April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng xanthan gum sa paggawa ng skin and hair care products sa bahay.

Paano ginagamit ang Xanthan Gum sa paggawa ng Cosmetics

Sharing is Caring

Ang xanthan gum ay ginagamit sa paggawa ng medisina, gamit sa pagkain at siempre gamit sa paggawa ng cosmetics. Ito ay mula sa pag ferment ng asukal at xanthomonas campestris na isang uri ng bacteria. Ang xanthan gum ay isang puting ( minsan ay yellowish at meron na ring transparent ) pulbos. Ito ay ginagamit bilang thickener at stabilizer sa mga cosmetics. Isa itong affordable na cosmetic ingredient na ang function ay para palaputin o i stabilize ang ginagawang produkto.

Paano ginagamit ang XANTHAN GUM

Ang xanthan gum ay madali lamang gamitin para gamiting thickener o stabilizer ng isang formula.

  1. Usage rate– ang karaniwang usage rate ng xanthan gum ay 0.1- 2%. Ang paggamit ng usage rate ay depende sa gusto mong consistency ng isang produkto at depende sa ginagawang produkto. Maiintindihan nyo rin yan pag ginagamit na ninyo ito 🙂 . Kung gumagawa ako ng lotion o cream, gumagamit ako ng 0.2% 0 0.3%. Kung ginagamit ko naman ito bilang pampalapot ng mga sabon gamit ang iba’t ibang uri ng surfactants, gumagamit ako ng above 0.03%.
  2. Solubility– ang xanthan gum ay water soluble pero kailangan mo ng blender at matagalang pagble blend para ma dissolve fully ang pulbos sa tubig. Ang trick diyan ay i dissolve ito gamit ang vegetable glycerin. Pag na dissolve na ang xanthan gum sa glycerin, pwede ng ilagay ang tubig o ano pang water ingredients na gagamitin.
  3. Co-emulsifier & Stabilizer– gagamitin ko ito sa emulsion gamit ang emulsifying wax pag 1) konting emulsifying wax lang ang gusto kong gamitin. 2) para tulungan sa stabilization ng ginagawa kong emulsion.

Saan ginagamit ang XANTHAN GUM

Magagamit mo ang xanthan gum sa paggawa ng;

  1. Makeup
  2. Cream, lotion, moisturizer
  3. Gel products
  4. Shampoo
  5. Facewash & face foaming wash
  6. Face sheet mask serum
  7. Toothpaste
  8. Liquid handsoap gamit ang surfactant
  9. Liquid body wash gamit ang surfactant

Sa mga ginagawa kong aloe vera gel, gumagamit ako ng xanthan gum dito para makagawa ng gel. Maaari ninyong panoorin ang video ng paggawa ng basic aloe vera gel o basahin ang blog.

DIY homemade Aloe vera gel gamit ang aloe vera powder 200:1

Ang xanthan gum ay sinasabi ring hindi lang pang stabilize ng formula o pampalapot, ito ay may benepisyo rin na bigyan ng moisture ang ating balat. Ang kagandahan pa niyan, ito ay para sa ¨all skin types¨.

Green tea under eye Gel Mask

Maaaring gumawa ng napaka simpleng under eye gel mask gamit ang xanthan gum as gelling agent at green tea extract.

MGA SANGKAP SA PAGGAWA NG GREEN TEA UNDER EYE GEL MASK

  1. Water o hydrosol- 17.98g
  2. Vegetable glycerin- 1g
  3. Green tea extract- 1g
  4. Xanthan gum- 0.02g maaari ninyong dagdagan kung gusto ng mas malapot na gel.

PARAAN NG PAGGAWA NG GREEN TEA UNDER EYE GEL MASK

  1. Paghaluin ang vegetable glycerin at xanthan gum. Haluin itong mabuti hanggang sa wala ka ng makitang pulbos ng xanthan gum.
  2. Paghaluin ang tubig o hydrosol at ang extract ng halaman ng green tea. Haluin mabuti.
  3. Dahan dahang ilagay ang mixture ng glycerin at xanthan gum sa no.2 habang hinahalo para makagawa ng gel like consistency.
  4. Ilagay sa isang container. Since walang ginamit na preservative, ilagay ito sa ref.

Meron ka ng DIY under eye gel mask!

Maaari ka pang makagawa ng under eye gel products gamit ang iba pang mga sangkap. Gumamit ng mga sangkap na magbebenepisyo ang iyong balat. Maaaring gumamit ng collagen, kape o coffee powder na ginagamit sa paggawa ng cosmetics.

Ang green tea extract naman ay maaaring gawin sa bahay sa pamamagitan ng spices & herbs extraction. Maaari ka ring makabili ng green tea extract o powder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *