April 22, 2024
Tea at tuyong dahon at bulaklak ngna gawa sa bulaklak ng gumamela.

Gamit at benepisyo ng Gumamela sa buhok at balat

Sharing is Caring

Sa aming paglalaro noong kabataan ko, ang gumamela ang ginagamit naming sangkap sa paggawa ng bubbles. Didikdikin namin ito para mapalabas ang slime na siya namang tutulong sa paggawa at pagpapatibay ng bula. Akalain mong marami palang gamit at benepisyo ng gumamela, hindi lang sa kalusugan kundi pati rin sa buhok at balat.

Lumaki ako na inisip na ang gumamela ay parang dekorasyon lang sa harap ng bahay dahil sa matingkad na kulay nito. Na ito ay hindi kagaya ng oregano o aloe vera at iba pang mga halaman na maaaring gamitin sa pagkain o natural na lunas sa mga karamdaman.

Gumamela

Ang halaman na tinatawag nating gumamela ay tinatawag ding Hibiscus sa wikang ingles. Marami itong species o varieties. Sa ating bansa makakakita ka ng iba’t ibang kulay kagaya ng yellow, pink, at ang common nga na kulay ay ang kulay pula.

Bago pa man gumawa ng research ang mundo ng siyensa, ginagamit na ito ng mga bansang India, China, Egypt bilang natural na lunas sa mga karamdaman at pati na rin sa problema sa buhok at balat. Ginagamit ito sa kanilang skin & hair care routine.

Benepisyo ng Gumamela sa kalusugan

  1. Vitamin C at Bioflavonoids– parehong antioxidants na kailangan ng katawan para labanan ang free radicals.
  2. Astringent properties
  3. Anti-pyretic– ang gumamela ay may cooling effect sa ating katawan kaya ito ay isang natural na lunas para mapababa ang lagnat.
  4. Blood Pressure– makakatulong din daw ito na pababain ang systolic blood pressure.
  5. Cholesterol level– may abilidad din daw ito sa pagpapababa ng cholesterol level ng katawan.
  6. Antibacterial
  7. Anti inflammatory
Tea na gawa sa bulaklak ng gumamela.

Paano gamitin ang Gumamela?

Simple lang ang paraan ng paggamit ng gumamela, kagaya ng gawi sa paginom ng ibang herbal, gumawa ng tea nito at inumin.

Maaari rin itong substitute sa mga iniinom na juice o mga softdrinks na kung saan ang mga ito ay napakaraming sangkap na asukal. Sa panahon na napakainit, magpakulo ng gumamela flowers, maaari ring lagyan ng konting dahon. Lagyan ito ng yelo, konting honey at inumin. Meron itong cooling effect sa katawan, makakatulong ito sa panahon na sobrang init ang temperatura at sa mga nagme-menopause.

Gamit at Benepisyo ng Gumamela sa Buhok at Balat

Kung ang gumamela ay maraming benepisyong hatid sa kalusugan, ito ay meron ding hatid na benepisyo sa buhok at balat.

  1. Benepisyo sa Buhok– ang gumamela ay ginagamit bilang natural na lunas sa dandruff o balakubak dahil sa anti fungal properties nito. Bukod sa dandruff, pinapatibay din nito ang buhok at tumutulong sa problema sa paglalagas o pagkapanot.
  2. Natural BOTOXРang gumamela ay tinatawag ding ¨Botox Plant¨. May abilidad itong gawing firm ang balat at inaantala ang ageing process nito.
  3. AHAs/Alpha Hydroxy Acids– meron itong natural na alpha hydroxy acids na nagpapaputi, nagtatanggal ng dead skin cells at napapalambot ang balat. Ang halimbawa ng AHAs ay, glycolic acid, citric acid, lactic acid, malic acid at iba pa.
  4. Antioxidant properties– bukod sa mataas ang vitamin c content nito, marami pa itong iba’t ibang uri antioxidants na makakatulong sa kalusugan ng balat at buhok.

Paano gamitin ang gumamela sa buhok at balat?

Simple lang ang paggamit ng gumamela sa hair & skin care routine.

Pag sa usapan sa buhok at anit, gumawa ng hair mask. Magdikdik ng dahon at bulaklak at ito ang ipapahid. Ipahid ito mula sa anit hanggang sa dulo ng buhok. Ibabad ng mga 30 minutes bago paliguan.

Maaari ring magpakulo ng dahon at bulaklak ng gumamela at gamiting hair rinse.

Mortar and pestle ang isang bagay na kailangan sa pagpupulbos o pandikdik.

Kung sa balat naman lalong lalo na sa balat ng ating mukha, gamitin itong parang face mask. Kagaya sa paggamit sa buhok, i-apply ang nadikdik na gumamela sa bagong hilamos na mukha. Ibabad ito ng ilang minuto, pagkatapos ay banlawan.

Iba pang gamit sa Gumamela

Kung gumagawa ka ng DIY hair and skin care products, maaaari mo itong gamiting sangkap. Gumawa ng extracts, oil infusion o water infusion. Ang water infusion ay magagamit mo sa paggawa ng toner, o gamiting sangkap bilang water ingredient.

  1. Gumamela extract- cold process o hot process.
  2. Gumamela infused oil
Gumamela extract gamit ang hot and cold process.
Langis na naibabad sa langis na olive oil. Tinatawag rin itong oil infused gumamela.

Ang mga ito ay maaaring gawing sangkap sa mga formulation ng cosmetic products kagaya ng mask, lotion, moisturizer, toner, etc.

Paggawa ng toner gamit ang bulaklak ng gumamela

Fresh o dry gumamela

Kung gagamitin ang gumamela sa extraction o infusion, mas maganda kung gumamit ng pinatuyong bulaklak o dahon. Dahil mas madali o magiging stable ang produktong gagawin at matagal ang shelf life dahil tanggal na ang water content ng halaman.

Kahit sa ibang spices & herbs, praktikal ang pagpapatuyo ng herbal lalo na kung wala kang sariling tanim o by season ang usbong ng mga bulaklak o ano mang parte ng halaman. Ito ay para siguradong meron kang gagamitin sa buong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *