April 22, 2024
Mga fragrance notes sa paggawa ng perfume o pabango sa bahay gamit ang essential oil o fragrance oil

NOTES ng Essential Oils sa paggawa ng Pabango o Perfume

Sharing is Caring

Ang notes sa paggawa ng perfume o pabango ay simpleng classification lamang ng mga gagamiting amoy o scent. Sa paggawa ng perfume, ang mga essential oil o fragrance oil na ginagamit dito ay may kanya kanyang note. Parang sa pagko compose ng musika, gumamamit ang mga composers ng mga nota. At pag ito ay pinagsama sama, makakagawa sila ng isang musika. Sa paggawa naman ng perfume o pabango, pag pinagsama ang tatlong uri ng notes, makakagawa ng tinatawag na ACCORD.

Para hindi maging sintunado, kailangang malaman ang basic knowledge sa paggawa ng perfume o pabango sa bahay.

Merong 3 notes sa paggawa ng pabango. Ito ay ang TOP NOTE, MIDDLE NOTE o HEART NOTE at ang BASE NOTE.

TOP NOTE, HEART NOTE at BASE NOTE

Ano ang mga Essential Oils na TOP NOTE sa paggawa ng perfume o pabango

Ito ang note na kauna unahan mong maaamoy sa isang pabango at ito ay tatagal ng ilang minuto.

  1. Aniseed
  2. Basil
  3. Bergamot
  4. Carnation
  5. Cinnamon
  6. Chamomile
  7. Citronella
  8. Clary sage ( also middle)
  9. Coriander
  10. Eucalyptus
  11. Ginger
  12. Grapefruit
  13. Hyssop ( also middle)
  14. Lavender
  15. Laurel leaf
  16. Lemon
  17. Lemongrass ( also middle)
  18. Lime
  19. Mandarin
  20. Neroli ( also middle )
  21. Niaouli
  22. Orange
  23. Peppermint
  24. Palmarosa
  25. Rosewood
  26. Sage
  27. Sweet orange
  28. Spearmint
  29. Tagetes
  30. Tangerine
  31. Tea tree
  32. Violet ( also middle)
Iba't ibang uri ng essential oils na ginagamit sa kalusugan, aromatherapy, massage therapy at paggawa ng perfume, hair and skin care products.
Essential oils

Ano ang mga Essential oils na MIDDLE NOTE sa paggawa ng perfume o pabango

Ang middle note o heart note naman ay susunod na maaamoy pag humupa na ang top note. Tatagal naman ito ng ilang minuto o oras depende sa concentration ng perfume na ginawa.

  1. Angelica
  2. Arnica
  3. Balsam Peru
  4. Black pepper
  5. Cardamom
  6. Chamomile ( also top )
  7. Cinnamon ( also base )
  8. Cypress
  9. Elemi ( also base )
  10. Eucalyptus
  11. Fennel ( also top )
  12. Geranium
  13. Juniper
  14. Litsea cubeba
  15. Marjoram
  16. Melissa
  17. Musk
  18. Patchouli
  19. Pine
  20. Rosemary
  21. Rose ( Bulgarian)
  22. Rose de mai
  23. Violet ( also top)

Ano ang mga Essential oils na BASE NOTE sa paggawa ng perfume o pabango

Ito naman ang kahuli huliang note na tatagal ang amoy sa perfume.

  1. Agarwood- also known as Oud wood
  2. Amyris ( also middle note )
  3. Balsam Peru ( also middle )
  4. Cassia
  5. Cedarwood
  6. Cinnamon
  7. Clove
  8. Frankincense
  9. Ginger
  10. Jasmine ( also middle )
  11. Myrrh
  12. Sandalwood
  13. Vanilla
  14. Ylang ylang ( also middle )
Ibat ibang uri ng Fragrance oil na ginagamit sa paggawa ng cosmetics o pabango

Sa paghahalo ng mga notes na nabanggit sa taas, makakagawa ka ng perfume o pabango sa bahay. Kailangan mo lang na pumili ng essential oils o fragrance oils na babagay sa isa’t isa.

Bukod sa notes, meron pang tinatawag na ¨Category of Scents¨.

Category of Scents

1. Citrus & Fresh– ang citrus & fresh scents ay ang mga essential oil o fragrance oil na bergamot, grapefruit, lemon, lime, mandarin, sweet orange, spearmint, tangerine at iba pang essential oils o fragrance oils na may citrus at fresh scent.

2. Herbal & Camphor– ang mga halimbawa naman ng kategoryang ito ay basil, black pepper, chamomile ( also floral ), palmarosa, eucalyptus, peppermint, marjoram at iba pang essential oils o fragrance oils na may herbal o camphor scent.

3. Floral & Sweet– ang mga floral scent naman ay anise, cinnamon, cardamom ( also spicy scent ), frankincense, geranium, neroli, rose, jasmine, ylang ylang at iba pang may floral scent.

4. Spicy– ang halimbawa naman ng may spicy scent ay allspice, cardamom, ginger, nutmeg at iba pang essential oils o fragrance oils na may spicy scent.

5. Earthy & woody– para naman sa earthy and woody scents ito ay ang amyris, cedarwood, cypress, ginger, hyssop, juniper, myrrh, patchouli, pine, sandalwood, vetiver, at iba pang essential oils o fragrance oils na may earthy and woody smell.

Sa kategoryang yan, mabibigyan ka ng idea kung paano mo iko-compose ang SCENT na gusto mong gawin. Kung gusto mo ng floral scent, gagamit ka ng notes na nasa kategorya ng scent na ¨Floral & Sweet¨. Maaari mo ring dagdagan ng konting spice ang floral and sweet scent na iyong ginagawa. Kung ang gagawing pabango naman ay para sa kalalakihan, maaaring combination ng earthy, woody and spicy ang iko-compose mo.

Kung sa fragrance oils naman, meron ding kanya kanyang notes ang mga yan. Usually, kung bibili ka nito, meron ng impormasyon kung anong note nito at kung saang kategorya ng amoy nakapaloob.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *