April 22, 2024
Hydrolyzed collagen na ginagamit sa paggawa ng skin and hair care products sa bahay

Paano gamitin ang Collagen sa paggawa ng skin care products sa bahay

Sharing is Caring

Ang collagen na ginagamit topically sa balat ay iba sa collagen na iniinom bilang supplement. Maaaring maka encounter ka ng liquid collagen o collagen powder. Ang aking ginagamit na collagen sa paggawa ng skin care products sa bahay ay ang liquid form. Ginagamit ko ito sa paggawa ng serum, lotion, cream o moisturizer sa mukha o katawan. Hindi komplikado ang paggamit ng hydrolyzed collagen, madali itong i-stabilize at ihalo sa halos ano mang uri ng sangkap.

Ang oral supplement na collagen ay maraming benepisyong hatid. Pagdating naman sa skin care, ito ay marami ring claims na benepisyong hatid. At dahil sa mga benepisyong hatid nito kaya maraming mga kumpanya ang gumagawa ng skin care products, hair care products at makeup na may kasamang collagen na sangkap. Mababasa mo sa ingredients label nila ang mga salitang ¨collagen peptides¨.

Mga benepisyong hatid ng collagen sa balat

  1. Anti aging– ito ay sinasabing may anti aging properties. Makakatulong daw ito sa pagbabawas ng wrinkles, age spots o hyperpigmentation sa balat.
  2. Collagen formation– dahil sa nakakatulong ito sa collagen formation, magiging firm ang balat o mababawasan ang pagluyloy nito.
  3. Moisturizer– magbibigay ito ng moisture sa balat para maiwasan ang tinatawag sa ingles na ¨water loss¨ o pagkatuyot ng kutis na siyang dahilan din ng pagbuo ng wrinkles at iba pang problema sa pagtanda ng ating kutis.

Mga skin care products na maaaring gawin gamit ang Collagen

Ang hydrolyzed collagen ay maaari mong gamitin sa paggawa ng;

  1. Serum
  2. Lotion, cream, moisturizer
  3. CC Cream o BB Cream
  4. Foundation

Bukod sa skin care products, ito ay magagamit mo rin sa paggawa ng mga hair care products. Dahil meron din itong benepisyo sa buhok.

Paano gumawa ng under eye serum gamit ang collagen

Nakikita mo sa mata at sa paligid nito kung ang isang tao ay pagod, kulang sa tulog o stressed. Kadalasan ito rin ang parte ng ating mukha na kung kulang sa alaga ay lalong nagdadagdag sa edad ng isang tao. Maraming mga kumpanya ang gumagamit ng collagen sa paggawa ng under eye serum. At ang kadalasang partner ng collagen ay ang caffeine.

MGA SANGKAP SA PAGGAWA NG COLLAGEN UNDER EYE SERUM

  1. Caffeine powder- 0.05g
  2. Rose hydrosol- 8.52g
  3. Vegetable glycerin- 1g
  4. Collagen- 0.3g
  5. Hyaluronic acid powder- 0.05g
  6. Sodium phytate- 0.03g
  7. Preservative- 0.05g
  8. PH- qs

Paraan ng paggawa ng COLLAGEN UNDER EYE SERUM

  1. Pagsamahain ang rose hydrosol at sodium phytate powder. Haluin.
  2. Isunod na ihalo ang caffeine powder. Ang caffeine powder ay kailangang ipainit konti para tuluyang matunaw.
  3. Habang inaantay na matunaw ang caffeine powder, ilagay ang hyaluronic acid powder sa vegetable glycerin. Haluing mabuti hanggang sa maghalo ang dalawang sangkap. Itabi.
  4. Pag tunaw na ang pinapainit na mga sangkap, hanguin ito mula sa init. Antaying bumaba ang temperatura sa 40 degrees celsius.
  5. Ilagay ang hydrolyzed collagen at haluing mabuti.
  6. Ilagay ang cosmetic preservative. Haluin.
  7. Isunod na ilagay ang pinagsamang hyaluronic acid at vegetable glycerin. Haluing mabuti.
  8. Takpan ng mga 30 minutos. More or less in 30 minutes magiging jelly na ang consistency nito.
  9. I-adjust ang ph ng DIY collagen eye serum.
  10. Ilagay ito sa roller bottle o sa bote na may dropper.

Caffeine powder

Ang caffeine powder na ginamit sa produkto ay isang sangkap na ginagamit sa cosmetic. Maraming benepisyo ang kape sa ating balat o kutis. Kung wala kang mabiling caffeine powder, maaaring gumamit ng green tea extract na maaari mong gawin sa bahay sa pamamagitan ng extraction ng mga halamang gamot.

Ready na ang DIY Collagen under Eye Serum

Paano gamitin ang collagen under eye serum na DIY

  1. I-apply ito sa under eye, paligid ng mata na kung saan ay kadalasang nagkakaroon ng wrinkles at laugh lines.
  2. Maaari itong gamitin dalawang beses sa isang araw.

Paano gumawa ng facial serum gamit ang Collagen

Pwede ka ring makagawa ng facial serum gamit ang hydrolyzed collagen. Mga simpleng sangkap rin ang kasama nito. Ang collagen facial serum ay isang basic at simpleng serum.

Ang sangkap nito ay halos pareho ng sangkap ng collagen under eye serum.

MGA SANGKAP SA PAGGAWA NG COLLAGEN FACIAL SERUM

  1. Water- 12g
  2. Rose hydrosol o rose water- 10.83g
  3. Sodium phytate- 0.03g
  4. Niacinamide- 0.9g
  5. Hyaluronic acid powder- 0.15g
  6. Vegetable glycerin- 3g
  7. Collagen- 3g
  8. Preservative, Geogard 221- 0.09g

PARAAN NG PAGGAWA NG COLLAGEN FACIAL SERUM

  1. Paghaluin ang tubig na distilled, rose hydrosol o rose water, sodium phytate at niacinamide powder. Haluing mabuti hanggang sa matunaw ang powdered ingredients.
  2. Sunod na ilagay ang hydrolyzed collagen. Haluin at itabi.
  3. Ihalo ang hyaluronic acid powder sa vegetable glycerin. Itabi.
  4. Lagyan ng preservative ang unang napaghalong mga sangkap. Ihalo ito sa glycerin at hyaluronic acid mixture.
  5. Sa panahong yan ay hindi pa maganda ang consistency nito. Takpan at itabi ng at least 30 minutes. Pagkatapos niyan, ito ay may gel-like consistency na.
  6. I-adjust ang PH o potential of hydrogen ng DIY face serum.

READY NA ANG COLLAGEN FACE SERUM NA DIY!

Paggawa ng facial serum o face serum gamit ang sangkap na hydrolyzed collagen.
Panoorin ang VIDEO

Paano gumawa ng Body Lotion gamit ang Collagen

Kung lotion naman ang gusto, gagawa naman ng tinatawag na emulsion ng mga sangkap dahil may mga ingredients dito na tubig at langis.

MGA SANGKAP SA PAGGAWA NG COLLAGEN BODY LOTION: 100g

  1. Water- 35.3g
  2. Reconstituted aloe vera powder- 28.2g
  3. Vegetable glycerine- 5g
  4. Cocoa butter pellets- 5g
  5. Macadamia nut oil- 10g
  6. Cetearyl glucoside- 1g
  7. Cetyl alcohol- 2g
  8. Hydrolyzed collagen- 5g
  9. Isopropyl myristate- 5g
  10. Essential oil: Lily of the valley essential oil ( 0.30g), Sandalwood fragrance oil ( 0.7g )
  11. Vitamin e- 2g
  12. Preservative, geogard 221- 0.5g

PARAAN NG PAGGAWA NG COLLAGEN BODY LOTION

1. Paghaluin ang tubig, reconstituted aloe vera powder, glycerine at ipainit ito hanggang sa 75 degrees centigrade.

2. Sa isang lalagyan, pagsamahin ang langis na gagamitin, cocoa butter pellets, at mga emulsifying wax na gagamitin. Tunawin ito at antaying tumaas ang temperatura sa 75 degrees centigrade.

3. Pag nakuha na ang temperatura, hanguin ang 2 sa init.

4. Ibuhos ang oil & waxes ingredients sa water ingredients. Gumamit ng emulsion blender. Around 3-4 minutes ang nilaan kong pagble- blend ng mga sangkap. Blend tapos rest ang prosesong ginawa ko.

5. Pag nasa 40 degrees centigrade na ang temperatura, ilagay na ang mga natitirang mga sangkap sa paggawa ng collagen body lotion; isopropyl myristate, collagen, vitamin e, fragrance oil o essential oil at ang preservative.

6. I blend muli ang ginagawang lotion.

READY NA ANG COLLAGEN BODY LOTION!

Paggawa ng body lotion na may collagen sa bahay o DIY body lotion na may collagen.
Panoorin ang VIDEO

Ang consistency ng emulsion ay makikita after 24 hours. Kung ang ginagawa mong collagen body lotion ay parang masyadong runny o malabnaw, antayin ng 24 oras.

Gabay sa paggamit ng COLLAGEN

INCI– Hydrolyzed collagen

Usage rate– 5-10% facial products, 3-5% body and hair products. Basahin din ang label ng inyong manufacturer sa usage rate ng collagen.

Solubility– water soluble

Color & texture– amber, yellowish.

Ginagamit sa– mga produkto para sa hair, face and body care.

Benepisyo– anti aging, moisturizer etc

Protective measures sa paggamit– hindi para sa oral supplement.

Storage– ilayo sa sinag ng araw at ilaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *