April 22, 2024
Sanhi ng stretch marks o striae

Ano ang sanhi at paano maiiwasan ang stretch marks

Sharing is Caring

Ang stretch marks o striae ay pangkaraniwan na dumadapo sa mga kababaihan. Kadalasan makikita mo ito sa likod ng binti at hita, sa may kilikili, sa tiyan, sa dibdib. Ang stretch marks ay ang pagkasira ng ating balat sanhi ng iba’t-ibang rason kagaya ng:

  1. Biglang paglaki, biglaang pagtaba at biglaang pagpayat, pagbubuntis.
  2. Mga iniinom na gamot kagaya ng corticosteroid.
  3. Mga medikal na kondisyon kagaya ng cushing syndromemarfan syndrome.
  4. Kakulangan ng vitamins at minerals sa katawan kagaya ng vitamin c, vitamin e, vitamin a, zinc.

Paano maiiwasan ang stretch marks

Ang stretch marks ay maaaring iwasan sa pamamagitan ng tamang pag-aalaga sa katawan. At kung magkaroon ka naman nito, may mga paraan para mawala o maibsan sa pamamagitan ng natural na lunas o ng siyensa.

  1. Timbang – panatiliin ang tamang timbang base sa iyong tangkad, edad at kasarian. Ang timbang ay isa sa dahilan kung bakit nagkakaroon ng striae o kamot ang balat. Kaya kadalasan, makikitaan mo ng stretch marks ang mga taong matataba. Kung kayo naman ay magpapapayat, siguraduhing sa prosesong dahan dahan at natural na paraan. Kumain ng tama at mag ehersisyo.
Timbang sanhi ng stretch marks

2. Exercise – ang regular na exercise at konting weight lifting ay makakatulong sa ating balat. Ginagawa nitong firm at toned ang ating balat. Pag ang ating balat ay maganda ang kondisyon, magiging matibay ito mula sa mga pagkabinat o stretches.

3. Hydration– uminom ng tamang dami ng tubig. Ang isa sa benepisyo ng tubig ay ang benepisyo nito sa balat. Pag ang cells sa katawan ay well hydrated, ito ay titibay sa mga stretches.

Tubig o hydration para maiwasan ang stretch marks

4. Gulay at prutas– kumain ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas na mataas sa vitamin c, vitamin a, vitamin e, at zinc mineral. Ang mga ito ay may malaking papel sa usapin ng kutis. Halimbawa, ang isa sa benepisyo ng vitamin c ay ang papel nito sa collagen production.

5. Collagen– ang collagen ay importante sa ating kutis. Ito ay ang protina na nagbibigay ng elasticity sa balat.

6. Cream, lotion o moisturizer– regular na gumamit ng moisturizer kagaya ng lotion o cream para ma-hydrate externally ang iyong kutis. Bumili ng mga moisturizers na may sangkap na nakakatulong sa balat. Halimbawa, aloe vera, vitamin e, mga langis o carrier oils.

Ang isang pang magandang gamitin ay ang skin care product na tinatawag na body butter. Very hydrating ito sa balat at dahil sa mga ginamit na sangkap na iba’t ibang uri ng langis.

Paggawa ng butter buter sa bahay gamit ang iba't ibang uri ng langis, emulsifying wax, isopropyl myristate at iba pang sangkap.
Panoorin ang VIDEO

7. Exfoliate– regular na mag-exfoliate ng balat. Ginagawa ang paraang ito para matanggal ang old skin at mapalitan ng panibago. At ang exfoliation o paghihilod ay isang paraan para ma-stimulate ang collagen production.

Pnaghilod

Maaari ring gumawa ng DIY body scrubs gamit ang mga sangkap na makikita sa inyong kusina. Halimbawa ng natural na exfoliants ay, asukal, oatmeal, asin, mga pinulbos na spices & herbs.

1.Body scrub na gawa sa asin at gatas

2. Body scrub na gawa sa asukal

Stretch marks sa pagdadalang tao

Para sa isang babae na dumadaan sa proseso ng pagbubuntis, ang stretch marks ay maaaring mahirap iwasan. Ang iyong katawan ay daraan sa proseso na lalaki ang parte ng tiyan, dibdib at iba pang parte nito. Ang stretch marks na sanhi ng pagbubuntis ay kadalasan na nawawala rin pagkatapos manganak. Maaari na ang marka ay hindi gaanong mapapansin. Gayunpaman, tayo ay walang kasiguruhan. Kaya dapat na maging maingat sa panahon ng pagdadalang tao. Kumain ng iba’t ibang uri ng prutas at gulay. Kung gagamit ng supplements at mag-e-exercise, SIGURADUHING kumonsulta sa iyong doktor. Gumamit ng mga moisturizers na safe & chemical free, ito ay para sa kaligtasan ng iyong pagdadalangtao o kaya ay gumawa ka ng moisturizers habang nagdadalangtao. Gawa sa natural na sangkap para ligtas ang kalusugan mo at ni baby.

Dapat bang ikahiya ang stretch marks o striae

Hindi dapat ikahiya kung may stretch marks o striae ka. Sino ba namang tao ang wala nito? Sa isang daang porsyento, malamang 90% ng kababaihan ay meron nito. Ang ibang tao minsan ay hindi mo alam kung saang planeta nagmula 😀 Kadalasan sa biruan ng mga kalalakihan, pinagtatawanan ang striae ng kababaihan sa balat. Akala mo kung walang babae sa pamilyang pinagmulan nila.

Huwag maging rason ang striae sa balat para bumaba ang confidence sa sarili. Huwag mainggit sa mga napapanood na mga kababaihan o mga artista na mukhang flawless ang mga balat. Not True. Fake. Airbrushed yan.

Si Shakira, Angelina Jolie at marami pang celebrities ay may stretch marks din. Hindi nila ito kinakahiya. Ewan ko sa mga pinay celebrities, dahil wala pa naman akong narinig na umamin silang meron silang, sabi nga nila- spaghetti sa balat.

Love your skin 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *