February 23, 2024
Ano ang hitsura at saan ginagamit ang salicylic acid powder

Totoo bang nagpapaganda ng Balat ang Salicylic Acid

Sharing is Caring

Oo, totoong nagpapaganda ng balat ang salicylic acid. Dahil kung scam na pinapaganda ng salicylic acid ang balat, sana noon pa ay wala ng beauty industry o company ang gumagamit sa sangkap na ito. Maniwala ka man o hindi, ang paggamit ng salicylic acid sa balat ay nagumpisa 2000 years ago. At ang natural source daw ng salicylic acid ay mula sa puno ng Willow bark na tinatawag na nature’s aspirin. Ginamit daw ito para lunasan ang kalyo o callous/callus at corns sa balat dahil ito ay keratolytic.

Ano ang Salicylic Acid

Ang salicylic acid ay isang uri ng BHA/Beta hydroxy acid. Ito ay ang key ingredient sa gamot na aspirin. Ang salicylic acid ay natural na nakukuha sa mga halaman kagaya ng willow bark tree, gulay at prutas. Halimbawa, ang strawberry, mint o spearmint, aloe vera ay may taglay na salicylic acid.

Marami itong benepisyong hatid sa balat kaya ginagamit ito sa mga iba’t ibang uri ng skin care products at shampoo.

Benepisyo ng Salicylic Acid bakit maganda ito sa balat

1.Exfoliate– nakakatulong ito sa exfoliation sa balat. Tinatanggal ang dull, dead skin para lumabas ang panibagong kutis na fresh at young skin. Epektibo sa pagtanggal ng fine lines o premature wrinkles. Ito ay mas banayad sa AHA kagaya ng glycolic acid, lactic acid at iba pang AHA.

2. Keratolytic– may kakayahan ang salicylic acid na palambutin ang kalyo, tanggalin ang dead skin cells, skin blemishes at iba pa.

3. Pores– nakakatulong ang salicylic acid na i shrink ang mga pores sa balat.

4. Oily skin– ang salicylic acid ay maganda sa may oily skin. May kakayahan ito na i control ang oil production.

5. Blackheads and whiteheads– may kakayahan ang salicylic acid na tanggalin ang mga nakabarang blackheads at whiteheads sa atin pores.

6. Gamot sa balat– ginagamit ang salicylic acid para lunasan ang mga sakit sa balat kagaya ng fungal infection, seborrheic dermatitis, eczema, psoriasis pati na rin ang acne.

7. Dandruff o balakubak– kung mapapansin ninyo, kadalasan sa mga shampoo na may claim na ito ay anti-dandruff at shampoo sa may oily hair ay may sangkap na salicylic acid. Dahil nga sa kakayahan nito na mag exfoliate at mag kontrol ng sobrang langis sa anit.

Mga balakubak sa buhok at anit

Bukod sa maraming benepisyo ang salicylic acid sa kutis, abot kaya pa ang presyo nito sa bulsa.

Usage rate sa paggamit ng Salicylic Acid

Kung gagamitin mo ang salicylic acid sa formulations mo ng produktong hair and skin care products, kailangan na maging mindful sa usage rate nito.

Ang usage rate sa paggamit ng salicylic acid ay depende sa function na gusto mong mangyari sa produkto.

  1. 0.1-0.5 %- katuwang ng iba pang preservative. Hindi pwedeng gamitin bilang nag iisang preservative ang salicylic acid sa isang produkto.
  2. 1%- para sa nagkakaliskis na balat.
  3. 1-2%- hyperhidrosis o sobrang pagpapawis na wala namang dahilan.
  4. 1-10%. psoriasis, eczema at dandruff, acne.

Ang usage rate 1-2% ay ang pinapayagang percentage lamang sa mga leave on products. Up to 3% percent naman kung sa mga wash off products kagaya ng shampoo, sabon sa mukha o katawan. More than 3% ng salicylic acid sa produkto ay tinuturing na itong isang medisina o gamot.

Pero ako personally, hindi ako umaabot sa 3% na salicylic acid kahit sa wash off products.

Mga Produktong DIY na maaaring gamitin ng sangkap na Salicylic Acid

Marami kang maaaring gawing skin and hair care products sa salicylic acid.

Pwede kang gumawa ng mga sumusunod;

1.Serum

2. Cream, moisturizer at lotion

3. Ointment- kagaya ng katialis ointment

4. Face wash

5. Body wash

6. Soap bar

7. Scrub- foaming scrubs

8. Shampoo

Pero bago tayo mapunta sa paggawa ng isang produktong may salicylic acid, pag usapan muna natin ang pagtunaw ng sangkap na ito.

Paano tunawin o i-dissolve ang Salicylic Acid Powder

Ang salicylic acid powder ay hindi kagaya ng niacinamide, allantoin, GABA, Urea at iba pang cosmetic ingredients na madaling matunaw. Ang kagandahan lang nito, ito ay heat stable. Pero pagdating sa tunawan, naging challenging ito sa aking mga formulations.

Ang salicylic acid ay hindi matutunaw sa TUBIG. Kahit paabutin mo pa sa 100 degrees, hindi ito matutunaw. Kahit i grind mo muna bago tunawin sa tubig.

Kailangan mo ng isang solvent.

Mga karaniwang SOLVENT sa pagtunaw sa SALICYLIC ACID

  1. Denatured alcohol– natutunaw naman ang salicylic acid sa denatured alcohol pero pagkatapos ng ilang oras, mag kri-crystalize ulit ang powder.
  2. Propylene glycol– ganito rin ang nangyari sa paggamit ko ng propylene glycol. Natunaw ang powder, pero kagaya ng denatured alcohol, ito ay nag crystallized din. Pero mas matagal ito mabuo kung ikukumpara sa denatured alcohol.
  3. Sodium lactate– mas effective naman ang pagtunaw sa paggamit ng sodium lactate. Pero after 24 hours, nag crystalize ulit ang powder.

Kung manonood ka ng mga youtube videos sa pagtunaw ng salicylic acid at ginamitan lang ng denatured alcohol o propylene glycol o sodium lactate, huwag maniwala.

😀 😀 😀

Sa pagtunaw ng salicylic acid, kulang ang paggamit ng solvent. Para mapanatili na tunaw ang salicylic acid, kakailanganin mong gumamit ng solubilizer.

Mga Solubilizer na maaaring gamitin sa pagtunaw sa salicylic acid
  1. Polysorbate 20
  2. Sodium citrate
  3. Poly suga mulse

Kaya kung gagamit ka ng salicylic acid sa formulations mo, 2 ang importanteng sangkap ang kailangan mo, una, solvent at ang pangalawa ay ang solubilizer.

Gawa tayo ng serum 🙂

Paano gumawa ng Salicylic acid Serum sa bahay

Mga sangkap: 30 grams facial serum with salicylic acid 2%

  1. Water- 24.96 grams
  2. Vegetable glycerin- 1.5 grams
  3. Hyaluronic acid- 0.8 gram
  4. Polysorbate 20- 0.6 gram
  5. Sodium Lactate- 1.5 grams
  6. Salicylic acid- 2 grams
  7. Preservative- 0.6 gram

Paraan ng paggawa

1. Ihalo ang salicylic acid powder sa sodium lactate. Haluin at ipainit ito hanggang sa maging clear at wala nang visible na powder. Itabi.

Ano ang hitsura at saan ginagamit ang salicylic acid powder

2. Sa isang lalagyan, paghaluin ang tubig at polysorbate 20. Haluin at ipainit up to 40 degrees.

AAno at saan ginagamit ang polysorbate 20 a.k.a. tween 20

3. Sa isang lalagyan, ihalo ang hyaluronic acid powder sa vegetable glycerin.

Benepisyo ng hyaluronic acid powder sa balat o kutis. Paano ito gamitin sa skin care
Vegetable glycerin na gamit sa paggawa ng skin and hair care products at herbal extracts.

4. Ihalo ang natunaw na salicylic acid sa tubig at polysorbate 20 na pinainit sa 40 degrees. Haluin.

5. Isunod na ihalo ang hyaluronic acid at glycerin. Haluin.

6. Takpan at itabi ng ilang oras hanggang sa maging gel like na ang consistency.

7. I-adjust ang ph o potential of hydrogen.

PH meter at strips na ginagamit sa pagkuha ng potential of hydrogen

8. Lagyan ng preservative. Pumili ng preservative na water soluble

Mga preservatives sa paggawa ng diy cosmetics, hair care products at skin care products.

9. Iipat sa de color na babasaging bote ang produkto.

Meron ka ng facial serum 🙂

Panoorin ang VIDEO

Ang ideal na PH ng produktong may salicylic acid

Importante ang PH o potential of hydrogen ng isang produkto. Sa mga produktong may AHA o BHA, importante na nasa 3-4 ang ph ng mga ito para maging epektibo sa functions nila. Maaari ninyong i-adjust ang produkto sa range na 3-4, huwag bumaba sa 3 dahil magiging harsh na ito sa inyong balat. Kung nasa 4 pataas naman ang ph, magiging epektibo nalang ito bilang moisturizer at hindi na bilang exfoliant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *