April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng epsom salt

Paano gamitin ang Epsom Salt

Sharing is Caring

Ang magnesium sulfate ay mas kilala natin sa tawag na Epsom Salt. Ito ay isa sa iba pang magnesium na ginagamit bilang suplemento. Ang karaniwang gamit nito ay sa pagbababad ng paa o bath soak para pantanggal ng stress, sakit ng katawan, sakit ng ulo, pangangati at iba pa. Ang benepisyo nito ay halos kagaya rin sa makukuhang benepisyo ng oral supplement na magnesium. Ang epsom salt ay maaaring i-take internally, pero kumonsulta muna sa doktor. Dahil maraming gumagamit nito bilang laxative at ito ay nao-over used. Hindi healthy. Habang walang konsulta sa doktor, gamitin lang muna ito externally. Magtanong din kung ang bibilhing asin ay maaaring gamitin orally o sa external lang.

Paano gamitin ang Epsom salt

Gamitin ang epsom salt bilang bath soak, foot soak at face and body scrub. Napaka simpleng gamitin ito. Kung sa bath soak gagamitin, maglagay lang ng epsom salt sa running water. Siempre kailangan mo diyan ng bath tub. Dito ka ngayon magbababad para mag relax. Magbabad dito ng 20 minutes.

Benepisyo ng paggamit ng bathtub

Kung bath soak naman, maglagay ng asin sa plangganang may maligamgam na tubig. Maglagay ng 2-3 kutsara ng epsom salt sa bawat litro ng tubig. Magbabad dito ng hindi bababa sa 20 minutos. Maganda itong gawin pag may pananakit sa paa, fungal infection kagaya ng alipunga, pagod at pangangalay.

Ang mga nakukuhang benepisyo sa pagbababad ng paa sa palanggana na may maligamgam na tubig

Kung sa face ang body scrub naman, ito ay maaari ring gamitin. Kung masyadong magaspang ang epsom salt, durugin muna ito gamit ang mortar and pestle. Kung gagamitin bilang face scrub, ihalo ang epsom salt sa face cleanser. At ganon din ang gawin sa katawan kung liquid soap ang gamit mo.

Yan ang pinakasimpleng gamit ng epsom salt sa bath soak, foot soak at face and body scrub. Pero paano na kung walang bath tub? Solo na epsom salt? Boring, noh?

Maraming paraan para i-upgrade ang soaking time at scrubbing time mo with epsom salt. Maaaring gumawa ng scented bath salt, foot salt at scrubs.

Paano gumawa ng Bath salts gamit ang Epsom salt

Maraming mga recipe sa paggawa ng bath salts. Kung gagawa ng bath salt, pumili ng mga sangkap na magbibigay ng benepisyo sa katawan at isipan. Kung ang habol mo ay mag-relax, pumili ng essential oils na magbibigay ng relaxation. Kung energizing effect naman ang gusto, essential oils naman na energizing at uplifting ang gamitin.

Essential oils at iba' ibang gamit dito

Para sa recipe ng simpleng bath salt na may calming at soothing benefits.

Mga sangkap

  1. Epsom salt 1 cup
  2. Baking soda 1 tablespoon
  3. Lavender essential oil 10-15 drops

Paraan ng paggawa

Sa isang bowl, ilagay ang epsom salt, at baking soda. Paghaluing mabuti. Ipatak ang essential oil at haluin ulit mabuti. Bago ilagay sa container ang ginawang bath salts, siguraduhing ang produktong ginawa ay hindi na basa para maiwasan na magkaroon ng moisture.

Ready na ang Bath Salt gamit ang Epsom salt

Para sa kagaya kong walang bath tub, ang bath salt ay ihalo sa timba na may tubig. Tunawin dito ang bath salts. Sa bawat litro ng tubig maglagay ng tatlong kutsara ng bath salt. Gamiting panghuling banlaw. Huwag agad patuyuin ang katawan. Pabayaan ng mga 10 minutes para masipsip ng balat ang magnesium.

Paano gumawa ng Foot soak salt gamit ang Epsom salt

Para naman sa foot soak salt, kailangan ang essential oil na gagamitin ay yung mga may benepisyo na magtanggal ng mga mikrobyo kagaya ng fungi.

Karaniwang mikrobyo na nagdudulot ng alipunga at nail fungus. Maaaring gamitin ang recipe ng bath salt. Pero gumamit ng essential oil kagaya ng tea tree essential oil, eucalyptus essential oil, orange essential oil , lemon essential oil, clove essential oil at iba pang essential oils.

Mga sangkap

  1. Epsom salt 3 tablespoon
  2. Baking soda 1 tablespoon
  3. Tea tree essential oil 10-15 drops
Baking soda o sodium bicarbonate mga benepisyo nito sa kalusugan

Tunawin ito sa isang litrong maligamgam na tubig. Ibabad dito ang paa. Pagkatapos magbabad ay patuyuing mabuti ang paa. Kung may alipunga, maglagay ng foot powder. Maaari ring gumawa ng DIY foot powder.

Sa foot soak mo, maaari ring magdagdag ng juice ng calamansi, lemon o lime. Hindi lang ito anti bacterial, ito ay meron ding whitening & softening effect sa balat.

Paano gumawa ng Salt Scrubs gamit ang Epsom salt

Ang scrubs naman ay isa ring paraan para magbenepisyo ang katawan sa magnesium. Kung ang epsom salt ay masyadong magaspang, pwede mo munang dikdikin para mas fine at hindi masyadong magaspang sa balat lalo na sa balat ng mukha.

Mga sangkap para sa paggawa ng energizing body scrub

  1. Epsom salt 1 cup
  2. Powdered milk 2 kutsara
  3. Peppermint essential oil 15-30 drops

Paraan ng paggawa

  1. Ilagay sa isang bowl ang epsom salt at dahan dahang ipatak ang 15-30 drops na peppermint essential oil. Haluin mabuti.
  2. Siguraduhing tuyo na ang epsom salt bago ilagay ang gatas.
  3. Ilagay ito sa isang container.
Body scrub na gawa sa epsom salt, gatas na pulbos, peppermint essential oil.
Panoorin ang VIDEO

Maaari mo ring lagyan ng mga peels bilang dekorasyon ang body scrub. Mga balat ng lemon, orange, madarin, mga bulaklak. Try mo mag experiment 🙂

Ready na ang BODY SCRUB

Marami ka pang magagawang recipe gamit ang epsom salt. Maaari ring gamiting substitute ang magnesium flakes na ginagamit sa paggawa ng oil spray at cream massage.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *