April 22, 2024
GABA o gamma aminobutyric acid powder na ginagamit sa paggawa ng skin care products sa bahay. GABA serum, Gaba cream, GABA moisturizer

Benepisyo ng GABA o Gamma Aminobutyric acid sa balat o kutis

Sharing is Caring

Una kong narinig ang salitang Gamma-aminobutyric acid (GABA) sa subject kong physiology noong nasa kolehiyo ako. Ito ay isang uri ng neurotransmitter. Ang isang pinakasimpleng halimbawa ng tungkulin ng GABA sa ating katawan ay sa panahon na tayo ay balisa o anxious sa ingles. Sa panahon na tayo ay nakakaramdam ng anxiety, ang GABA bilang isang neurotransmitter ay tumutulong na ikontrol o bawasan ang nararamdaman.

Pero hindi yan ang ating paguusapan kundi ang benepisyo ng GABA sa ating balat o kutis.

Ang GABA o Gamma aminobutyric acid ay makikita mong sangkap sa mga high end cosmetics. Ilang libo ang halaga ng isang produktong serum o cream na nasa 30ml lamang ang timbang. Lalo na noong unang ginamit ang sangkap na ito sa skin care products, may kamahalan ang serum, cream o moisturizer sa mukha. Dahil ayon sa mga dalubhasa, ang GABA ay maraming mga benepisyong hatid sa balat o kutis.

Benepisyo ng GABA o Gamma aminobutyric acid sa balat o kutis

  1. Wrinkles o kulubot sa mukha
  2. Nakakatanggal ng dark spots sa balat o kutis
  3. Ginagawang FIRM at PLUMPED ang balat- nakakatulong sa production ng collagen at hyaluronic acid sa balat.
  4. Skin moisturizer– pinapanatiling moisturized ang balat.
  5. BOTOX– meron itong botox like effect dahil nagkakaroon ng relaxation ang mukha pag ito ay pinahid. Meron kang mararamdamang tingling sensation o yung feeling na tinutusok tusok ng maliit na karayom ang iyong balat. Ito ay lilipas rin, more or less in 2 minutes.
  6. Skin pores– sinasara ang mga naka ngangang pores sa balat.

Dahil sa mga benepisyong yan, ang GABA noong unang labas sa merkado ay kadalasan mong makikita sa mga high end skin care products ng mga nasa edad 40 anyos pataas. Pero ngayon, meron ka na ring makikita sa mga skin care products na para sa kahit na anong edad.

Gabay sa paggamit ng GABA powder

INCI– Aminobutyric acid

Usage rate– 0.05-3%, 1-3%, 5-7%. Depende sa manufacturer.

Solubility– water

Color & Texture– white, powder

Ginagamit sa– serum, moisturizer, cream, toner, lotion

Benepisyo– sa balat

Protective measures sa paggamit– mask

Storage– takpang mabuti at ilayo sa sinag ng ilaw at araw.

Saan ginagamit ang GABA o Gamma aminobutyric acid powder sa skin care products

Ang GABA powder ay ginagamit sa iba’t ibang uri ng skin care products.

Halimbawa

  1. Serum
  2. Lotion
  3. Cream
  4. Moisturizer
  5. Toner

Paano gamitin ang GABA sa paggawa ng skin care products

Madali lang ang paggamit ng GABA o Gamma aminobutyric acid powder kung gagawa ng skin care products sa bahay. Hindi ito heat sensitive kaya pwede itong i-process sa heat o apoy. Kung cold process naman ang gustong gawin, pwede rin dahil ito ay water soluble sa ano mang temperatura.

Tatlo ang ginawa kong skin care products sa unang bili ko ng 5 grams na GABA powder. Gumawa ako ng Gaba serum, Gaba cream at Gaba 2 in 1 serum at toner.

Mga simpleng skin care products na maaaring i-DIY sa bahay 🙂

Paano gumawa ng Anti-aging Serum gamit ang GABA powder

Mga sangkap sa paggawa ng anti-aging serum

  1. Rose hydrosol- 12g
  2. Aloe vera leaf juice extract- 12g
  3. GABA powder- 1g
  4. Niacinamide powder- 0.9g
  5. Vegetable glycerin- 3g
  6. Hyaluronic acid powder- 0.15g
  7. Phytic acid a.k.a Sodium phytate- 0.06g
  8. Preservative- 0.06g

Paraan ng paggawa ng anti-aging serum na may GABA

1. Sa isang lalagyan, paghaluing mabuti ang vegetable glycerin at hyaluronic acid powder. Itabi.

2. Sa isang lalagyan, paghaluin ang rose hydrosol o rose water at ang reconstituted na aloe vera leaf extract. Haluin. Ilagay ang natural na chelating agent na Sodium phytate. Haluin.

3. Isunod na ihalo ang niacinamide powder at GABA o Gamma aminobutyric acid powder. Haluing mabuti hanggang sa matunaw lahat ang powdered ingredients.

4. Isunod na ihalo ang gagamiting preservative.

5. Ihalo ang mixture ng glycerin at hyaluronic acid .

6. Takpan at itabi ng mga 1 oras.

7. I adjust ang PH ng serum.

8. Ilipat sa lalagyan.

Meron ka ng Anti-aging serum na may GABA! 🙂

Anti-aging serum na may GABA o gamma aminobutyric acid powder.
Panoorin ang YOUTUBE Video

Maaari ka ring gumawa ng cream na may sangkap na GABA. Sa aking ginawang anti-aging cream, dinagdagan ko ito ng hydrolyzed collagen na isang ring sangkap na may anti-aging effect.

Paano gumawa ng Anti-aging cream gamit ang GABA powder

Mga sangkap sa paggawa ng anti-aging cream na may GABA

  1. Water- 32g
  2. Lavender hydrosol- 22.8g
  3. Gaba powder- 0.8g
  4. Vegetable glycerin- 2.4g
  5. Xanthan gum transparent- 0.24g
  6. Sunflower oil- 8g
  7. Shea butter- 4g
  8. Emulsifying wax montanov 68 MB- 3.2g
  9. Hydrolyzed collagen- 4g
  10. Vitamin e- 0.8g
  11. Vitamin a- 0.16g
  12. Essential oils- 1.5g
  13. Preservatives- 0.4g

Paraan ng paggawa ng anti-aging cream na may GABA

  1. Pagsamahin ang water, lavender hydrosol at gaba powder sa isang lalagyan. Haluin hanggang sa matunaw ang pulbos ng GABA.
  2. Sa isang lalagyan, ihalo ang transparent xanthan gum sa vegetable glycerin. Pag ito ay nahalo ng mabuti, ihalo ito sa water ingredients (1). Ipainit.
  3. Sa isang heat resistant na lalagyan, ihalo ang sunflower oil, shea butter at emulsifying wax na gagamitin. Ipainit hanggang sa umabot ng 75 degrees centigrade.
  4. Hanguin sa apoy at i-blend gamit ang immersion o hand blender.
  5. Ihalo ang mga natitirang mga sangkap pag bumaba na ang temperatura sa 40 degrees centigrade.

a. Hydrolyzed collagen

b. Vitamin e

c. Vitamin a

d. Essential oils- elemi essential oil, frankincense essential oil at ginger essential oil.

e. Preservative

I-adjust ang PH ng produkto. Pag hindi makuha ang ph dahil masyadong malapot ang ginawang produkto, kumuha lamang ng konting cream, ilagay sa isang container, lagyan ng konting tubig.

Meron ka ng anti-aging cream na may collagen at GABA

Anti-aging cream sa mukha na gawa sa GABA o Gamma aminobutyric acid at collagen.
´Panoorin ang Youtube video

Gumawa rin ako ng isang skin care na 2 in one; toner at serum gamit ang gamma aminobutyric acid powder. Sa produktong ito na aking naformulate, hindi mo na kakailanganing gumamit ng magkaibang produkto para i-tone at i-nourish o i-hydrate ang balat.

Paano gumawa ng Toner-serum gamit ang GABA powder

Mga sangkap sa paggawa ng Toner-serum gamit ang GABA powder

  1. Water- 48.24g
  2. Witch-hazel- 24g
  3. Vegetable glycerin- 4g
  4. Hyaluronic acid powder
  5. GABA powder- 0.8g
  6. Niacinamide powder- 2.4g
  7. Preservative- 0.4g

Paraan ng paggawa ng Toner-serum gamit abg GABA powder

1. Paghaluin ang tubig at witch-hazel hydrosol sa isang lalagyan. Ilagay ang gaba powder at niacinamide powder. Haluin hanggang sa matunaw ang mga pulbos. Lagyan ng preservative at itabi.

2. Sa isang lalagyan, paghaluin ang vegetable glycerin at hyaluronic acid powder. Haluing mabuti. Ihalo ito sa water and powder ingredients.

3. Takpan.

4. After 30 minutes to an hour, i-adjust ang PH. Gagamit ka dito ng lactic acid o citric acid para mapababa ang ph ng produkto.

5. Ilipat sa sisidlan.

Meron ka ng Toner-serum na may GABA at niacinamide

Toner serum 2 in 1 na maaaring gawin sa bahay gamit ang GABA at collagen. Anti-aging toner-serum na DIY.
Panoorin ang Youtube video

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *