April 22, 2024
Baking soda o sodium bicarbonate mga benepisyo nito sa kalusugan

Mga benepisyo ng Baking Soda

Sharing is Caring

Ang mga benepisyo ng baking soda ay nadiskubre pa noong libong taon na ang nakaraan. Ang Ancient Egypt ang sinasabing unang gumamit nito.

Ancient egypt sa paggamit ng baking soda

Kung mag-uumpisa tayong talakayin ang kasaysayan ng paggamit ng ancient egyptians ng Sodium Bicarbonate o mas kilala natin sa tawag na Baking soda ay mahaba haba itong pagsusulat at pagbabasa. At yan ay hindi pa kasama ang mga chemical compositions nito.

    Ang ancient egyptians ang pinaniniwalaang unang gumamit na Natron (mixture ng baking soda). Ito ay ginagamit sa seremonya ng mummification sa kanilang bansa. Bukod dyan, ito ay ginamit din nila sa kanilang personal hygiene at panglinis sa loob ng bahay. At ito rin daw ay ginamit sa ”glassmaking” ng mga early Iranians at early Romans.

Baking soda o sodium bicarbonate mga benepisyo nito sa kalusugan

   Sa kasaysayan naman ng Amerika, ito ay ginamit na leavening agent sa baking kapalit ng yeast. At kung pag-uusapan ngayon ang pinakamatagal at pinakasikat na brand ng baking soda, ito ay ang Arm and Hammer ng magbayaw na sina Dr.Austin Church at John Dwight. Nagumpisahang gumawa at magbenta noong 1846. At mula nga noon, hanggang ngayon, nagkaroon ng mga pag-unlad sa kanilang produkto. Nakagawa sila ng mga iba’t ibang produkto gaya ng toothpaste na may baking soda, panglaba na may baking soda, at marami pang iba.

Baking soda na arm and hammer


Sa bahay ng isang tao na alam ang mga benepisyo ng baking soda, hindi mo lang ito makikita sa ref para pangtanggal ng amoy o sa kitchen cabinet para sa baking. Makikita mo ito sa iba’t ibang parte ng bahay. At makikita mong ginagamit sa iba’t ibang paraan dahil sa dami ng benepisyo ng baking soda.

Mga benepisyo ng Baking Soda

Internal use

  1. Pinaniniwalaang gamot sa cancer– maraming mga mga tao na advocate ng naturopathic medicine ang naniniwala na ang baking soda ay isang gamot sa cancer.
  2. Pinaniniwalaang gamot sa problema sa Kidney/Bato
  3. Antacid
  4. Laxative
  5.  After chemotherapy– ang Sodium Bicarbonate ay ginagamit ng oncologist sa kanilang mga pasyenteng nagchemotherapy para ma-balance ang acidity ng katawan na dulot ng ginawang gamutan.

External use/ Personal Hygiene

  1. Burn o sunog sa balat
  2. Canker sore
  3. Cuticle softener– hinahalo ito sa maligamgam na tubig at ito ang ginagamit na pangbabad sa kamay at paa. Ito ay makakatulong na mapalambot ang mga cuticle sa kuko.
  4. Insect bites– ang pangangati ng balat sanhi ng kagat ng insekto kagaya ng lamok ay malulunasan ng baking soda.Haluan ng 1 kutsaritang baking soda ang 1 tasa ng tubig. Ilagay ang mixture sa spray bottle at ito ang i-spray o i-apply sa balat na may kagat ng insekto. O dili kaya ay gumawa ng paste-like consistency at ito ang ipahid sa parte na nakagat ng insekto o nangangati.
  5. Deodorant– ito ay natural na deodorant.
  6. Pampaputi ng kutis/Skin whitening scrub– maaaring gumawa ng baking soda soap at ito ang gamiting pangsabon sa katawan at mukha.
  7. Bago at pagkatapos mag-ahit– lagyan ng 1 kutsaritang baking soda ang 1 tasang tubig. Haluin ito. Mag-apply ng mixture na ginawa sa parte ng aahitan. At mag-apply ulit pagkatapos mag-ahit.
  8. Namamagang paa o pagod ang paa– ibabad lamang ang paa sa maligamgam na tubig na may halong baking soda.
  9. Diaper rash
  10. Shampoo– haluan ng baking soda ang gagamiting shampoo sa buhok.
  11. Pang-disinfect linis toothbrush o sipilyo
  12. Panglinis ng hairbrush o suklay sa buhok
  13. Balakubak o Dandruff
  14. Hand deodorizer– pangtanggal ng amoy ng isda o lansa sa kamay.
  15. Alipunga/Athlete’s foot– maaaring gamitin itong sangkap para gumawa ng baking soda foot powder.
  16. Pampaputi ng ngipin– maaaring gamiting substitute sa regular na toothpaste.
  17. Mouthwash– maaari itong gamiting alternatibo sa regular na mouthwash. Magtunaw lang ng baking soda sa maligamgam na tubig at ito ang gamiting pang mumog.

Baking & Cooking

Ang baking soda ay ginagamit din bilang pangpaalsa sa paggawa ng tinapay o cake. Ginagamit din ito sa paggawa ng batter sa mga ipriprito. Ang baking soda rin ay maaaring gamitin sa pagpapanatili ng kulay ng mga green vegetables sa pagluluto.

Household

  1. Labahan
  2. Deodorizer– natural itong pangtanggal ng amoy ng refrigerator at basuraan.
  3. DIY Air freshener– bukod sa ginagamit itong pangtanggal ng amoy sa ref, maaari rin itong gamitin bilang air freshener sa loob ng bahay, kuarto, banyo, car freshener. Ang baking soda ay ginagamit din isa sa paraan ng pag-diffuse ng essential oil.
  4. All around toilet cleaner
  5. Carpet, sofa at kutson ng kama
  6. Baby bottle cleaner– imbes na gumamit ng dishwashing detergent na punong puno ng chemical, gumamit ng baking soda sa paglilinis at paghuhugas ng mga baby bottles.
  7. Prutas at gulay– ito ay ginagamit sa paghuhugas ng mga prutas at gulay.
  8. Garbage bin cleaner and deodorizer
  9. Metal cleaner
  10. Grease/Stain remover– sa problema sa sebo at mantsa sa mga plato, coffee maker, baso, sebo sa microwave oven, sebo at sunog sa oven at iba pang gamit sa kusina, isang safe na paraan ang paggamit ng baking soda.
  11. Amag/Mold– kasama ng puting suka, ang baking soda ay isang ligtas at epektibong paraan na panlinis ng amag. Ang amag ay mapinsala sa kalusugan. Kung meron kayo nito sa inyong bahay, agarang linisan ito ng baking soda at white vinegar.
  12. Fabric conditioner– may kakayahan din itong gamitin sa pagpapalambot ng labahan.
  13. Toilet bowl cleaner- maaaring gumawa ng toilet bomb cleaner gamit ang baking soda at iba pang mga sangkap.

Aso at Pusa

  1. Pampaligo sa alagang aso– haluan lamang ng baking soda ang batya o timba na may tubig. Ito ang gamitin sa pagpapaligo ng aso. Maaari ring haluan ng baking soda ang shampoo o sabon na gagamitin sa pagpapaligo.
  2. Dry cleaning/Dry shampoo– pag walang time magpaligo ng aso at nangangamoy na ito, gamitin ang baking soda na dry shampoo sa alaga. Budburan ng baking at siguraduhin umaabot ito sa kanilang anit at ibabad ng ilang minuto. Pagkatapos ay suklayin ito. Ganito rin ang gawin sa alagang pusa.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *