April 22, 2024
Natural na chelating agent na kilala sa tawag na sodium phytate o phytic acid

Ano ang Sodium Phytate o Phytic Acid

Sharing is Caring

Ang Sodium phytate o kilala rin sa tawag na Phytic acid ay isang natural na chelating agent. Ito ay ang natural na alternatibo sa paggamit ng EDTA ( ethylenediamine tetraacetic acid ). Ang karaniwan na ginagamit na chelating agent sa inyong mga skin and hair care products ay ang Disodium EDTA at ang Tetrasodium EDTA. At itong dalawang uri ng EDTA na ito raw ay masama sa kalusugan ayon sa mga organisasyon na sinusulong ang paggamit ng mga natural na cosmetic products. Ang disodium EDTA at tetrasodium EDTA nga raw ay gawa sa formaldehyde. Ayon sa cancer.gov, ang exposure sa chemical na ito ay maaaring magdulot ng iba’t ibang uri ng sakit at isa na nga dito ang cancer. Ang disodium at tetrasodium ay approved naman ng FDA at ng cosmetic ingredient review expert panel. At ayon sa article ng ncbi tungkol sa final report on the assessement ng mga chelating agents, ito naman daw ay ligtas na gamitin sa mga formulations ng mga cosmetic products.

Pero ako, kung meron namang natural na alternatibo kagaya ng phytic acid na maaaring gamitin bilang chelating agent, ito na muna ang gagamitin ko sa aking mga formulations.

Ano ang tinatawag na Chelating agent

Ang chelating agent ay isang sangkap na ginagamit sa formulation ng skin o hair care product para ihiwalay at pagsama samahin ang mga metal ions na maaaring nasa inyong produkto.

Ang metal ions ay maaaring makuha sa mga kasangkapang ginagamit, sa mga sangkap na gagamitin at lalo na sa tubig. Kaya importante na gumamit ng boiled water o demineralized water at chelating agent.

Bakit importante ang paggamit ng chelating agent?

  1. Maging stable ang formula o ang produktong ginagawa.
  2. Para maiwasan ang discoloration ng produkto.
  3. Para lalong maging mabisa ang preservative na ginamit.

Sa madaling salita, para tumagal ang shelf life ng inyong diy skin and hair care products 🙂

Ano ang chelating agent na Sodium Phytate o Phytic acid

Ang sodium phytate o phytic acid ay isang natural na chelating agent na mula sa mga halaman. Kung ang EDTA ay simpleng chelating agent lang, ang sodium phytate ay may dalang benepisyo sa ating balat.

Benepisyo ng sodium phytate o phytic acid sa balat

  1. Oily skin– sa mga skin care products para sa may oily skin kadalasan ay may sangkap na sodium phytate.
  2. Skin moisturizer– nakakatulong din itong i-moisturize ang iyong balat
  3. Whitening– nakakatulong din ito sa pagpapaputi ng balat
  4. Pore– sa mga may pores na parating nakanganga, maganda itong gamitin sa formulation dahil makakatulong ito na paliitin ang uwang ng mga pores.

Paano gamitin ang Sodium phytate o Phytic acid

Madali lang gamitin ang sangkap na ito na alternatibo sa paggamit ng EDTA. Ito ay water soluble at ihahalo lamang ito sa water ingredient hot or cold process man ang ginagawa. Konti rin lang ang kakailanganin, kaya ang 5 o 10 grams ng sodium phytate ay maraming magagawang produkto. Ito ay abot kaya rin sa bulsa.

Saan ginagamit ang Sodium phytate o Phytic acid

Ang chelating agent na ito ay ginagamit sa paggawa ng mga sumusunod;

  1. Makeup– Kung may water ingredient ang ginagawang makeup, maaaring lagyan ng chelating agent.
  2. Shampoo at conditioner
  3. Liquid soap
  4. Scrubs
  5. Lotion, cream o moisturizer
  6. Serum

At iba pang mga produkto na may halong sangkap na tubig.

Gabay sa paggamit ng Sodium phytate o Phytic acid

INCI– Sodium phytate

Usage rate– 0.1-0.2%, 0.05-0.5%

Solubility– water soluble

Color & texture– white

Ginagamit sa– hair o skin care products o makeup na may sangkap na tubig

Benepisyo– chelating agent at meron ding dalang benepisyo sa balat

Protective measures sa paggamit– mask

Storage– Takpan mabuti at iwasang mabasa o ma-expose sa araw o ilaw.

Mga DIY skin & hair care products na may sodium phytate o phytic acid

A. KOJIC ACID– diy kojic acid toner

Gawa sa bahay na toner na may kojic acid powder

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *