April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng Rosemary

Gamit at Benepisyo ng Rosemary Herb

Sharing is Caring

Ang rosemary herb ay native sa southern europe. Ginagamit ito bilang medisina dahil sa mga taglay nitong benepisyo. Ang sinasabing traditional na gamit ay ang pagpapatibay ng memorya ng isang tao. Noong unang panahon daw sa Greece, ang mga estudyante ay magsusunog ng tuyong dahon ng rosemary o langis bago mag exam. Dahil makakatulong daw ang amoy nito na i-improve ang memorya at matanggal ang stress sa katawan at isipan ng tao.

paraan ng pagdiffuse ng essential oil gamit ang burner o tea light

Rosemary Herb

Ang herbal na rosemary ay maraming mga properties na magbebenepisyo ang kalusagan. Ito ay astringent, antimicrobial, antioxidant, stimulant, anti inflammatory at antibacterial.

Gamit at Benepisyo ng Rosemary Herb

Ang herb na rosemary ay ginagamit sa iba’t ibang paraan dahil sa benepisyo nito sa kalusugang panlabas o panloob. Ginagamit itong pampalasa o spice sa pagluluto, ginagamit bilang natural na lunas, ginagamit sa balat at sa buhok.

1.Pagluluto– ang rosemary ay ginagamit na pampalasa sa mga pagkain at pampabango. Sabi rin na maganda itong pang marinade ng mga karne. Dahil sa mga antioxidant properties nito, napipigilan ang produksyon ng heterocyclic amines. Ito rin ay ginagamit na natural na preservatives sa pagkain.

2. Natural na lunas– pagdating sa mga sakit, ang rosemary ay maaaring gamitin sa sakit ng katawan, sakit sa ulo, stress, inflammation.

3. Immunity & Brain function– dahil sa antioxidants at anti inflammatory na benepisyo ng rosemary, makakatulong ito na palakasin ang immunity. At sa mga sinagawang pag-aaral at experiment, napag alaman na nakatulong o naimprove ang cognitive skills ng mga sumailalim sa experiment. Sa mga four thieves vinegar, isa sa mga sangkap ang rosemary.

4. Laban sa iba’t ibang uri ng kanser– ang rosemary na herbal o halaman ay isa sa mga herbal kasama na ang ibang spices ang pinagaaralan dahil sa potensyal nito na labanan o i- prevent ang sakit na kanser. Maraming iba’t ibang uri ng kanser ang binanggit sa isang artikulo na maaaring labanan ng rosemary herbs dahil sa anti cancer activities nito.

HALIMBAWA;

a. Kanser sa colon

b. Kanser sa tiyan

c. Kanser sa esophagus

d. Kanser sa lapay ( pancreas )

e. Kanser sa atay

f. Kanser sa utak

g. Kanser sa obaryo ( ovary )

h. Cervical cancer

i. Kanser sa balat

j. Kanser sa bibig

k. Kanser sa bato

l. Prostate cancer

m. Kanser sa suso

5.Skin care– sa skin care, makakatulong ito sa regeneration at rejuvenation ng balat. Dahil sa anti bacterial properties nito, makakatulong ito sa problema sa tigyawat, pores. Ang anti fungal properties nito ay makakatulong na natural na lunasan ang fungal infection ng balat.

6. Hair care– ang rosemary herb ay stimulating at ito ay makakatulong sa problema sa paglalagas ng buhok. Kung problema naman sa pangangati at balakubak, ito ay effective ding gamiting lunas.

Paano gamitin ang Rosemary Herb

Sa tradisyon natin sa pagluluto, ang rosemary herb ay wala ata sa mga sangkap ng niluluto nating ulam. Ako ay nagmula at lumaki sa northern part ng Pilipinas at sa gitnang Luzon, pero sa mga putahe namin, walang rosemary. Pero mula noong kinilala ko ang mga benepisyo ng mga spices & herbs, nagumpisa na akong maglagay ng mga spices na maraming benepisyo.

Sa pagmamarinade ko madalas ginagamit ang herb na rosemary at sa mga ulam na may sauce. Hindi na ako masyadong sumusunod sa mga recipe na kinalakihan ko. Ang importante sa akin ngayon ay kung paano ko maihalo ito sa aking mga lutuin.

Pero kung ayaw niyong sirain ang tradisyunal na recipe na meron kayo, maaaring gawin itong tea. Sa paraang ito, makukuha nyo ang benepisyo nito. Maaari rin na gumawa ng extract o infused oil ng rosemary.

Paano gumawa ng Rosemary tea

Ang paggawa ng tsaa ng herbal ang pinaka madaling paraan para maincorporate ang spices & herbs sa ating diet. Sa paggawa ng rosemary tea, maaaring gumamit ng fresh o dried herbs. Sa 1 1/2 cup ng tubig lagyan ng 1 kutsaritang tuyong rosemary o 3 kutsaritang fresh herb. Pakuluan ito ng 5-10 minutes sa medium heat. Salain at inumin.

Ano ang gamit ng Rosemary Extract

Ang paggawa ng extract ay maganda ring gawin sa rosemary. Magagamit mo ang extract sa pagkain, balat, buhok, maaaring gawing sangkap sa formulation ng DIY cosmetics.

Paano gamitin ang Rosemary sa Balat

Steam– gumawa ng rosemary tea at ito ang gamiting pang steam ng mukha.

Toner– gamit ang tea ng rosemary, magagamit mo ito bilang toner. Kung problema sa pangangati ng balat, namumula, o inflammed, ilagay ang rosemary tea sa spray bottle. Ito ang i-spray sa balat.

Paano gamitin ang Rosemary sa Buhok

Para sa naglalagas ng buhok, dandruff, pangangati o inflammed, gumamit ng rosemary tea at gawin itong hair rinse. Pwede rin itong gamitin bago paliguan ang buhok.

Maaari ring gamitin ang extract nito, ihalo sa carrier oil na mgandang gamitin sa buhok kagaya ng, castor oil o argan oil at i-apply sa buhok. Maaaring ibabad overnight o paliguan after an hour.

Maaari ring gumawa ng shampoo gamit ang castile soap, sodium chloride, potassium chloride o surfactant. Gamitin ang rosemary extract, rosemary essential oil at iba pang mga sangkap sa paggawa ng shampoo.

Gamit at benepisyo ng rosemary essential oil

Kung may rosemary essential oil, maaari rin itong gamitin sa mga nabanggit na DIY. Kinakailangan lang na bumili ng legit na essential oil at hindi ang mga peke.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *