April 22, 2024
Urea powder na ginagamit sa balat na maraming hatid na benepisyo.

Bakit Maganda ang UREA sa ating Balat o Kutis

Sharing is Caring

Maganda ang UREA sa balat. Ooopps, hindi yan yung urea na ginagamit bilang fertilizer ng halaman ang aking tinutukoy. Ang tinutukoy ko ay ang urea na isang cosmetic ingredient sa paggawa ng skin care products. At ito nga ay maganda sa balat o kutis, isang sangkap na kadalasang ginagamit sa inyong cream, moisturizer o lotion at iba pang produkto.

Ang urea ay natural na taglay ng ating balat. Kagaya ng sodium PCA, ang urea ay parte ng NMF o natural moisturizing factor ng ating kutis. Ang urea sa ating balat ay nababawasan tuwing nadadagdagan ang ating edad at polusyon.

Pero bago tayo mapunta sa mga dahilan bakit maganda ang urea sa kutis, tignan muna natin ang 3 uri ng urea na maaaring nabasa na ninyo sa list of ingredients na nakalista sa likod ng container ng inyong ginagamit na skin care product.

3 Uri ng UREA na ginagamit sa personal care products

  1. Hydroxyethyl urea
  2. Diazolidinyl urea
  3. Imidazolidinyl urea

Ang 3 uri ng urea na nabanggit ay ginagamit sa mga personal care products. Pero ang uri ng urea na safe sa ating kalusugan ay ang hydroxyethyl urea. Ang diazolidinyl at imidazolidinyl UREA ay napatunayan sa pagsusuri na ito ay formaldehyde releasing ingredients at iba pang hindi magandang epekto sa kalusugan. Sa kasamaang palad, kung titignan mo ang ibang mga personal care products, ginagamit parin ang dalawang uri ng urea sa kanilang produkto bilang preservative ( NCBI ).

Hindi ako gumagamit ng Diazolidinyl o Imidazolidinyl sa aking mga ginagawang produkto.

Kaya from here onwards, pag sinabi kong urea, ang tinutukoy ko sa blog na ito ay ang HYDROXYETHYL UREA.

OK?

Bakit maganda ang UREA sa Balat o Kutis?

1. Natural exfoliantРang urea ay natural na ine-exfoliate ang dead skin cells para lumabas ang panibagong kutis. Nagkakaroon ng tinatawag sa íngles na ¨cellular turnover¨ lalo na kung sasamahan ng lactic acid, isang uri ng AHA o salicylic acid na isang uri naman ng BHA.

2. Moisturizing & hydrating– ang urea ay moisturizing at hydrating sa balat. Sa paggamit ng produkto na may sangkap na urea, mapapanatili na hydrated at moisturized ang balat. Sa paraang yan, maiiwasan ang dryness o madehydrate ang balat na siyang dahilan ng fine lines at sa kalaunan ay magiging wrinkles.

3. Acne at tigyawat– ang urea ay may antimicrobial properties na pumipigil sa pagdami ng mga microbyo na sanhi ng acne o tigyawat.

Mga tigyawat o pimples sa mukha.

4. Penetration enhancing agent– ang urea ay ginagamit din bilang penetration enhancing agent ng mga active ingredients na ginagamit sa mga personal care products.

5. Keratolytic– ang urea ay may keratolytic effect din sa balat. Tinatanggal daw nito ang outer layer ng kutis at tumutulong na ma moisturize ito. Kaya ito ay kadalasang ginagamit ng mga brands kagaya ng Sebamed, Eurecin, CeraVe sa paggawa ng mga produkto sa balat para sa kondisyon na eczema, psoriasis, corns at kalyo.

Mga personal care products na may sangkap na UREA

  1. Shampoo
  2. Cream
  3. Lotion
  4. Moisturizer
  5. Serum
  6. Body wash
  7. Face wash

Ang kadalasan kong ginagawa na personal care product na may UREA ay ang Urea cream. Dalawang urea cream ang aking ginagawa. Ang urea body cream ay para sa aking asawa na prone sa rashes sa tag-lamig. At kung facial cream naman, para sa akin yan.

Paano gumawa ng UREA Body Cream

MGA SANGKAP

  1. Water- 45 grams + 15 grams
  2. Urea- 10 grams
  3. Shea butter- 10 grams
  4. Macadamia nut oil- 10 grams
  5. Cetearyl alcohol- 1 gram
  6. Glyceryl stearate citrate- 2 grams
  7. Glyceryl stearate S.E- 5 grams
  8. Vitamin e- 1 gram
  9. Preservative- 0.4 gram
  10. Chamomile essential oil- 0.6 gram

PARAAN NG PAGGAWA

1.Ipainit ang 45 grams ng tubig hanggang sa 75 deg celsius. Gumamit ng distilled o pinakuluang tubig. Itabi ang 15 grams na tubig.

2. Sa isang heat resistant na container, paghaluin ang macadamia nut oil, shea butter, cetearyl alcohol, glyceryl stearate s.e at glyceryl stearate citrate. Ipainit hanggang sa 75 deg celsius.

Iba't ibang uri ng emulsifying waxes na ginagamit sa paggawa ng hair and skin care products at makeup.

3. Pag naabot na ang temperatura at natunaw na ang mga waxes na ginamit, tanggalin sa init o apoy.

4. I-emulsify gamit ang immersion blender o stick blender.

Immersion blender gamit sa pag mix o paghalo ng mga DIY cosmetics.

5. Sa isang lalagyan, ihalo ang 10 grams ng urea sa 15 grams ng tubig. Ipainit ito. Huwag lalagpas ng 60 deg celsius. Tanggalin sa apoy. Ihalo ang natunaw na urea sa mga na emulsify na mga sangkap. Siguraduhin rin na nasa 60 deg celsius bago ihalo ang urea water.

Maaari ring ipainit muna ang tubig, tanggalin sa apoy at tsaka ihahalo ang urea.

6. Muling i blend.

7. Pag nasa 40 deg celsius na ang na blend na mga sangkap, ihalo ang antioxidant na vitamin e, preservative at chamomile essential oil. Muling i blend.

Mga preservatives sa paggawa ng diy cosmetics, hair care products at skin care products.
Gamit at benepisyo ng chamomile essential oil o manzanilla essential oil

8. Kunin at i-adjust ang PH between 5-6. Ang actual PH ng produkto ay nasa 9.2.

PH meter at strips na ginagamit sa pagkuha ng potential of hydrogen

9. Ilipat sa isang container ang urea cream na parang EURECIN.

Urea cream 10 percent na gawa sa bahay na maraming benepisyo sa balat ng may normal, dry, oily skin.
Panoorin ang VIDEO

Ang cream na may UREA ay hindi lang para sa may dry o flaky skin, magbebenepisyo rin ang balat ng may normal o oily skin.

Gabay sa paggamit ng UREA

INCI– hydroxyethyl urea, aka: carbamide

Usage rate– depende sa paggamit, 10 % to 40 %

Solubility– water soluble

Color and texture– powder o liquid, white

Ginagamit sa– skin ang hair care

Benepisyo– basahin sa taas

Protective measure sa paggamit– mask, iwasang masinghot ang pulbos.

Storage– tightly sealed container, iwasang mabasa o masinagan ng araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *