April 22, 2024
Green tea sa tasa at tuyong dahon ng green tea

Gamit at benepisyo ng Green Tea sa balat at buhok

Sharing is Caring

Ang green tea (Camellia sinensis) ay isa sa mga tsaa na paboritong inumin ng tea-lovers sa buong mundo dahil sa mga iba’t ibang benepisyo nito sa ating katawan. Ang isa pang sikat na inumin na may mga health benefit claims na mula sa parehong dahon ay ang matcha. Ang matcha at green tea ay nagmula sa iisang puno o halaman na tinatawag na Camellia Sinensis. Ang kaibahan nila ay ang pagproproseso ng halaman at kung paano ito tinatanim at pinapalaki hanggang sa panahon ng pag-aani.

Benepisyo ng Green tea sa kalusugan

Maraming mga pagaaral ang ginawa sa halamang ito, at nakitaan ng mga benepisyo sa kalusugan.

1. Antioxidant– ang green tea ay isa sa mga tsa-a na mataas ang antioxidants. Meron daw itong EGCG o Epigallocatechin gallate, isang malakas na antioxidant. Ayon sa healthline, ang EGCG ay importante sa paglaban sa free radicals, makakatulong ito sa kalusugan ng puso, brain function at weight loss.

2. Anti inflammatory properties– dahil sa EGCG content nito, makakatulong ang green tea sa inflammation ng katawan.

Green tea sa tasa at tuyong dahon ng green tea

3. Weight loss– ang cathechin ng green tea ay nakakatulong daw sa pagbabawas ng timbang. Pinapabilis nito ang metabolism ng katawan. Pag mabilis ang metabolismo, ibig sabihin maraming calories ang nasusunog o nagagamit. Bukod sa pagpapabilis ng metabolismo, ito daw ay appetite suppressant din.

4. Detox– nakakatulong din daw itong i-detox ang katawan dahil meron itong polyphenols, isa ring uri ng antioxidant.

Ang green tea ay may caffeine content pero hindi kasing dami ng nakukuha sa kape. Pero ang rule naman parati sa pag-inom ng mga herbal, ay uminom ng tama lamang at uminom ng iba’t ibang spices & herbs na maaaring gawing tsaa. Dahil hindi porket natural, maaari na itong abusuhin. Kaya kung panahon ng mga halamang gamot, ugaliin ang magpatuyo ng mga halamang gamot. Ilagay ito sa isang garapon para meron kang mga iba’t ibang uri ng herbal tea na gagamitin.

Hindi mo lang ito magagamit orally, magagamit mo rin topically. Dahil kung ano benepisyo nito internally, ganon din ang benepisyong makukuha mo kung gagamitin sa balat at buhok.

Benepisyo ng green tea sa balat at buhok

1.Skin care– dahil sa antioxidant na meron sa green tea, maganda itong gamitin sa balat. Nakakatulong ito sa skin elasticity, mapapalambot at mabawasan ang kulubot sa mukha. Makakatulong din ito na matanggal ang mga dark spots o pigmentation ng balat. Kagaya sa licorice, ang green tea ay magagamit bilang proteksyon sa UV rays.

Wrinkles o kulubot na balat sa mukha at paligid ng mata.

Ito ay magandang gamitin sa mga sensitive skin dahil sa soothing benefit nito.

2. Hair care– kapag ang anit mo ay flaky o nangangati, isa ang green tea ang magagamit mong natural na lunas na mula sa kabinet ng iyong kusina.

3. Eye care– kagaya ng caffeine sa kape, magagamit mo ito sa pag-aalaga ng mata at under eye.

Paano gamitin ang Green Tea sa Balat

Ang mga produktong maaari mong gawin sa green tea ay ang mga;

1.Toner– ang pinaka simpleng toner ay magpakulo ng green tea at ito ang gamiting toner sa mukha. Pero kung gusto mong dagdagan pa ng ibang sangkap, maaari din namang gawin ito.

2. Cream, Lotion o Moisturizer– pagdating sa paggawa ng cream, lotion o moisturizer, gagamit ka dito ng extract ng green tea at ito ang gagamiting sangkap.

3.Scrubs– maaari ring gumawa ng scrubs gamit ito. Pulbusin ang green tea leaves para mas smooth pag ginamit itong scrub sa mukha o katawan. Maaari rin itong haluan ng iba pang mga sangkap kagaya ng clay o iba pang mga halaman kagaya ng chamomile, lavender, rose o gumamela.

4. Serum– maaari kang gumawa ng serum para sa mukha at para sa undereye.

Green tea leaves

Paano gamitin ang Green Tea sa Buhok

Maaaring gumamit ng tea, decoction o extract ng green tea sa buhok o anit. Kung tea o decoction ang gagamitin, gawin itong hair rinse o ibabad sa buhok ng at least 20 minutes bago paliguan. Kung extract naman ang gagamitin, maaaring gumawa ng hair mask.

Mahaba at malusog na buhok ng isang babae.

Paano gamitin ang Green tea sa Mata

Ang common na paggamit nito ay ang tea bag. Ibabad ang dalawang green tea bags sa mainit na tubig ng mga 3 minuto. Bahagyang pigain ito para matanggal ang sobrang tubig. Ilagay ito sa ref para lumamig. Pag malamig na, ilagay ang tea bags sa mata at pabayaan ng mga 30 minutes.

Makakatulong ito sa namumugtong mata, pagod na mata at pangingitim ng under eye. Maaari ring gumawa ng eye cream gamit ang green tea extract.

Paano gumawa ng Green tea Infused oil at Green tea Extract

Ang infusion at extraction ay maaaring gawin sa halamang ito. Ang green tea infused oil at green tea extract ay maaari mong gamitin internally. Gumamit ng langis na edible at solvent sa extraction na gusto mo. Ang langis ay maaari mong gamitin sa salad dressing, baking o sa pagluluto. Ang extract naman ay maaaring i-take bilang suplemento. Pwede ring gamitin ito sa paggawa ng DIY Cosmetics,

OIL INFUSION

Paggawa ng spices & herbs oil infusion

Maglagay ng green tea sa malinis na garapon. Lagyan ng langis na gustong gamitin. Takpan ito at alugin. Itabi ng 3 weeks para mainfuse, alugin araw-araw. Pagkatapos ng 3 linggo, salain ito at ilagay sa isang bote na de color.

Extraction

Extracts and tinctures ng spices and herbs.

Sa extraction naman ay kagaya rin lang ng paraan ng oil infusion. Pumili ng solvent na gagamitin, maaaring alak, glycerin usp, apple cider vinegar o honey. Kung gagamitin ang extract sa cosmetics, vegetable glycerin o alak lang ang gamitin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *