February 23, 2024
Paggawa ng pabango o perfume na para sa lalake gamit ang essential oils o fragrance oils o combinations.

Paano gumawa ng pabango para sa mga lalake

Sharing is Caring

Sa paggawa ko ng pabango para sa lalake, parang na basag lahat ang ¨basic guidelines¨ sa mga nabasa kong libro sa paggawa ng pabango. Dahil dito sa paggawa ko ng pang lalakeng perfume, hindi ko sinundan ang percentage at notes. Pinatak patak ko lang ang langis na gusto kong gamitin hanggang sa makagawa ng amoy na gusto ko.

Pero kung nag uumpisa palang kayo, importante parin na alamin ang basic guidelines sa paggawa ng pabango.

Sa paggawa ng pabango sa bahay, kailangan mo ng ilang kasangkapan.

Mga kasangkapan sa paggawa ng pabango para sa mga lalake

  1. Papel at lapis/ballpen- kailangan mong isulat ang bawat patak na iyong magagamit for future reference.
  2. De color na bote
  3. Dropper kung kinakailangan
  4. Panghalo
  5. Essential oils o fragrance oils
  6. Distilled water- kung walang mabiling distilled water, pwedeng gumamit ng pinakuluang tubig.
  7. Perfumer’s alcohol o denatured alcohol
  8. Perfume bottle

Pabangong pang lalake #1

Para sa simple at madaling gawin na pabangong pang lalake, 3 na essential oils at 1 fragrance oil lamang ang kailangan dito.

  1. Cedarwood essential oil
  2. Lime essential oil
  3. Lavender essential oil
  4. Tobacco fragrance oil

Ayon sa aking notes, nag umpisa muna ako sa 4 na patak na cedarwood essential oil, 1 patak na lime essential oil, 1 patak na lavender essential oil at 5 patak na tobacco fragrance oil.

Gamit at benepisyo ng cedarwood essential oil na nasa brown bottle

Inalog ang bote at inamoy.

Nagdagdag pa ako ng 6 na patak na cedarwood essential oil, 4 na patak na lime essential oil, 2 patak na lavender essential oil at 7 patak na tobacco fragrance oil.

Ibat ibang uri ng Fragrance oil na ginagamit sa paggawa ng cosmetics o pabango

Inalog ulit ang bote at inamoy.

Mga benepisyo ng lavender essential oil.

Patak ulit. Hanggang sa umabot ako ng;

23 drops cedarwood essential oil, 10 drops lime essential oil, 6 drops lavender essential oil at 21 drops tobacco fragrance oil.

At ang total weight in grams ng pinaghalo essential oils at fragrance oil pagkatapos kong makontento sa amoy ay,

3.06 grams

Tamang tamang para sa concentration ng Parfum na nasa 30% sa 10 grams na timbang ng perfume.

🙂

Pag nakuha na ninyo ang amoy na gusto ninyo, itabi ng at least 2 weeks para mag mature ang amoy. Ang ideal ay apat na linggo. Itabi ito sa isang kabinet na malayo sa sinag ng araw at moisture.

Huwag ding kakalimutang alugin araw araw.

Pagkatapos ng maturation process, lagyan ng 5 grams ng alcohol at 2 grams ng distilled water.

Pwede na ang pabangong panglalake.

Paggawa ng pabango o perfume na para sa lalake gamit ang essential oils o fragrance oils o combinations.

Para sa mga videos, maaaring panoorin sa diylangyan youtube channel

diylangyan logo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *