April 22, 2024
Mga benepisyo at gamit sa ginger essential oil

Mga benepisyo ng Ginger essential oil

Sharing is Caring

Ang ginger essential oil ay ang oil compound ng luya. Ito ay dumaan sa pamamagitan ng extraction, sa pag-gamit ng steam distillation. At ayon sa article ng edenbotanicals, para makagawa ng isang kilong ginger essential oil, kailangan mo ng 150 kilo ng luya. Kaya sa isang patak lang ay maraming ng mga benepisyong hatid ang ginger essential oil.

Benepisyo ng ginger essential oil

Ang mga benepisyo ng ginger essential oil ay kagaya sa ugat (Luya). Pareho rin silang maraming maaaring pang-gagamitan. Ang kaibhan lang dito, ang langis ay mas malakas o potent sa mga compounds. Kumbaga, ang isang patak nito ay siksik o punong puno ng benepisyo.

  1. Analgesic– ang analgesic properties ng ginger essential oil ay makakatulong sa mga sakit sa kasukasuan, sakit sa ulo, rayuma o arthritis, mga inflammation sa katawan. Kasama ng carrier oil, gamitin itong pangmasahe sa parte ng katawan na masakit. Isa rin ito sa mga essential oils na gamit bilang natural na lunas sa sakit ng ulo.
  2. Antiseptic properties– ito ay may antiseptic properties na makakatulong na puksain ang iba’t ibang uri ng mikrobyo kagaya fungi, virus at iba pa.
  3. Decongestant– nakakatulong itong paluwagin ang paghinga mula sa pagkakabara ng plema.
  4. Circulation– ito ay nagbibigay o nagpapaganda ng sirkulasyon sa dugo sa buong katawan. Dahil sa benepisyong ito, isa sa gamit ng luya ay ang paggamit nito bilang natural na lunas sa naglalagas o napapanot na buhok.
  5. Antioxidant– mataas ito sa antioxidants na nagbabalanse at lumalaban sa mga free radicals.
  6. Energizing effect– kung mababa ang energy o malungkot, lumanghap ng ginger essential oil.
  7. Cosmetic– maraming mga benepisyo ang ginger essential oil kung ito ay gagamitin sa cosmetics. Ito ay may mga antioxidant properties na makakatulong sa tinatawag nilang premature aging. Makakatulong ito na lunasan at pigilang ang pagkakaroon ng dark spots sa mukha at dahil sa lightening and brightening effect, makakatulong ito sa pagpapaputi at maaari itong makatulong sa tigyawat o acne.

Paano gamitin ang ginger essential oil

Maraming paraan kung paano gamitin ang ginger essential oil. Maaari mo itong i-diffuse, gawing massage oil, o gamitin bilang cosmetic para sa iyong skin and hair products.

1.Diffuser- maraming benepisyo ang paggamit ng ginger essential oil sa diffuser. Sa paggamit ng diffuser, madi-disperse nito ang benepisyo ng langis sa hangin.

Ultrasonic essential oil diffuser

a. Malamig ang panahon- magbibigay ito ng warming effect

b. Colds, flu at cough

c. Energizing effect

Maaaring gumamit ng ultrasonic diffuser, kung wala, gumamit ng spray bottle. Bukod sa ultrasonic diffuser o spray bottle, marami pang ibang paraan kung paano i-diffuse ang essential oils.

Bottle spray, iang paraan ng pagdiffuse ng essential oilI

Maaari ring itong ihalo sa isang carrier oil o fixed oil at ipahid sa dibdib, sa likod, sa talampakan. Sa paraan na yan, mabibigyan ng ginhawa ang taong may sipon, flu at ubo.

2. Massage- sa mga masakit ang katawan, inflammation, at para painitin ang katawan sa lamig ng panahon, ang ginger essential oil ay magandang ipang masahe.

Benepisyo ng pagmamasahe gamit ang essential oil

Maaaring gumawa ng ointment na gawa sa essential oil na luya gamit ang mga simpleng sangkap.

3. Cosmetic o skin care products- gamitin o i-incorporate ang ginger essential oil sa iyong cosmetic products o skin o hair care products.

Halimbawa, Haluan ng ginger essential oil ang shampoo para pangtanggal ng kati, balakubak, patibayin ang buhok mula sa abnormal na paglalagas.

Mga cosmetic products na maaaring gawin gamit ang ginger essential oil

Ang isa sa mga benepisyo ng ginger essential oil ay ang gamit nito sa skin and hair care products. Sa mga benepisyo nito, maaari mo itong gawing sangkap sa paggawa ng mga DIY cosmetic products. Halimbawa;

  1. Shampoo- maraming mga herbal shampoo ang gumagamit ng ginger essential oil sa kanilang produkto. Minsan pa nga ang tawag sa kanilang produkto ay ¨Ginger shampoo¨ dahil ginamitan ito ng extract ng luya, essential oil at infused na luya.
  2. Sabon
  3. Lip balm
  4. Face cream o face serum o oil serum
  5. Lotion
  6. All around ointment
  7. Perfume o pabango- pagdating naman sa paggawa ng perfume o pabango, ang ginger essential oil ay ginagamit bilang middle o base note.
  8. DIY hand sanitizer

Fresh na luya o ang essential oil man ang gamitin, maraming benepisyo at gamit ito sa ating buhok, balat at kuko.

Ano ang maaaring gawin pag walang ginger essential oil

Minsan, mahirap maghanap ng mga essential oil na authentic at hindi fake. Hindi magandang bumili ng fake na essential oil, dahil ang fake at authentic na essential oil ay maraming pagkakaiba.

Kung walang makitang tunay na ginger essential oil, maaaring gumawa ng oil infusion o extract. Ito ay malayong mas mainam kesa bumili ng fake at isaalang alang ang sariling kalusugan. Pero kung ito ay ginger infused oil o ginger tincture, hindi mo na ito magagamit sa pagdi-diffuse kagaya sa ultrasonic diffuser.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *