April 22, 2024
Saan at ano ang coco caprylate

Ano ang Coco Caprylate at bakit ginagamit ito sa paggawa ng Cosmetics

Sharing is Caring

So far, ang Coco Caprylate ang paborito kong sangkap sa paggawa ng cosmetics na ginagamit ko sa mukha. Kung oil based facial serum o face oil ang aking gagawin, importante ito sa aking formulation. Maganda itong alternatibo sa mga silicone kung ayaw mo sa mga silicone based ingredients o isopropyl myristate kung ikaw naman ay may allergy dito.

Ang Coco caprylate ay gawa sa fatty alcohol at caprylic acid. Ang fatty alcohol ay maaaring magmula sa niyog. Halimbawa ng mga sangkap na may ¨fatty alcohol¨ ay ang iba’t ibang uri ng wax o emulsifying wax gaya ng cetyl alcohol, cetearyl alcohol at iba pa. Ang caprylic acid naman ay maaaring mag mula rin sa langis ng niyog o langis ng palm. Sa madaling sabi, ito ay produkto rin ng prosesong esterification. Maaari itong natural o nagmula sa halaman o synthetic. Depende sa inyong manufacturer.

Bakit ginagamit ang Coco Caprylate sa paggawa ng Cosmetics

Ginagamit ang coco caprylate sa paggawa ng iba’t ibang uri ng cosmetic products dahil sa benepisyong hatid nito sa paggawa ng produkto at mga benepisyo sa buhok at balat.

1. Emollient– ipinapalambot nito hindi lang ang balat kundi pati rin ang buhok. Kaya ito ay ginagamit sa mga skin and hair care products kagaya ng;

a. Serum

b. Lotion, cream at moisturizer

c. Facial cleanser

d. Hair shampoo ang conditioner

e. Deodorant o anti-perspirant

f. Body butter

f. Perfume- ginagamit din ito sa paggawa ng pabango. Alcohol ang main ingredients sa paggawa ng pabango, ang alcohol ay drying sa balat. Gumagamit ng coco caprylate sa formulation ng pabango para maiwasan ang dryness at madaliang evaporation ng produkto.

2. Make-up at lipstick– kung ang coco caprylate naman ay nakita mong isa sa mga sangkap ng iyong makeup kagaya ng CC cream o BB bream, lipstick at iba pang pag kolorete sa mukha, bukod sa emollient properties nito, ito ay nakakatulong din sa pag disperse ng kulay na ginamit sa produkto.

3. Penetration enhancing agent– isa rin itong penetration enhancing agent. Makakatulong ito sa absorption ng mga active ingredients sa balat para mas maging epekto ang isang produkto.

4. Light & silky feel– ang produktong may sangkap na coco caprylate ay magbibigay ng ¨light ang silky feel¨. Kung oil based serum para sa mukha o buhok, hindi ito mabigat sa pakiramdam at malangis pag hinawakan. Dahil ito ay madaling ma-absorb ng ating balat kasama na ang iba pang sangkap na langis.

5. Shine– kung sa buhok naman ito ginamit, ginagawa nitong shiny at may buhay ang iyong buhok. Kaya maganda rin itong gamitin sa paggawa ng hair serum na oil based.

6. Alternatibo sa ibang kemikal– maaari mo itong gamitin bilang alternatibo sa silicones kagaya ng cyclomethicone, dimethicone, at iba pang silicones na ginagamit sa cosmetic products.

Gabay sa Paggamit ng Coco Caprylate

INCI– Coco caprylate/Caprate

Usage rate– 1-10%, 2-25%, 3-20% depende sa manufacturer

Solubility– oil

Color & Texture- thin

Ginagamit sa– cosmetic products

Benepisyo– emollient at iba pang nabanggit sa taas

Protective measures– gloves

Storage– ilayo sa sinag ng araw o ilaw at takpang mabuti.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *