April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng langis ng jojoba o jojoba oil

Gamit at Benepisyo ng JOJOBA Oil

Sharing is Caring

Ang jojoba oil ay magagamit mo sa paggawa ng DIY na produkto na gamit mula ulo hanggang paa. Marami itong gamit at benepisyo sa paggawa ng makeup, skin care products at hair care products, paggawa ng perfume o pabango. Medyo pricey ito, pero sulit sa dami ng gamit at benepisyo.

Ang jojoba oil ( simmondsia chinensis ) ay hindi talaga langis, ito ay isang liquid wax na mula sa buto ng palumpong ng JOJOBA. Ayon sa Britannica, ang halaman na ito ay native ng bansang America at Northern Mexico.

Gamit ng Jojoba oil sa paggawa ng mga makeup at skin & hair care products

  1. Makeup– ang jojoba oil ay ginagamit sa paggawa ng makeup. Kung kakailanganin ng oil na ingredient, madalas ang oil na ito ang makikita mo sa ingredients ng isang produkto. Kung powdered makeup naman, ginagamit din ito.
  2. Makeup remover– kung maganda ito sa paggawa ng makeup, maganda rin itong gamiting makeup remover.
  3. Skin care & Hair care products– ang jojoba oil ay maaaaring gamitin ng ¨all skin types¨. Maaari itong gamitin ng dry skin o dry scalp, oily skin o oily scalp.
  4. Facial serum– ang jojoba oil ay ang kadalasan kong ginagamit sa paggawa ng facial serum.
  5. Perfume– pag gagawa ng perfume sa bahay, kung oil based perfume ang gagawin, isa ang jojoba oil sa mga base oils o carrier oils ang magandang gamitin dahil ito ay madaling maabsorb ng balat.
  6. Paggawa ng Sabon– pag ginamit ito sa paggawa ng sabon gamit ang sodium hydroxide o potassium hydroxide, nakakatulong itong mapaganda ang bula ng sabon.

Mga benepisyo ng JOJOBA OIl sa Skin care

  1. Anti-inflammatory– ito raw ay may anti-inflammatory kaya magandang gamitin sa problema sa balat kagaya ng psoriasis at eczema.
  2. Less or non-comedogenic oil– hindi nito binabarahan ang pores kaya maganda itong gamitin ng mga mga balat na prone sa pimples at oily skin.
  3. Emollient– kung ang jojoba oil ay maaaring gamitin ng may oily skin, maaari rin itong gamitin ng may dry skin, madaling iabsorb ito ng balat. Kaya nitong bigyan ng tamang moisture ang dry na balat.
  4. Vitamin b, vitamin e– dahil sa mga bitaminang meron ang jojoba oil, nakakatulong ito na labanan ang free radicals na nagdudulot ng wrinkles, sunspots at iba pang signs of aging na makikita sa balat.
  5. Hair benefits– ang jojoba oil ay sinasabing maraming benepisyong hatid sa buhok dahil bukod sa vitamin b at vitamin e meron pa itong minerals, copper at zinc. Makakatulong ito sa buhok na may split ends, dry hair, dry scalp, oily hair, oily scalp at naglalagas na buhok. Makakatulong din daw ito sa hair growth.

Iba pang produkto o sangkap na mula sa JOJOBA

  1. Jojoba beads
  2. Jojoba wax
  3. Jojoba esters

Paano gamitin ang JOJOBA OIL sa Balat

Ang jojoba oil ay maaaring gamitin as it is bilang skin care. Kung gagamitin mo itong oil serum, 2-3 patak ay kasya na para i moisturize ang iyong balat. Maganda rin itong gamitin bago maglagay ng foundation sa mukha.

Pero maaari rin kayong magdagdag ng ibang sangkap sa inyong jojoba oil serum. Pwedeng lagyan ng iba pang carrier oil na sa tingin nyo ay magbebenepisyo ang inyong balat.

Hindi lang ninyo ito magagamit sa mukha, magagamit nyo rin ito sa buong katawan na parang body oil moisturizer.

Paano gamitin ang JOJOBA OIL sa buhok at anit?

Gamitin itong hair conditioner ng buhok. Mag pahid lamang ng konting jojoba oil sa buhok pagkatapos maligo. Maaari ring magpahid ng jojoba oil sa parte na may split ends.

Kung deep conditioning naman ang gusto, gawing parang hair mask ang jojoba oil sa buhok at pabayaan magdamag. Kinabukasan ay paliguan ito. Huwag ding kalimutang imasahe ang anit para mag circulate ang dugo.

Ang jojoba oil ay maaari ring makatulong sa problema sa balakubak. Kung dry ang scalp kaya nagkakaroon ng mga white flakes, makakatulong ang jojoba oil para bigyan ng moisture ang anit. Mare-regulate nito ang sobrang pag produce ng sebum ng anit, kung ang sanhi naman ng balakubak ay dahil sa sobrang langis.

Paano gumawa ng MAKEUP REMOVER gamit ang jojoba oil

Ang jojoba oil, kagaya nga ng binanggit ay maaaring gamiting makeup remover. Para sa simpleng makeup remover na maaaring gawin sa bahay gamit ang jojoba oil,

MGA SANGKAP

1 kutsarang Jojoba oil

1 kutsarang sunflower oil

2 kutsarang olive oil

1 gel casule vitamin e

Paghalo haluin ang lahat ng sangkap sa isang brown bottle. Alugin. Meron ka ng makeup remover 🙂 Lagyan lamang ng langis ang cotton pad o bulak. Ito ang ipahid sa parte ng mukha na gustong tanggalan ng makeup.

Ang isang maganda dito ay gumagamit ka ng isang natural na produkto na ipapahid mo lalo na sa iyong mga mata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *