April 22, 2024
Ano at saan ginagamit ang polysorbate a.k.a Tween

Ano at saan ginagamit ang Polysorbate

Sharing is Caring

Kung nagbabasa kayo ng mga ingredients label ng inyong mga ginagamit na cosmetics (hair & skin care products), gamot, vitamins o pagkain man, siguro nabasa nyo na ang katagang ¨polysorbate¨. Na curious din siguro kayo kung ano ito at bakit kasama sa sangkap sa paggawa ng produkto. Kung ang polysorbate ba ay natural o synthetic na sangkap. Maraming uri ito, merong polysorbate 20, polysorbate 21, polysorbate 40, polysorbate, 60, polysorbate 61, polysorbate 65, polysorbate 80, polysorbate 81, at polysorbate 85. Pero sa blog na ito, focus lang ako sa polysorbate 20 at 80.

Ano ang Polysorbate

Ang polysorbate ay isang kemikal na ginagamit bilang solubilizer o emulsifier. Ginagamit ito sa mga medisina, cosmetic products, pagkain, cleaning products.

Ang polysorbate ay natural at hindi natural. Natural dahil ito gawa ito sa natural na sangkap. Hindi natural dahil ito ay ginamitan ng ethylene oxides. Ang numero pagkatapos ng terminong polysorbate (20, 40, 60, 80, etc) ay nagrerepresenta sa dami ng ethylene oxide na ginamit sa treatment nito.

Saan ginagamit ang POLYSORBATE?

Naaalala nyo ba ang kantang ¨tubig at langis¨? Ang tubig at langis ay hindi maaaring maghalo, kakailanganin mo ng matinding paghalo o pag-alog para pansamantalang ito ay magsama. Pero hindi magtatagal ito ay maghihiwalay din. Ito ngayon ang function ng polysorbate, para gawing stable ang pagsasama ng tubig at langis.

Ang polysorbate ay may kanya kanyang HLB o ang Hydrophile Lipophile Balance. Ang HLB ay isang paraan para sukatin ang solubility ng tubig at langis. Ang iba’t ibang klase ng polysorbate ay may kanya kanyang HLB value. Nakadepende ang uri ng polysorbate sa gagawin mong formula ng cosmetic products o pagkain. Maaaring mangangailangan ka ng polysorbate 20 or 80 or 60.

Hindi na natin paguusapan ang mga chemistry chienes nito dahil masakit sa ulo 😀 :D. Ang pagusapan natin ay kung kelan gagamitin, saan gagamitin at paano gagamitin ang kemikal na ito.

Ano ang Polysorbate 20

Ang polysorbate 20 (Polyoxyethylene (20) sorbitan monostearate) o tinatawag ring tween 20 ay kadalasang ginagamit sa paggawa ng mga air freshener, pabango (perfume at body spray), linen spray, face cream, lotion, cleanser, gamit sa mga baby products, panglinis ng bahay.

AAno at saan ginagamit ang polysorbate 20 a.k.a. tween 20

Gagamit ka nito kung kailangan mong ihalo ang essential oil o carrier oils sa ibang sangkap na may water ingredients. Para paniguradong ang langis at tubig ay magkasama.

Ano ang Polysorbate 80

Ang polysorbate 80 (Polyoxyethylene (80) sorbitan monostearate) a.k.a Tween 80 ay mas darker ang kulay kung ikukumpara naman sa polysorbate 20. Ito ay isa ring solubilizer at emulsifier. Kagaya sa polysorbate 20, ginagamit ito sa mga cosmetics, skin care products, pagkain, medisina kagaya sa paggawa ng mga vaccines. At sabi nga sa vaxopedia, ang polysorbate ay ginagamit para ma emulsify ang mga sangkap ng mga pangbakuna.

Kung heavier oil ang gagamitin kagaya ng mga carrier oils, ito ang polysorbate na gagamitin.

Sa aking ginawang poopourri spray, since mas marami akong ginamit na carrier oil sa produkto, polysorbate 80 ang aking ginamit na emulsifier o solubilizer.

Ano at saan ginagamit ang polysorbate 80 a.k.a. tween 80

Ang pagkakaiba ng Polysorbate 20 at Polysorbate 80

Pag gumagawa ng cosmetics o mga freshener ng bahay, bedsheets, poopourri at iba pang mga sangkap na nangangailangan ng solubilizer kagaya ng carrier oil at essential oil, kakailanganin mo ang isa sa mga tween na ito.

Polysorbate 20- kung kailangan mong i solubilize ang essential oil sa tubig.

Polysorbate 80- kung kailangan mong i-solubilize ang carrier oil sa tubig.

Tween 20 at Tween 80 usage guidelines

TWEEN 20

INCI- Polysorbate 20

Used as- solubilizer, emulsifier, wetting agent

SOLUBILITY- soluble in oil, water, alcohol

USAGE RATE- 2% to 20%

TWEEN 80

INCI- Polysorbate 80

Used as- solubilizer, emulsifier, wetting agent

SOLUBILITY- soluble in oil, water, alcohol

USAGE RATE- 2% to 20%

Kontrobersiya sa paggamit ng POLYSORBATE

Kagaya sa paggamit ng pulbos, halimbawa ang brand na johnson’s baby powder, ang polysorbate ay sinasabing delikado sa kalusugan dahil sa maaaring kontaminasyon ng ethylene oxide. Kaya sa Amerika ( hindi ako sure kung lahat ng states) ang mga nagbebenta nito ay obligadong maglagay ng ¨warning¨ na ito ay maaaring magdulot ng cancer.

Ang hindi ko rin maintindihan, bakit may warning kung patuloy parin naman ang produksyon at paggamit nito sa mga medisina, pagkain, cosmetics at iba pang produkto.

Kung ise-search mo ang polysorbate, napakaraming articles ang nagsasabing nagdudulot ito ng cancer. Lalo na sa mga articles na ang niche ay mga natural cosmetics, ang polysorbate ay parang isang impakto. ;D

Few years ago ay nagkaroon ng research sa epekto ng polysorbate sa katawan. Gumamit sila ng iba’t ibang uri ng polysorbate sa iba’t ibang hayop at mga daga. Gumamit din sila ng iba’t ibang route at dosage. Merong transdermal, inhalation, Intravenous, oral, etc. Iba iba rin ang dosage, merong according to body weight, merong dosage na sinobrahan sa body weight ang dosage. Gumamit rin ng mga subjects na meron ng sakit at healthy.

Hindi ko na masyadong maalala yung nabasa ko noon pero ang parang result ay sinabi o nag conclude na safe gamitin ang polysorbate. May mga nagkasakit man sa mga subjects, yun ay dahil sa overloaded ang binigay na dosage sa mga ito at may existing diseases na ang mga ito.

Ang stand ko naman sa paggamit ng polysorbate ay simple lang. Gamitin ito in moderation. Ginagamit ko lang ito sa mga spray kagaya ng linen spray, home freshener at poopourri spray. Sa aking mga ginagawang spray, maaari kong gawing clear ang produkto gamit ang polysorbate, yung as in fully solubilized o emulsified ang langis sa water ingredients sa pamamagitan ng pagdagdag pa ng polysorbate. Pero hindi ko ito ginagawa, minsan pa nga ay half sa sukat ng langis lang ang ginagamit ko. Yung konting polysorbate para lang hindi na gaanong i-shake ang produkto bago gamitin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *