April 14, 2024
Mga benepisyo ng star anise sa pagluluto at kalusugan pati narin sa kutis o balat

Mga Benepisyo ng Star Anise sa Balat

Sharing is Caring

Ano ang Star Anise

Ang star anise o chinese star anise ang pinaka maganda sa lahat ng spices o pampalasa para sakin. Very distinct din ang amoy nito, medyo floral, sweet, spicy. Sa pagkaing pinoy, iilan lamang ang mga putahe na nilalagyan natin ng star anise. Mga pagkaing na introduced o may impluwensiya ng mga Intsik at isa nga dito ang siopao. Kung pag uusapan ang pagkaing intsik, halos lahat ng pagkain nila ay may star anise. Ang star anise sa chinese culinary ay importanteng sangkap. Isa ang star anise ang sangkap sa kanilang 5 spice. Kung sa TCM/Traditional Chinese Medicine naman, isa rin ang spice na star anise ang ginagamit na herbal medicine. Maraming benepisyong hatid ang star anise sa kalusugan. Kung ang kalusugan naman ng balat ang iyong concern, maaaring makatulong ang star anise dito.

Pero bago tayo dumako sa benepisyo ng star anise sa balat o kutis, konting pahapyaw muna sa mga sinasabing benepisyo ng star anise sa kalusugan.

Gamit at Benepisyo ng Star Anise sa Kalusugan

  1. Rayuma at sakit sa katawan– ang chinese star anise daw ay maaaring gamiting natural na lunas para mabawasan o lunasan ang sakit ng katawan at sakit na sanhi ng rayuma. Maaaring gumawa ng star anise tea at inumin. Maaari ring gumamit ng langis nito at ito ang ipahid at imasahe sa parte ng katawan na masakit.
  2. Ubo at sipon– pag may ubo lalo na kung malapot ang plema o sipon, makakatulong ang tsaa ng star anise. Pakuluan lamang ang star anise sa tubig ng 10 minuto. Lagyan ng honey at calamansi o lemon ang tsaa nito at inumin.
  3. Sakit sa tiyan– kung sakit sa tiyan naman ang problema kagaya ng di natunawan, kabag, constipation o di makatae, ang star anise ay ginagamit ding natural na lunas. Iniinom ang tsaa o gumagamit ng langis ng star anise.
  4. Kanser/Cancer– kagaya ng green tea, ang star anise ay sinasabing mayaman sa polyphenols at flavonoids. Ang dalawang compounds na ito ay antioxidants. Dahil sa antioxidant properties ng star anise, maaaring makatulong daw ito na maiwasan ang kanser o paliitin ang mga tumor o cancer cells. Pero sinabi rin na hindi pa conclusive at nangangailangan pa ng masusing research pagdating diyan.

Kagaya ng lagi kong sinasabi, kung may nararamdaman sa katawan ay magpakonsulta parin sa doktor. Kailangan na balanse ang gamit natin at tiwala natin sa conventional medicine at herbal medicine. Gamiting supplement ang herbal medicine o ang pinaka magandang paraan ay, i-incorporate ang mga iba’t ibang uri spices and herbs sa inyong araw araw na pagkain at inumin.

Pagdating naman sa gamit at benepisyo ng star anise sa balat, marami ring hatid ito.

Mga gamit at benepisyo ng Star anise sa Balat

Dahil sa antioxidant properties nito kasama na ang vitamin a and vitamin c, ang star anise ay makakatulong sa kalusugan ng inyong balat. Magagamit mo ang spice na ito bilang natural na;

  1. Toner
  2. Essence
  3. Moisturizer
  4. Serum

Malulunasan ang mga problema sa balat kagaya ng;

  1. Wrinkles
  2. Dark spots, age spots o sun spots
  3. Whitening o pampaputi

Maaaring gumamit ng tsaa o langis nito at gamitin sa inyong skin care.

Paano gamitin ang tsaa ng star anise sa balat

Ang tsaa ng star anise ay maaari ninyong gawin toner. Magpakulo lamang ng dalawa hanggang 3 pirasong buong star anise sa 100ml na tubig. Pakuluan ito ng 5-10 minuto. Salain ang tsaa gamit ang cheesecloth o strainer. Ilagay ang tsaa sa isang bote o container. Kung gusto ninyong mas concentrated ang tea, bawasan lamang ang tubig na gagamitin.

Ipahid ito sa bagong hilamos na mukha gamit ang bulak ( cotton ball o cotton pad ). Gamitin ito 2 beses sa isang araw, umaga at gabi.

Paano gamitin ang extract at infused oil ng star anise

Maaari kayong gumawa ng extract ng star anise at gumawa ng infused oil gamit ang proseso ng oil infusion. Ang extract at infused oil nito ay magagamit ninyo sa inyong skin care.

  1. Star anise extract– ang star anise extract ay magagamit ninyong facial sheet mask essense. Paghaluin ang 2 kutsarang tubig o hydrosol, 1 kutsaritang vegetable glycerin at 1 kutsaritang extract. Haluing mabuti. Ibabad ang sheet mask. I lapat ang sheet mask sa mukha. Pabayaan ito ng at least 15-20 minutes. Ganyang kasimple ang DIY skin care product gamit ang star anise na nasa inyong kusina. 🙂
  2. Star anise infused oil- ang infused oil naman nito ay maaaring gawing oil based facial serum. Pag gagawa ng infused oil, gumamit ng langis na hiyang mo. Gamitin mo itong facial oil sa mukha. Maaari ring gumamit ng star anise essential oil. I-dilute lamang ito sa carrier oil na gusto at ito ang gamiting facial serum na oil based. Bukod diyan, ang infused oil ay maaari mo ring gamiting sangkap sa paggawa ng pabango o perfume na oil based. Kung meron kang mabiling star anise essential oil ay mas mabuti.

Marami ka pang maaaring gawin na produkto gamit ang extract at infused oil ng star anise. Kung mag d-DIY ng skin care products, maaari mo silang gamiting sangkap sa paggawa ng iba’t ibang uri ng facial serum, facial moisturizer, cream, lotion, toner etc.

Ang isa pang magandang gawin sa star anise ay ang gumawa ng facial mask kasama ang bigas. Marami ring hatid na benepisyo ang bigas sa balat at buhok.

Paano gumawa ng star anise facial mask

Mga sangkap

  1. Bigas 1 kutsara
  2. Star anise 1 buo
  3. Tubig 300ml

Paraan ng paggawa ng star anise facial mask

  1. Hugasan ang bigas at putol putulin ang star anise.
  2. Paghaluin ang bigas, star anise at tubig.
  3. Pakuluan ito sa medium heat hanggang sa maging malapot na ang consistency o parang lugaw o creamy na ito.
  4. Hanguin sa apoy at i-mash pa ito ng konti. Tanggalin ang star anise.
  5. I-apply ito sa mukha. Pabayaan ng at least 15 minutes.
  6. Maghilamos ng mukha.

Isang simple, praktikal at epektibong remedy na siguradong magbebenepisyo ang balat.

Paano gumawa ng five ( 5 ) spice

Ang paggawa ng chinese five spice ay simple lang. Sabi nga ng pangalan ng spice- 5 spice. Gagamit ka ng 5 spices at isa dito ang star anise.

Mga sangkap

  1. Star anise durog- 1 kutsara
  2. Fennel seeds- 1 kutsara
  3. Cinnamon- 1 kutsara
  4. Cloves– 1 kutsarita
  5. Sichuan pepper- 1 kutsarita. Kung walang makitang sichuan peppercorn, maaaring alternatibo ang black peppercorn o paminta.
five spice na gawa sa star anise, cinnamon, fennel,clove at sichuan pepper

Paghalu haluin ang lahat ng sangkap at durugin pa ito gamit ang mortar and pestle o ang coffee grinder. Meron ka ng five spice 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *