April 22, 2024
Clove essential oil sa brown bottle.

Benepisyo ng Clove Essential Oil

Sharing is Caring

Ang clove essential oil ay isa sa mga essential oil na kailangang kontrolado sa paggamit dahil ito ay maaaring magbigay ng adverse effect sa balat, dahil sa mataas ang eugenol content nito. Kagaya ng clove bud na ginagamit sa kusina, ang essential oil nito ay napakarami ring benepisyo. Ang clove essential oil ay napakarami ring gamit. Hindi lang sa aromatherapy, pwede rin itong gamitin sa iyong balat at buhok.

Gamit ng Clove Essential Oil

Ang Clove essential oil ay ginagamit sa aromatherapy, cosmetics, pangmasahe at maaari ring panglinis sa loob ng bahay. Magbebenepisyo ang kalusugang internal at kalusugang external. Dahil sa anti microbial benefits nito, magagamit mo rin ito bilang natural na disinfectant ng bahay. Maaring gumawa ng spray bilang air freshener.

Benepisyo ng Clove Essential Oil

1.Pain reliever/analgesic– ang eugenol content nito ay makakatulong sa mga sakit na nararamdaman. Sa katunayan, ginagamit ng mga dentista bilang pampamanhid o anaesthesia ang eugenol.

Maaari mo itong gamitin sa masakit na ngipin, inflammation ng gilagid, sakit sa ulo, sakit sa katawan, arthritis.

Kung gagamitin ito sa masakit na ngipin, ipahid ang langis na diluted sa carrier oil.

2. Air freshener– dahil sa antimicrobial properties nito, maaari kang mag diffuse ng langis nito sa oil diffuser o gumawa ng air freshener spray. Maaari rin na ito ang gamiting sangkap sa mga DIY na panglinis ng bahay.

Ultrasonic essential oil diffuser

3. Insect repellant at anti Itch– kagaya ng clove bud ang essential oil ay maaari ring gamiting bilang insect repellant. Magdilute ng langis o gumawa ng balm. Ito ay maaari mo ring gamitin para lunasan ang kati na sanhi ng kagat ng mga insekto.

4. Immunity booster– sa pamamagitan ng aromatherapy, ito raw ay maaari ring mapalakas ang immune system. Dahil sa meron itong malakas na antioxidant, isa ito sa ginamit sa paggawa ng ¨four thieves¨ oil blend.

5. Fungal infection– magagamit din ang clove essential oil para lunasan ang mga fungal infection kagaya ng dandruff, warts, alipunga, an-an at iba pa.

6. Ubo, Asthma– maaaring mag dilute ng langis nito sa carrier oil at ipahid o imasahe ito sa dibdib at likod.

7. Buhok– ang clove essential oil ay ginagamit din kung ang buhok ay abnormal na naglalagas. Nakakatulong sa hair growth dahil ito ay isang stimulant, nakakatulong sa circulation ng dugo sa anit. Kung wala kayong makitang clove essential oil, maaring gumawa ng oil infusion gamit ang clove herb.

Paano gamitin ang Clove Essential Oil

Ang clove essential oil ay hindi maaaring gamiting puro, kailangan mo itong i dilute sa carrier oil o combination ng carrier oils.

Maaaring gumamit ng 3-5 drops sa 2 kutsaritang langis. Parating gumamit ng de color na bote para tumagal ang shelf life nito.

Ang diluted na essential oil ay maaaring gamitin sa balat at buhok.

Pero kung gusto mo naman na ito ay in solid form, maaari rin. Kailangan mong gumamit ng wax para maging solid ito.

Paano gumawa ng Clove Essential Oil Balm

Mga SANGKAP

  1. Extra virgin coconut oil 2 kutsarita
  2. Beeswax 2 grams
  3. Clove bud essential oil 3-5 drops
  4. Vitamin e 1 gel capsule

Paraan ng PAGGAWA

  1. Magpainit ng tubig para sa hot water bath.
  2. Paghaluin ang beeswax at extra virgin coconut oil.
  3. Tunawin. Pag ito ay tunaw na, hanguin.
  4. Pababain sa room temperature. Pag nasa room temperature na, ilagay ang vitamin e at isunod na ang clove essential oil.
  5. Haluin ulit mabuti.

Youtube Video coming soon!

Kung wala kang essential oil pero meron kang herb na clove, maaari kang gumawa ng langis nito gamit ang prosesong oil infusion. Maaaring gumamit ng hot o cold process sa paggawa ng clove bud infused oil.

Mga clove buds

Paano gawing Langis ang Clove

Gawing coarse ang clove buds, maaaring gamitan ng mortar & pestle o coffee grinder. Ilagay ito sa garapon na malinis at lagyan ng langis. Itabi ng 3 linggo at alugin araw araw. Pagkatapos ng infusion time, salain ito at ilipat ang langis sa malinis na bote o garapon.

Ang mga infused oil ay hindi kasing potent ng mga essential oil. Pero dahil sa napakalakas na spice ang clove, parang gumamit ka na rin ng essential oil na diluted.

Gabay sa paggamit ng Clove Essential Oil

Clove essential oil sa brown bottle.

INCI– Eugenia caryophyllus

Usage rate– 0.5% to 2.5%

Note/Accord– middle note to top note

Color & Texture– color less, light yellow

Solubility– insoluble in water

Uses– perfume, cosmetics, aromatherapy, topical application, massage.

Protective measurespatch test to check for sensitivity. Huwag ring aamuying diretso sa bote. I-dilute muna sa carrier oil bago gamitin sa balat o buhok.

Storage– ilayo sa sinag ng araw at ilaw.

Contraindications– buntis, may epilepsy at mga taong umiinom ng mga gamot bilang maintenance lalo na ang mga gamot na anticoagulant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *