April 22, 2024
Mga benepisyo at gamit sa honey

Mga benepisyo at gamit sa Honey

Sharing is Caring

Napakaraming benepisyo at gamit sa honey. Salamat sa sipag at tiyaga ng mga bubuyog at sa mga bulaklak ng iba’t ibang uri ng halaman. Salamat sa mga sinaunang tao na nakadiskubre sa honey at ipinasa sa mga sumunod na henerasyon. At tayo nga ay nakikinabang sa mga benepisyong hatid nito 🙂

Kagaya ng beeswax, at iba pang mga bagay na ginagamit bilang natural na lunas, ang kasaysayan ng paggamit ng honey ay libo-libong taon pa ang nakaraan. Ayon sa article ng NCBI, ang paggamit ng honey ay nagsimula 8,000 taon na ang nakaraan. Inilarawan ito sa mga nadiskubreng painting ng mga tao noong araw. Ginamit itong pagkain at medisina.

Sa sinaunang panahon sa mga bansang Egypt, Greece, China, India, malaking papel din ang ginampanan ng honey sa larangan ng sinaunang medisina.

Iba’t ibang uri ng Honey

Maraming iba’t ibang uri ng honey, nakadepende ito sa uri ng bulaklak na pinagkukuhanan nila ng nectar.

Ang ilang halimbawa ng uri ng honey ay ang mga sumusunod;

  1. Alfalfa honey
  2. Avocado honey
  3. Acacia Honey
  4. Blueberry honey
  5. Buckwheat honey
  6. Clover honey
  7. Eucalyptus honey
  8. Manuka honey
  9. Orange blossom honey
  10. Wild honey
Mga larawan ng iba't ibang uri ng honey at honey sa honeycomb o pulot pukyutan.

Gamit at Benepisyo ng Honey sa kalusugan

Maraming benepisyong hatid ang honey sa kalusugan ng katawan. Ang honey ay nagtataglay ng enzymes, amino acids, antioxidants, anti bacterial properties at mga bitamina at mineral.

Dahil sa anti bacterial properties nito at healing properties, ginagamit itong gamot sa mga sugat para maiwasan ang impeksyon at para madaliang gumaling ang sugat.

Dahil sa enzymes, antioxidants properties, bitamina at mineral na taglay ng honey, nakakatulong daw ito sa mga karamdamang kagaya ng;

  1. Sakit sa puso– ang honey ay tinaguriang ¨heart tonic¨.
  2. Blood purifier
  3. Kidney & Liver detoxifier
  4. Pang iwas sa anemia
  5. Respiratory problems– ubo, sipon at hika.

Paraan ng paggamit ng honey

  1. Topical use– para sa problema sa balat, sunog at sugat. Ang kagandahan pa nito, gamitin man external o internal, nakakatulong ito sa produksyon ng collagen.
  2. Internal use– para sa internal use naman, maraming iba’t ibang paraan para gamitin ang honey.

a. Gamitin bilang sangkap sa pagluluto. Kagaya ng apple cider vinegar, gamitin ito sa mga salad dressing.

b. Gamiting kapalit ng asukal.

c. Gawing morning drink. Pagkagising sa umaga, gumawa ng warm honey lemon drink. Inumin ito 30 minutos bago mag-agahan.

d. Gumawa ng mga honey infusions at oxymels gamit ang mga spices & herbs.

Mga herbal infusion na gamit ang HONEY

Gamitin ang honey at mga halamang gamot sa paggawa ng mga infusions. Mga halimbawa ng mga spices at herbs na maaaring gawin;

  1. Honey at bawang
  2. Honey at lemon
  3. Honey, Lemon at Luya
  4. Honey at sibuyassibuyas syrup
  5. Oxymel

Gamit at benepisyo ng Honey sa Buhok at Balat

Walang katapusan ang gamit at benepisyo ng honey sa kalusugan ng ating katawan. Bukod sa pwede itong inumin, maaari mo rin itong gamitin sa iyong skin & hair care routine.

Magbebenepisyo rin ang buhok at kutis sa mga taglay nitong enzymes, vitamins & minerals, antioxidants, anti bacterial properties, at amino acids.

At ang pinakasimpleng paraan ng paggamit ng honey sa buhok at balat ay ang pag gamit nito ng solo. Pero maaari ring magdagdag ng iba pang sangkap para lalong maging epektibo.

Gamit at Benepisyo ng Honey sa Buhok

Ang honey ay magandang moisturizer at dahil sa anti bacterial properties nito, makakatulong ito sa problema sa balakubak at may abilidad din itong patibayin ang buhok para maiwasan ang paglalagas.

Maaaring gumawa ng hair mask gamit ang honey at iba pang sangkap.

IBA’T IBANG RECIPE:

  1. Honey at gatas– paghaluin ang fresh milk (pwede rin ang powdered milk) at honey (equal amount) sa isang mangkok. I-apply ito sa buhok mula anit, hibla hanggang dulo ng buhok. Ibabad sa buhok ng hindi bababa ng 30 minutes, pagkatapos ay banlawan. Maaari itong gamitin 1-2 beses sa isang linggo.
  2. Honey at apple cider vinegar– Paghaluin ang 2 sangkap. I-apply ito sa anit at buhok. Banlawan after 10 minutes. Gamitin ito at least 1-2 beses sa isang buwan. Maaari rin itong gamitin na pampaputi ng balat.
  3. Honey at castor oil– at kagaya sa honey and milk hair mask at honey and apple cider vinegar hair mask, ang proseso ay pareho lamang. Medyo imasahe ito sa anit para sa absorption ng castor oil. Makakatulong ito sa problema sa paglalagas ng buhok at pagkatuyot.

Gamit at benepisyo ng honey sa labi

Ang labi ay kadalasang isa sa parte ng ating mukha na prone sa dryness. Hindi lang makakatulong ang honey sa moisturization, ila-lighten din nito kung may pangingitim ang labi.

1.Maaari mong gamitin ang honey sa mga homemade o DIY lip scrub. Lagyan lang ng honey ang asukal at ito ang ipahid at ikuskos sa labi.

2. Maaaring gumawa ng lip sleeping masks.

Iba't ibang uri ng lip mask na maaaring gamitin sa bahay.

3. Maaari ring gumawa ng lip balm na may honey.

Lip balm na gawa sa bahay gamit ang mga natural na sangkap gaya ng iba't ibang uri ng langis.

Gamit at benepisyo ng honey sa balat

Ang honey ay magandang gamitin sa balat dahil sa antioxidant properties nito, vitamin at minerals, anti bacterial properties at healing properties.

Makakatulong ito na matanggal ang dark spots o hyperpigmentation ng balat, pimples, blackheads at whiteheads. Ito ay sinasabing magandang gamiting natural na lunas sa body odor. Maaaring gumawa ng iba’t ibang mask and scrubs gamit ang honey at iba pang mga sangkap na makikita sa kusina.

wrinkles o kulubot sa mukha
Pangingitim sa mukha kagaya ng age spots, hyperpigmentation at melasma
Mga tigyawat o pimples sa mukha.

Mga iba’t ibang Honey face mask

  1. Honey & Banana face mask
  2. Honey and Oatmeal (powdered) face mask (maaari ring gawing face scrub)
  3. Honey & Ginger juice face mask
  4. Honey & Tomato juice face mask
  5. Honey & Potato juice face mask (maaari rin itong gamitin bilang under eye treament bilang natural na lunas sa mga under eye problems)
  6. Honey & Milk powder

SPOT TREATMENT– kung gagamitin naman itong spot treatment ng pimples, maaaring gumamit ng;

a. Honey at cinnamon powder– paghaluin lang ito at iapply sa tigyawat. Maaaring mag reapply.

Honey at cinnamon powder para sa spot treatment ng pimples o tigyawat.

Iba’t ibang Honey Scrub

  1. Honey & Almond powder
  2. Honey & Oatmeal (powdered)
  3. Honey & Sugar- maaaring gumamit ng puti at brown sugar.

Gamit ng honey sa DIY skin & hair care products

Maaari mong i-incorporate ang honey sa mga DIY hair and skin care products. Kahit anong klase ng honey ay maaaring gamiting sangkap sa iyong formula.

  1. Hand cream o lotion
  2. Hair conditioner
  3. Honey and milk hair mask
  4. Lip mask

Kung accessible sayo ang honey powder, maganda rin itong gamitin. Pag meron ka nito mas malawak ang paggamit nito sa mga formulation ng produkto.

Pagdating naman sa mga scent, meron ding honey fragrance oil na maaaring gamitin na fragrance sa mga produkto o gamiting sangkap kung gagawa ng perfume na may honey scent o gamitin sa mga lotion o cream. Pero paalala lamang na ito ay hindi natural.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *