February 23, 2024
Pentylene glycol na ginagamit sa pagpapaganda ng balat

Bakit ginagamit ang Pentylene Glycol sa skin care products?

Sharing is Caring

Ang pentylene glycol ay isang magandang sangkap na magagamit ninyo sa pag formulate ng skin care products. Ang pentylene glycol ay ginagamit dahil ito ay humectant, stabilizer, preservative booster at solvent. Maaari itong makuhang natural mula sa sugar beets at corn cob. Pero ito ay hindi sustainable kaya majority ng mga pentylene glycol na ginagamit sa isang produktong pang skin care ay gawa sa laboratorio.

Pentylene glycol bilang Humectant

Ang pentylene glycol ay hydrophilic. Isa itong humectant na nagbibigay ng moisturization sa balat. Pinapalambot nito ang skin cells ng ating mukha para madelay ang pagkulubot ng kutis. At kung may mga wrinkles man o finelines, banayad nitong tatanggalin ang dead skin cells. Kaya magmumukhang bata ang ating mga kutis.

Isa rin itong smoothening na sangkap at nakakatulong para maging brighter ang ating complexion.

Pentylene glycol bilang Stabilizer at Preservative BOOSTER

Nakakatulong din ang pentylene glycol sa stabilization at pinapalakas nito ang preservative na ginamit sa produkto. Sa paggamit ng pentylene glycol, nagiging stable ang formula. Naiiwasan ang agarang pagkasira nito.

Pentylene glycol bilang Solvent

Ginagamit din ang pentylene glycol bilang solvent ( parang propylene glycol ). Magagamit mo ito sa pagtunaw ng mga sangkap na mahirap matunaw gamit ang tubig. Ang isang gamit ng pentylene glycol bilang solvent ay sa paggawa ng extracts ng mga halaman.

Maraming skin care products ang maaaring gawin na kung saan ay magagamit mo ang pentylene glycol bilang isa sa mga sangkap.

Iba pang gamit at benepisyo ng Pentylene Glycol

  1. Nakakatulong din ito sa pag emulsify ng ginagawang emulsion.
  2. Thickener ng ginagawang emulsion
  3. Nagpapakinis ng balat o kutis
  4. Nagkakaroon ng silky feel sa balat

Mga skin care products na maaaring gawin gamit ang pentylene glycol

  1. Micellar water
  2. Toner
  3. Body cream o lotion
  4. Face cream o lotion
  5. Eye cream o lotion
  6. Face & eye serum

Bukod sa skin care products, ang pentylene glycol ay maaari ring gamitin sa paggawa ng makeup at lipstick.

Gabay sa paggamit sa Pentylene Glycol

INCI– Pentylene glycol

Usage rate– 1-5 %

Solubility– water

Color & Texture– colorless & liquid

Gamit– skin care products

Benepisyo– basahin sa taas

Protective measures

Storage– de color na bote

Noong nabili ko ang pentylene glycol, ang unang ginawa kong produkto ay ang SERUM. Ito kasi ang pinakamadaling uri ng skin care na maaaring gawin.

Paano gumawa ng SERUM na may sangkap na Pentylene Glycol

Mga sangkap sa paggawa ng SERUM

  1. Water- 25.95g
  2. Vegetable glycerin- 1.5g
  3. Niacinamide- 1.5g
  4. Hyaluronic acid powder- 0.15g
  5. Pentylene glycol- 0.3g
  6. Preservative. 0.6g

Paraan ng paggawa ng SERUM na may pentylene glycol

1. Ihalo ang hyaluronic acid powder sa vegetable glycerin. Haluing mabuti at itabi.

Benepisyo ng hyaluronic acid powder sa balat o kutis. Paano ito gamitin sa skin care
Hyaluronic acid powder
Vegetable glycerin na gamit sa paggawa ng skin and hair care products at herbal extracts.
Vegetable glycerin

2. Sa isang lalagyan paghaluin ang tubig, niacinamide acid powder, pentylene glycol. Haluing mabuti hanggang sa matunaw ang pulbos ng niacinamide.

Benepisyo ng niacinamide o vitamin b3 sa kalusugan ng balat o kutis
Niacinamide
Pentylene glycol na ginagamit sa pagpapaganda ng balat
Pentylene glycol

3. Ihalo ang mixture ng hyaluronic at glycerin sa #2. Haluin at takpan ng ilang oras.

4. Pag gel like na ang consistency, kunin ang potential of hydrogen. I adjust ang PH kung kinakailangan.

5. Lagyan ng preservative.

6. Ilagay ang DIY na SERUM na may sangkap na pentylene glycol sa isang bote na may dropper.

Ready na itong gamitin!

serum na gawa sa bahay na may niacinamide, hyaluronic acid at pentylene glycol.

🙂

Para sa mga videos, maaaring panoorin sa diylangyan youtube channel

diylangyan logo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *