda at gawin ang mga bagay na makakatulong sa kalusugan ng iyong buhok.

Halimbawa:

  1. Alak at sigarilyo-ang pag-inom ng alak at paninigarilyo ay isa sa ating life style na salarin sa abnormal na pagkalagas at pagkapanot ng buhok. Ang alak halimbawa ay isang hadlang sa tamang absorption ng nutrisyon sa ating katawan. Ang sigarilyo ( kasama ang second hand smoke ) ay isa sa mga bagay na source ng free radicals.
Ang mga masamang epekto ng alak at sigarilyo sa kalusugan

2. Nutrisyon– kumain ng mga pagkaing masustansya sa mga Vitamins at Minerals. Kumain ng iba’t ibang uri ng pagkain na mayaman sa vitamin E, vitamin A, Zinc, biotin, folic acid, collagen at iba pang nutrisyon na kailangan ng katawan para sa kalusugan ng ating buhok.

Mga pagkaing bilang lunas

3. Exercise– regular na mag exercise para sa magandang daloy ng oxygen sa katawan at para makalabas ang toxins sa pamamagitan ng ating mga pawis.

4. Stress– iwasan o i-manage ang stress sa buhay, ma pa pisikal o mental/emotional stress man ito. Maraming paraan para mag de-stress sa mga stressors sa buhay. Maaaring gumamit ng aromatherapy, umiwas sa mga bagay o tao na nagbibigay ng stress sayo, mag meditate. Maraming paraan, kailangan lang na gumawa ng sariling assessment kung ano ang stressors at kung ano ang mga bagay na makakatulong sa iyo.

5. Suklay at hairbrush– gumamit ng mga suklay at hairbrush na banayad sa anit. Umiwas sa pagbili ng mga suklay o brush sa buhok na mababa ang kalidad.

6. Shampoo at Conditioner– gumamit ng shampoo at conditioner batay sa pangangailangan ng iyong buhok. Shampoo para sa may dry hair, shampoo para sa oily hair, shampoo para sa normal hair. At ganon din sa hair conditioner.

Tamang shampoo at conditioner sa kalidad ng buhok

7. Pamper your hair– bigyan din ng time na i-pamper ang iyong buhok. Hindi kailangan na gumastos o pumunta sa salon para mabigyan ng kaunting layaw ang buhok. Gawin ito sa bahay, simpleng DIY hair treatment kagaya ng hair mask ay magbibigay na ng magandang pagbabago sa iyong buhok.

8. Hair treatment & Tools– umiwas o bawasan ang mga stressors sa buhok at anit. Mga hair treatment ( rebond, perm, color), hair blower, hair curling at hair straightening ay mga stressors. Isa sa mga dahilan ng sobrang pagkalagas at pagkapanot.

9. Pagpusod– ang paratiang pagpusod ng buhok ay isa ring stressor, lalong lalo na kung ipupusod ang buhok na basa.

Isang dahilan ng pagkasira ng buhok ay ang pagpusod ng buhok.

Mga natural na lunas sa paglalagas ng buhok

  1. Apple Cider Vinegar– ang isa sa mga benepisyo ng apple cider vinegar ay ang benepisyo nito sa buhok. Para sa paglalagas ng buhok maaaring gumamit ng apple cider vinegar sa 2 paraan.
Benepisyo ng apple cider vinegar

a. Sa isang tasang tubig ( 200-250 ml), lagyan ng 2 kutsarang apple cider vinegar. I-apply ito sa anit gamit ang bulak. Ibabad ng 30 minutos. Pagkatapos ay paliguan.

b. Kung gagamitin naman itong panghuling banlaw, paghaluin ang 500 ml na tubig at 4 na kutsarang apple cider vinegar. Gamitin itong huling banlaw sa buhok.

Kung ang mixture ay masyadong matapang, maaaring magdagdag ng tubig. Gawin ito dalawa hanggang tatlong (2-3) beses sa isang buwan.

2. Sibuyas– ang isa sa benepisyo ng sibuyas sa buhok ay ang kakayahan nitong patibayin ang buhok mula sa ugat at bawat hibla nito. Sa ganyang paraan, maiiwasan ang premature hair fall. Ang kailangan mo dito ay ang katas ng sibuyas.

Benepisyo ng sibuyas

Mag-gayat ng sibuyas gamit ang grater o shredder maaari ring gumamit ng food processor. Mas maliit ang butas, mas maganda para lalong makuha ang katas. I-apply ang katas o juice sa anit gamit ang bulak. Ibabad ng 20-30 minutes o kaya ay overnight. Pagkatapos ay maligo.

Mag-gayat ng sibuyas gamit ang grater o shredder maaari ring gumamit ng food processor. Mas maliit ang butas, mas maganda para lalong makuha ang katas. I-apply ang katas o juice sa anit gamit ang bulak. Ibabad ng 20-30 minutes o kaya ay overnight. Pagkatapos ay maligo.

Panggayat, shredder, o grater

3. Luya ( Ginger)– ang luya ay isa sa mga iba’t ibang uri ng herbal (Spices & Herbs) na napakaraming benepisyo. Ginagamit itong natural na lunas sa problema sa buhok at isa nga dito ang problema sa paglalagas.

Kagaya sa sibuyas ang kailangan mo dito ay ang katas ng luya. Mag-gayat ng luya gamit ang shredder (mas masmaliit ang butas mas maganda). Ipahid ang juice o katas sa anit gamit ang bulak. Ibabad ng 20-30 minutes. Pagkatapos ay paliguan.

Maraming brand ng shampoo na herbal na ang main ingredient sa kanilang produkto ay ang luya. Bukod sa benepisyo nito sa pagpapatibay, ito rin ay magandang gamitin sa balakubak.

4. Oils & Butter– ito ay tinatawag din vegetable oils, fixed oils o carrier oils. Ang mga langis ay ginagamit na natural na sangkap sa mga cosmetics at mabisa rin na lunas sa pagkalagas ng buhok dahil sa mga taglay nitong nutrisyon.

Halimbawa ng mga carrier oil (Oils, Butters, Fats):

Avocado Oil

Castor Oil– ang castor oil ay isa sa mga langis na epektibo sa pagpapatibay ng buhok. Ang simpleng pag-apply nito sa anit ay natural na malulunasan ang pagkapanot.

Castor oil na gamit sa paggawa ng mga skin and hair car products.

Coconut oil– extra virgin coconut oil, fractionated coconut oil

Evening primrose oil

Hemp seed oil

Jojoba Oil– ang maganda sa jojoba oil ay, bukod sa nakakatulong ito sa hair growth maganda rin itong gamitin ng may dry, oily o normal hair.

Gamit at benepisyo ng langis ng jojoba o jojoba oil

Mustard seed oil

Olive oil

extra virgin olive oil na gamit sa pagkain at hair and skin care products.

Sesame oil

Para sa simpleng paggamit nito ay ang pag apply ng ano mang langis na meron kayo. Ipahid sa anit at sa hibla. Maaari ring in combination ng iba pang carrier oil, oil infusion o extract ng ng iba’t ibang uri ng spices & herbs, combination ng essential oils. Maaari ring gumawa ng sariling shampoo at conditioner na may sangkap ng carrier oils, o overnight cream treatment para sa paglalagas ng buhok.

Paggawa ng spices & herbs oil infusion

Extracts and tinctures ng spices and herbs.

5. Essential Oils– pag ang essential oil ang gagamitin, kailangan na ito ay diluted o haluan ng carrier oil. Ang essential oil bilang natural na lunas sa paglalagas ng buhok ay isa lang sa napakaraming benepisyo nito. Ang isa pang kagandahan nito ay marami kang uri na pagpipilian.

Essential oils at iba' ibang gamit dito

Halimbawa:

Basil essential oil

Cedarwood essential oil

Clary sage essential oil

Clove essential oil

Lavender essential oil

Lemongrass essential oil

Myrrh essential oil

Rosemary essential oil

Tea tree essential oil

Thyme essential oil

Ylang ylang essential oil

Ang mga essential oils na ito ay maaaring ihalo sa gamit na shampoo, maaaring gamiting sangkap kasama ng carrier oil, iba’t ibang uri ng spices & herbs para gawing treatment.

6. Aloe Vera– ang aloe vera ay isa sa mga sikat na herbs sa pagpapalago ng buhok. Maraming shampoo na may sangkap nito. Napakarami nitong nutrisyon na makakatulong sa pagpapatubo at pagpapalago ng buhok.

Ang isa sa pinakamadaling paraan sa paggamit ng aloe vera ay ang pagpahid sa anit 30 minutos- 1 oras (mas mabuti kung overnight) bago maligo.

Benepisyo ng aloe vera

Mainam ring gamitin itong sangkap sa paggawa ng mga natural na cosmetics o skin care products.

7. Iba pang uri ng spices & herbs

Basil

Bawang

Chili pepper o cayenne pepper

Clove

Coriander

Curry leaf o curry powder

Fenugreek

Gotu Kola ( Pennywort )

Gumamela Flower

Lagundi

Lavender

Lemongrass

Licorice root

Neem

Paminta

Paragis

Rosemary

Sesame seeds

Thyme

Ang mga spices & herbs na ito ay maaaring gawing hair rinse. O gawing isa sa mga sangkap sa paggawa ng hairfall treatment para sa natural na lunas sa problemang ito.

8. Honey– ang honey ay isang natural na moisturizer at antibacterial. Gamitin itong hair mask, i-apply mula sa anit hanggang sa dulo. Makakatulong itong patibayin ang hibla at anit.

Ang mga natural na lunas na ito ay maaaring gamitin in combination sa paggawa ng sarili at natural na lunas sa problema ng pagkalagas at pagkapanot ng buhok.

Mga paraan ng pag-gamit

  1. Hair rinse
  2. Hair mask
  3. Hair ointment
  4. DIY treatment shampoo
  5. DIY treatment conditioner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *