April 22, 2024
Iba't ibang uri ng emulsifying waxes na ginagamit sa paggawa ng hair and skin care products at makeup.

Ano ang emulsifying wax at paano gamitin ito

Sharing is Caring

Kung gusto mong paghaluin ang tubig at langis, kailangan mo ng emulsifying wax. Dahil kung wala ito, kahit anong halo pa ang gagawin mo sa tubig at langis, hinding hindi mo ito mapagsasama. Sa paggawa ng mga cream, lotion o moisturizer o makeup, importante ang emulsifying wax sa mga sangkap. Sa emulsifying wax din nakadepende ang texture ng produkto na gagawin mo. Kung sobra ang ginamit mong emulsifying wax, magiging matigas at hindi maganda ang texture ng produkto. Kung kulang naman, maghihiwalay ang tubig at langis.

Maraming uri ng emulsifying wax kang makikita na maaari mong mabili. Pero kailangan na alamin mo muna ito para hindi ka maconfuse sa mga waxes na makikita mo.

Iba’t ibang uri ng Emulsifying Wax

Maraming iba’t ibang uri ng emulsifying wax diyan. Kung baguhan ka, gusto mong gamitin yung emulsifying waxes na user friendly. Yung magagamit mo na agad at andun na yung percentage kung ilan ang gagamitin. Pero magsasawa ka rin diyan, dahil meron kang hahanapin na consistency, texture o characteristic ng isang produkto. O simpleng, kagaya ko- curious at gusto lang mag experiment.

Nung baguhan ako sa pag-eemulsify, gumamit ako ng iba’t ibang uri ng emulsifying wax.

Halimbawa

  1. BTMS
  2. Emulsifying wax- name talaga niya emulsifying wax
  3. Emulsifier gc
  4. Montanov 68 mb
  5. Polowax
  6. Protelan ens
  7. Olivem 1000

Yan ay mixture lamang ng mga waxes. Kagaya ng Olivem 1000, ito ay pinaghalo halong cetearyl olivate at sorbitan olivate.

Para maintindihan ang functions ng mga emulsifiers na maaaring ma encounter mo, tignan natin ang 2 uri ng emulsion

2 Uri ng Emulsion

  1. Oil in water– O/w ay isang uri ng emulsion na kung saan ay konti lamang ang langis na sangkap sa ginagawang produkto.
  2. Water in oil– w/o ay isang uri naman ng emulsion na kung saan ay konti lamang ang sangkap na tubig. Ang mga waxes na ito ay tinatawag ring stabilizer o thickener ng mga langis. Kung gagawa ng balm, ointment, sa water in oil emulsion, kasama rin dito ang mga waxes kagaya ng beeswax, candelilla wax, soy wax, carnauba wax, etc.

Easy na explanation, no?

Tignan naman natin ang mga halimbawa ng mga emulsifying wax sa 2 uri ng emulsion na nabanggit.

Halimbawa ng emulsifying wax ng O/w at W/o

Mga emulsifying wax ng Oil in water emulsion

  1. Ceteareth 20
  2. Ceteareth 25
  3. Cetearyl alcohol
  4. Cetearyl glucoside
  5. Glyceryl caprylate
  6. Glyceryl stearate citrate
  7. Myristyle myristate
  8. Palmitic acid
  9. PEG 7 glyceryl cocoate
  10. PEG 40 hydrogenated castor oil
  11. Polysorbate 20, 60, 80
  12. Stearic acid
  13. Stearyl alcohol
  14. Sucrose stearate
  15. Zinc stearate- also w/o

Mga emulsifying wax ng water in oil emulsion

  1. Behenyl alcohol
  2. Cetyl alcohol
  3. Cetyl palmitate
  4. Glyceryl oleate
  5. Glyceryl stearate se
  6. Lecithin
  7. Poly glyceryl oleate
  8. Shea butter glyceride
  9. Sorbitan stearate

Paano pumili ng emulsifying wax na gagamitin?

Sa pagpili ng emulsifying wax na gagamitin ay depende sa emulsion na gagawin mo.

Halimbawa

  1. Sa ginawa kong diaper rash cream ni baby, gumamit lang ako ng konting tubig dito. Ito ay ang emulsion na tinatawag na water in oil kaya gumamit lang ako ng W/O na emulsifier na cetyl alcohol.
  2. Kung gagawa naman ng emulsion na kung saan ay maraming tubig kagaya ng cream, lotion, moisturizer, shampoo, conditioner, gagamit ka ng O/W na emulsifier.

Ano ang HLB ng Emulsifying wax

Ang HLB ng emulsifying wax ay importante rin sa pagpili ng emulsifier na gagamitin sa produktong gagawin. Para sa pinasimpleng explanation ng HLB o hydrophilic-lipophilic balance, ito ay isang paraan lamang ng pagsukat ng solubility ng langis at tubig. Kung ia-apply mo ito sa paggawa ng emulsion, maaaring mangangailangan ka ng emulsifying wax na mataas ang HLB.

Ang HLB ay may scale from 0-20.

HLB 3-8- W/O

HLB 9 & above- O/W

Advantage na alam mo ang mga emulsifying wax dahil makakagawa ng combination na magagamit mo. Isa pa, ito ay mas tipid sa bulsa. Pero kailangan mong mag formulate para makita ang concistency nito. Kaya mag practice.

Ang ginagawa ko sa mga bagong emulsifying wax, magpra practice ako gamit ang tubig at langis na gamit sa pangluto. Isusulat ko ang formula at iba’t ibang sukat ng combination ng emulsifying wax. Gagawa ako ng 3 klase.

Mabibigyan ka na ng idea kung gaano karami ang gagamitin. 😉

Ang isang trick minsan ay huwag mo munang lagyan ng preservative at iba pang heat sensitive na sangkap ang ginagawang produkto. I blend mo lang muna ang water sa oil & wax ingredients. Pag nagkulang o hindi ka kontento sa consistency, i-remelt mo ulit tapos dagdagan ng emulsifying wax o kung ano man ang gusto mong idagdag. Huwag kalimutang isulat ang mga dinagdag na sangkap.

Ang emulsifying wax ay maaari mo ring I-DIY o gawin sa bahay kung accessible ang mga ingredients nito.

Paano gumawa Emulsifying WAX sa bahay

Mga sangkap at paraan ng Paggawa ng EMULSIFYING WAX

1. MONTANOV 68 MB

Paghaluin ang 23.1 grams ng cetearyl alcohol at 6.9 grams cetearyl glucoside sa heat resistant na container. Ipainit ito sa hot water bath o direct heat. Haluin. Tanggalin sa init o apoy pag lahat ng sangkap ay tunaw na. Ibuhos sa wax paper.

Pag ito ay tuyo na, lukumusin.

Meron ka ng Montanov 68 MB 😉

2. Combimuls GC / Emulsifier GC

Paghaluin ang 19.65 grams ng glyceryl stearate citrate, 8.85 grams ng cetearyl alcohol at 1.5 gram ng glyceryl caprylate sa isang heat resistant container at ipainit ito hanggang matunaw ang lahat ng sangkap. Haluin. Tanggalin sa apoy at ibuhos ang tinunaw na mga waxes sa wax paper. Pag tuyo o matigas na, lukumusin ito.

Pwede na gamitin ang Combimuls GC 😉

Dalawang uri ng emulsifying waxes, montanov 68 mb at combimuls GC na gawa sa bahay o DIY.
Panoorin ang YOUTUBE Video

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *