April 22, 2024
d-panthenol na sangkap sa paggawa ng cosmetic products para sa makeup, lipstick hair and skin care.

Ano ang D-panthenol at bakit ginagamit ito sa skin and hair care products

Sharing is Caring

Ang d-panthenol o kilala din sa tawag na pro vitamin b5 o pantothenic acid ay ginagamit sa mga skin and hair care products dahil sa hatid nitong benepisyo. Marami itong benepisyo sa buhok at balat.

Bakit ginagamit ang D-panthenol sa skin and hair care products

Ginagamit ang panthenol sa paggawa ng skin and hair care products dahil sa mga sumusunod na benepisyo nito;

  1. Pinapanatili nitong moisturized ang balat at buhok.
  2. Pinapatibay nito ang hibla ng buhok para maiwasan ang pagkasira ng buhok kagaya ng split ends.
  3. Ginagawa rin nitong soft and silky ang balat at buhok sa pakiramdam o pandama.
  4. Meron itong anti-inflammatory properties kaya ang sangkap na ito ay madalas din gamitin sa mga ointment para sa pangangati ng balat.
  5. Ito ay non comedogenic na sangkap.
  6. Ito ay may kakayahang mapabilis ang paghilom ng sugat at nakakatulong din daw ito na maibsan ang pagkakaroon ng peklat o tuluyang pagkawala ng peklat.
  7. Ang panthenol ay nakakatulong din sa problema sa age spots o dark spots at pati na rin sa wrinkles o finelines.
  8. Ang panthenol ay may kakayahan ding ipenetrate ang kuko para mabigyan ito ng moisture para maiwasan na maging brittle ito.
  9. Kagaya ng niacinamide, ang panthenol ay may kakayahan din i-exfoliate ang balat.

Mga skin and hair products na maaaring gamiting sangkap ang D-panthenol

1.Shampoo– maganda itong gamitin sa formulation ng shampoo para sa may dry hair and scalp.

2. Hair conditioner

Basic hair conditioner na gawa sa bahay o DIY

3. Facial cleanser

4. Body wash o shower gel– ang panthenol ay ginagamit ding isa sa mga sangkap sa paggawa ng body washes o shower gels.

5. Face cream, lotion

6. Face sheet mask essence o serum– sa paggawa ng mga essence para sa mga sheet mask o serum, ang panthenol ay magandang ihalo sa mga sangkap na may hydrating benefit kagaya ng hyaluronic acid.

7. Makeup at lipstick– pwede itong ihalo sa paggawa ng mga liquid makeup at lipstick

8. Nail cream o nail serum– maganda itong gamiting sangkap sa paggawa ng mga nail cream o serum para sa pagpapatibay ng kuko.

Paano gumawa ng Basic shampoo na may sangkap na D-panthenol

Mga sangkap sa paggawa ng basic shampoo na may d-panthenol

  1. Water- 36.55g
  2. Vegetable glycerin- 4g
  3. Guar gum- 0.2g
  4. SLSA- 5g
  5. D-panthenol-1g
  6. Fragrance oil o essential oil- 0.5g
  7. Preservative- 0.25g

Paraan ng paggawa ng basic shampoo na may d-panthenol

1.Paghaluin ang water, vegetable glycerin, guar gum at SLSA na surfactant.

Vegetable glycerin na gamit sa paggawa ng skin and hair care products at herbal extracts.

Guar gum na ginagamit sa paggawa ng lotion, shampoo at conditioner at iba oang skin and hair care.

2. Ipainit ito hanggang sa matunaw ang SLSA. Haluin.

3. Hanguin sa init.

4. Ilagay ang coco betaine. Isa ring uri ng surfactant.

Iba't ibang uri ng surfactants na gamit sa paggawa ng sabon sa bahay

5. Pag nasa 40 degrees centigrade na ang temperatura ng pinainit na sangkap, ilagay ang d-panthenol, fragrance oil o essential oil at ang preservative na gagamitin.

Mga preservatives sa paggawa ng diy cosmetics, hair care products at skin care products.

Ang ginamit kong fragrance oil ay ang violet fragrance oil

Ibat ibang uri ng Fragrance oil na ginagamit sa paggawa ng cosmetics o pabango

6. I-adjust ang potential of hydrogen o PH. Gumamit ng acidic na sangkap sa pag-adjust nito.

PH meter at strips na ginagamit sa pagkuha ng potential of hydrogen

7. Lagyan ng asin o salt brine para mapalapot ang produkto.

Kung hindi parin kayo kontento sa lapot, maaaring magdagdag ng emulsifying wax kagaya ng BTMS o stearic acid.

Ready na ang Shampoo 🙂

Basic shampoo na gawa sa bahay o DIY gamit ang surfactant, fragrance oil, at iba pang sangkap na ginagamit sa paggawa ng cosmetics.

Gabay sa paggamit ng D-panthenol

INCI– D-panthenol

Usage rate– depende sa manufacturer, 0.5-5%

Solubility– water

Color & Texture– colorless liquid

Ginagamit sa– hair and skin care products, makeup and lipstick

Benepisyo– anti-inflammatory, moisturizing, anti-aging.

Protective measures sa paggamit

Storage– iwasang mapasukan ng tubig o moisture

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *