April 22, 2024
Mga benepisyo at gamit sa langis na extra virgin coconut oil

Mga hatid na Benepisyo ng Extra Virgin Coconut Oil

Sharing is Caring

Maraming gamit ang coconut oil dahil sa hatid nitong benepisyo sa ating kalusugan. Ginagamit natin ito sa pagkain, tradisyonal na medisina at sa pag-aalaga ng ating balat at buhok. Sa mga bansa ng South East Asia, isa ang Pilipinas ang pinagpala sa dami ng puno ng niyog. Sa katunayan, ang Pilipinas ay pumapangalawa bilang exporter ng niyog sa ibang bansa katulad ng bansang China. Iba’t ibang parte ng niyog ang ating ine-export. Ayon sa gov.ph, ito ay ang coconut water, coconut milk, coconut oil, virgin coconut oil, coconut sugar at iba pa.

Pero hindi para sa export ang blog na ito, ito ay para sa iba’t ibang gamit ng extra virgin coconut oil sa ating buhok at balat.

Maraming mga benepisyong hatid sa ating kalusugan ang extra virgin coconut oil sa kalusugan ng katawan, kalusugan ng ating balat o kutis at kalusugan ng ating buhok.

Mga benepisyo ng Extra virgin coconut oil sa kalusugan ng katawan

  1. Anti microbial properties– meron daw itong anti viral, anti fungal at anti bacterial properties na makakatulong na labanan o bawasan ang mga sakit na sanhi ng mga iba’t ibang uri ng mikrobyo sa ating katawan.
  2. Immune system o Immunity– nagpapalakas at nagpapatibay daw ito sa immune system dahil ito sa taglay na oleic acids.
  3. Antioxidants– ang extra virgin coconut ay meron ding antioxidant na tinatawag na polyphenols. Nagbibigay ito ng proteksyon laban sa tinatawag na free radicals.

Mga paraan ng pagkain ng Extra virgin Coconut oil para mapakinabangan ang mga benepisyo nito

  1. Gamitin sa pagluluto– gamitin ang langis ng niyog sa pagluluto, salad o sa baking. Gawin itong substitute sa regular na mantika na ginagamit.
  2. Ihalo sa inumin– maaaring ihalo ito sa kape, smoothie, shakes o tsaa.

Gaano karaming coconut oil ang maaaring kainin araw araw

Ang langis ng niyog ay mayaman sa saturated fatty acids. Pag sobra ang intake mo ng saturated fats, at risk ka sa coronary heart diseases. Totoong maganda sa kalusugan ang extra virgin coconut oil pero huwag sobrahan ang pagkain nito.

Ayon sa mga eksperto ang tama at ideal na dami ng extra virgin coconut oil na maaaring kainin ay nasa 2 kutsara lamang araw araw. At siempre, huwag kalimutang kumusulta sa inyong doktor kung meron kayong iniinom na maintenance na gamot.

Dumako naman tayo sa mga hatid na benepisyo ng extra virgin coconut oil sa buhok at balat.

Mga hatid na benepisyo ng Extra virgin Coconut oil sa Buhok

  1. Nagpapalambot ng buhok– ang coconut oil ay may kakayahang magpalambot ng tuyo o dry hair.
  2. Nagpapatibay ng buhok– nakakatulong ang langis ng niyog na patibayin ang buhok mula sa pagkaputol at split ends.
  3. Paglalagas at pagkapanot– ang langis ay sinasabi ring nakakatulong na tugunan ang problema sa buhok kagaya ng paglalagas at pagkapanot. Marami itong taglay na fatty acids, protina at mga bitamina para i nourish at ma-stimulate ang hair follicles. Isa ang langis ng niyog ang ginagamit bilang natural na lunas sa paglalagas ng buhok. Magagamit mo rin ito sa paggawa ng natural na serum para pakapalin ang kilay at pilik mata.
  4. Nangangati o inflammed na anit– ang langis ng niyog ay may anti inflammatory at anti fungal properties din na makakatulong sa nangangating anit na sanhi ng balakubak o dandruff.

Simple lang ang paggamit ng langis ng niyog sa buhok.

Para sa may dry hair, maaaring i-apply ang langis ng niyog sa buhok bago mag shampoo o pagkatapos maligo.

Para naman sa nakakaranas ng paglalagas at pagkapanot, i-apply ang langis ng niyog sa anit overnight.

Mga hatid na benepisyo ng Extra virgin Coconut oil sa Balat o Kutis

  1. Natural na Moisturiser ng balat– isa itong natural na moisturiser na maaaring gamitin sa balat. Isang alternatibo sa lotion o moisturiser.
  2. Antioxidant– ang coconut oil ay may polyphenols na isang antioxidant na nagproprotekta mula sa UV rays.
  3. Anti-aging– ang oleic acid na taglay ng coconut oil ay nakakatulong na ibsan o bawasan ang tinatawag na premature aging kagaya ng fine lines, wrinkles at dark spots.

Ang isang disadvantage ng langis ng niyog kung gagamitin ito sa mukha ay, isa itong comedogenic.

Iba’t ibang gamit sa extra virgin coconut oil sa paggawa ng personal hair and skin care products at makeup

Maraming gamit ang langis ng niyog sa paggawa ng hair and skin care products at makeup, isa itong versatile na langis at abot kaya sa bulsa.

1.Sabon– magagamit mo ito sa paggawa ng sabon gamit ang sodium hydroxide o potassium hydroxide. Creamy at mabula ang sabong magagawa sa paggamit ng coconut oil.

2. Lotion, cream o moisturiser– magagamit mo rin ang langis ng niyog bilang oil ingredient sa paggawa ng lotion, cream o moisturiser.

3. Pabango– pwede mo ring gamitin ang extra virgin coconut oil kung gagawa ng pabango na solid. Kung liquid naman, gumamit ng fractionated coconut oil.

Mga DIY perfume gamit ang essential oils at spices & herbs.

4. Balm o salve– kung mga balm o salve naman, ang extra virgin coconut oil ang kadalasang ginagamit dahil ito ay may healing properties.

Lip balm na gawa sa bahay gamit ang mga natural na sangkap gaya ng iba't ibang uri ng langis.
Natural na pamahid sa sakit sa katawan o kasukasuan

5. Makeup at lipstick– kung mangangailangan ng sangkap na langis ang paggawa mo ng makeup, maaari mo ring gamitin ang coconut oil sa produkto. Ang langis ng niyog ay kadalasan ring ginagamit sa paggawa ng base ng lipstick dahil nagbibigay ito ng magandang texture at consistency sa produkto.

Lipstick na gawa DIY, homemade o gawa sa bahay gamit ang simpleng paraan at simpleng mga sangkap o ingredients

6. Body butter– gamitin rin ang extra virgin coconut oil sa paggawa ng body butter.

Paggawa ng butter buter sa bahay gamit ang iba't ibang uri ng langis, emulsifying wax, isopropyl myristate at iba pang sangkap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *