April 22, 2024
Ano ang Free Radicals at ang epekto nito sa ating katawan

Ano ang Free Radicals at ang EPEKTO nito sa ating katawan

Sharing is Caring

Free Radicals

Ano nga ba ang free radicals ( o tinatawag ding Oxidants) at ang epekto nito sa ating katawan? Naririnig natin ito pag napag-uusapan ang kalusugan at sa usapin ng skin care. Ayon sa Merriam-Webster dictionary, ang Free Radical ay;

 '' an especially reactive atom or group of atoms that has 1 or more unpaired electrons.'' 

Ibig sabihin, ang atom na ito ay unstable at reactive. Unstable dahil ito ay may electron na walang kapareha. Reactive dahil kailangan nitong maghanap at magnakaw ng 1 electron mula sa isang stable at healthy cell.

Ano ang Free Radicals at ang epekto nito sa ating katawan

Ano ang epekto ng Free Radicals sa ating katawan

Kung babalikan natin ang ating chemistry, maaalala natin na ang electrons para maging stable, ito ay dapat ”in pairs”. Dahil sa unstable ang isang free radical, kailangan nitong kumuha ng 1 electron mula sa isang stable (healthy) cell. At dahil diyan ay magkakaroon ng isang chain reaction.

Ang nanakawan ng electron ay tinatawag na ”free radical damage”, ito ngayon ay maghahanap naman ng isang healthy cell na kung saan ay kukuha rin ng 1 electron, at yan rin ang gagawin ng mga iba pang cells.

Sa kaganapang ito, nagkakaroon ng oxidative stress kung hindi magkakaroon ng balance ang free radicals at antioxidants sa katawan. Masisira ang mga cell membranes, proteins, at DNA sa ating katawan. At kung marami ng unhealthy cells sa katawan na dulot ng free radicals, ang katawan ay hahantong sa mga sakit kagaya ng cancer, sakit sa puso, diabetes, at marami pang ibang sakit. Sa ating anyo at sa ating kutis naman, wrinkles, age spots, o sa madaling sabi- mas mukhang matanda ang mukha sa edad o sa ingles ay ang tinatawag nilang ”premature aging”.

Paano nagkakaroon ng Free Radicals sa ating katawan

Ang ”FREE RADICALS” ay by-product ng chemical processes na nangyayari sa ating katawan. Ito ay isang normal na proseso. Sabi nga nila, tayo ay tatanda at hindi natin ito maiiwasan. Ang ating mga vital organs ay manghihina dahil sa katandaan. Ang ating balat ay kukulubot, ang buto ay manghihina.

Ang pagtanda at free radical damge
Image by ThuyHaBich from Pixabay

Pero sa kaso ng iba na kung saan ay pabata ng pabata ang nagkakaroon ng mga cancer, sakit sa puso, dementia, at iba pang sakit, ito ay sanhi ng free radicals na nakukuha natin sa ating environment. O ang ibig sabihin lamang ay, ang ating katawan ay kulang sa panglaban at pangbalanse ng mga free radicals na tinatawag na ANTIOXIDANTS.

  1. Sunlight– importante ang sinag ng araw sa ating kalusugan. Ang vitamin D mula dito ay makakatulong sa absorption ng calcium sa ating katawan. Pero ito ay nagiging masama dahil ito ay meron tinatawag na UV radiation na magdudulot ng oxidation. Kaya kailangan na kung magpapainit, gawin lang ito ng madalian.
  2. Sigarilyo– first hand smoke o second hand smoke.
  3. Stress– pisikal o mental/emotional stress man ito.
  4. Polusyon mula sa kapaligiran at ng hangin.
  5. Pagkain– mga pagkaing matatamis, mamantika, at mga processed foods.
  6. Alak
  7. Chemical– mga pesticide, insecticides, at iba pang chemical na nakukuha natin sa ating mga sabon, air freshener, mga panglinis na may halong chemicals, mga toiletries, at iba pa.
Sunlight at free radicals
Free radicals at sigarilyo
Free radicals at matatamis na pagkain
Free radiclas at pagkaing mataas sa calories
Free radicals at piniritong pagkain

Ano ang EPEKTO ng FREE RADICALS sa ating KUTIS o Balat

  1. Wrinkles o kulubot sa balat.
  2. Sagging skin o pagluyloy ng balat.
  3. Fine lines sa balat
  4. Hyperpigmentation o Darks spots- pangingitim ng balat.

Ang kutis ay ang ating ”first line of defense”, 24 oras, 7 araw sa 1 linggo, 365 araw sa isang taon. Ganyan kadalas ang exposure nito sa mga bagay, pagkain o inumin na nagbibigay ng free radicals sa ating balat, bukod pa sa normal na chemical processes na nangyayari sa ating katawan.

Paano maiiwasan ang Epekto ng Free Radicals

Siempre kailangan nating maging realistic kung pag-uusapan ang epekto ng free radicals. Nabanggit nga na ito ay normal na proseso sa katawan ng isang tao.

Hindi natin maiiwasan pero maraming paraan para ma delay ang mga epekto nito sa balat.

  1. Umiwas sa stress
  2. Pagkain ng tama. Kumain ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas na mayaman sa mga antioxidants kagaya ng vitamin c, vitamin e, vitamin a at iba pa.
  3. Uminom ng tsaa ng iba’t ibang uri ng spices & herbs. Halimbawa ng maaaring inumin na spice na mayaman sa antioxidants ay ang luya.
  4. Gumamit ng iba’t ibang uri ng spices and herbs sa pagluluto.
  5. Mag-ehersiyo araw araw para mapalabas ang mga toxins sa pamamagitan ng pagpapawis.
  6. Uminom ng wastong dami ng tubig.
  7. Umiwas sa paggamit ng mga mapinsalang kemikal.
  8. Tigilan ang sigarilyo at ang paginom ng alak.
  9. Alagaan ng tama ang iyong balat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *