April 22, 2024
Propylene glycol na cosmetic grade na ginagamit sa paggawa ng skin ang hair care products na maaaring gawin sa bahay

Ano ang Propylene Glycol at Paano ang Paggamit dito

Sharing is Caring

Ang propylene glycol o kilala rin sa tawag na 1,2-propanediol ay isang petroleum-based na produkto. Ito ay isang synthetic na produkto na mula sa hydration ng propylene oxide. Ginagamit ito sa pagkain, iba’t ibang uri ng sabon, pabango, electronic cigarette, cosmetic products at iba’t ibang uri ng skin care products.

Bakit ginagamit ang propylene glycol

1.Pagkain– ayon sa wedmd, and propylene glycol ay ginagamit sa pagkain bilang preservative, flavor enhancer, emulsifier, texturizer at nagpapaganda ng anyo ng isang pagkain.

2. Electronic cigarette– kung makikita mo naman ito sa electronic cigarette, ang propylene glycol ay kasama sa sangkap para maging carrier ng nicotine at mga ginamit na flavorings sa e-cigarette.

3.Solvent– kung nakita mo naman na ito ay nasa listahan ng sangkap ng iyong sabon, ito ay dahil sa ginamit itong solvent ng mga ginamit na pangkulay sa produkto.

Solvent din ito ng iba pang sangkap sa cosmetic na hindi natutunaw ng tubig kagaya ng salicylic acid powder.

4.Anti-freeze– ginagamit ko ang propylene glycol sa paggawa ng extract. Sa iba, ginagamit itong alternatibo ng alcohol o glycerin. Sa akin, nilalagyan ko lang ng ilang porsyentong propylene glycol ang nagawa kong extract para maiwasan ang pagbuo buo. Ito ay maaari ring preservative, nakakatulong narin itong ipreserve ang extract ng mga spices & herbs.

5.Moisturizer– tumutulong itong i-moisturize ang balat para maiwasan ang pagkakaroon ng dry skin at magmukha fresh with dewy appearance ang balat.

6.Skin penetration enhancer– ginagamit din itong skin penetration enhancer ng mga active ingredients na ginamit sa iyong hair o skin care products para lalong maging epektibo ito.

Gabay sa paggamit ng Propylene Glycol

INCI– Propylene glycol

Usage rate– less than 10%. Basahin ang recommended usage rate ng manufacturer

Solubility– water

Color & texture– colorless at may konting lapot

Ginagamit sa– extract, skin and hair care products

Benepisyo– moisturizer

Protective measures sa paggamit– magsagawa ng patch test para malaman kung may allergy kayo sa paggamit ng propylene glycol.

Storage– airtight container, ilayo sa sinag ng araw at ilaw.

Iba’t ibang cosmetic products na maaaring gawin gamit ang propylene glycol

  1. Cream, lotion, moisturizer
  2. Serum
  3. Sheet mask essence
  4. Toner
  5. Sabon
  6. Face o body wash
  7. Shampoo

Paano gamitin ang Propylene Glycol bilang Solvent

Bilang solvent, ang propylene glycol ay ginagamit ko sa pagtunaw ng salicylic acid. Ang salicylic acid ay hindi natutunaw sa tubig kahit anong gawin mo dito. Sa paghahalo ng propylene glycol bilang solvent sa salicylic acid, matutunaw mo ang salicylic acid.

Siguraduhin lamang na hindi kayo lumalagpas sa suggested usage rate.

Halimbawa

Kung ginagamit ko ito bilang solvent ng salicylic acid, + 1 % sa percentage ng gagamitin kong salycilic acid ang propylene glycol ang gagamitin ko. Halimbawa, kung gagamit ako ng 2% na salicylic acid, 3% ng propylene glycol naman ang gagamitin kong pangtunaw sa pulbos.

Paano gamitin ang Propylene glycol bilang anti-freeze

Kagaya ng nabanggit ko sa taas, ang propylene glycol ay ginagamit bilang antifreeze. Noong umpisa, walang ako idea kung paano ko ito magagamit bilang anti freeze sa aking mga homemade products. Nagkataon na sa pagbabasa ko ng libro tungkol sa paggawa ng extracts ng halamang gamot, nabanggit doon na ito ay maaaring gamiting alternatibo sa honey, vegetable glycerin at alcohol. At nabanggit din doon na isa sa benepisyo ng sangkap na ito ay maiiwasan ang pagbubuo buo ng nagawang extract.

Extracts and tinctures ng spices and herbs.

Hindi ko ito ginagamit sa pag extract ng mga spices & herbs. Ang paggamit ko dito ay, nilalagyan ko ng 2%-3% ang nakuha kong extract ng halaman.

Halimbawa

Kung 20g ang nakuha mong extract ng halamang o herbal na rosemary, lalagyan mo ng 0.4 grams kung 2%.

Mag eksperimento, kung ilang percentage ang magandang gamitin.

Paano gamitin ang Propylene glycol bilang skin penetration enhancer

Ginagamit ang propylene glycol bilang skin penetration enhancer ng mga active ingredients na ginagamit sa balat o buhok. Ang mga active ingredients ay mas magiging epektibo, mas mape-penetrate ang balat kung may skin penetration enhancer.

Ihahalo mo lang ito sa mga sangkap na gagamitin sa paggawa ng mga skin o hair care products.

Paano gamitin ang propylene glycol bilang moisturizer

Nakakatulong ito para i-moisturize ang iyong balat. Ihalo mo ito sa sangkap ng gagawing produkto. Ang unang gamit ko sa propylene glycol ay sa paggawa ng basic kojic acid toner.

Gawa sa bahay na toner na may kojic acid powder

Tandaan lamang na kung bibili ng propylene glycol o 1,2-propanediol, merong ginagamit sa mga sasakyan o industrial quality. Bumili lang ng cosmetic quality o yung tinatawag na USP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *