April 22, 2024
Mga gamit at benepisyo ng bawang.

Benepisyo at Gamit ng Bawang

Sharing is Caring

Bawang

Ang bawang ay isa sa mga bilin ng doktor sa lola ko na huwag kakaligtaang kainin araw araw dahil sa mga benepisyo nito. Ang lola ko ay na diagnosed ng high blood pressure nung siya ay early 40s. Few years after, nagkaroon naman ng sakit sa puso at diabetes. Wala pa siyang singkwenta anyos noon. Maraming taon itong naging dependent sa conventional drugs. Pumanaw sya sa edad na 94. Faithful sya sa resetang gamot at regular din itong kumakain ng bawang.

Ang paraan ng paggamit nya ng bawang ay isasangag muna ito sa palayok. Gagawin nitong medyo brown. Ang mga bawang na kanyang sinangag ay kinakain nya, dahan dahang nginunuya ito, parang ginagawa nyang kendi ๐Ÿ˜€ .Siguro dahil sa matagal na nya itong ginagawa, di mo makikita ang mukha na nangiwi sa anghang na dulot ng bawang.

Kung titignan mo ang life expectancy ng isang taong may sakit na high blood, sakit sa puso at diabetes, na kung saan ang 3 sakit na yan ay nasa top 10 ng dahilan ng mortality ng Pilipinas, nalagpasan ng lola ko yan. Maaaring hindi man tanggapin ng science ang lahat ng health benefits ng bawang, naniniwala ako pati narin ang pamilya ko na, isa ang bawang ang nagbigay sa kanya ng mahabang buhay.

Ang bawang ay isa sa spices & herbs na tanggap ng Department of Health bilang halamang gamot. Approved itong gamitin para sa pagpapababa ng cholesterol level at blood pressure. Any other claims na health benefits ng bawang ay waley ๐Ÿ˜€

Mga gamit at benepisyo ng bawang.

Paano ginagamit ang bawang noong unang panahon

Ang bawang ay isa sa mga sinaunang spices na hindi lang ginamit sa pagkain kundi ginamit ding bilang medisina. Ang ancient Egypt, ancient China, ancient India ay ang mga bansang gumamit nito. Sinabi rin na ang mga gumawa ng mga pyramid ng Egypt ay pinakain ng mga bawang para mapalakas ang kanilang katawan. Dahil naniniwala sila na ang spice na ito ay may benepisyong palakasin ang mga katawan.

Ancient egypt pyramid sa sinaunang panahon ng ehipto

Sa folk medicine, maraming sinasabing gamit at benepisyo ang bawang. At karamihan ng mga benepisyo nito ay validated ng siyensa.

Ano ang dalang Benepisyo ng Bawang

1.Vitamins & Minerals– ang ilan sa mga bitamina at mineral na meron sa bawang ay vitamins B2, 3, 5, 6, & 9 at meron din itong vitamin c at vitamin e. Ang mga mineral naman na meron sa bawang ay, iron, potassium, magnesium, manganese, sulfur, zinc, at selenium

2. Laban sa kanser– ang bawang ay ang isang spice na mataas sa allicรญn na isang organosulfur compound.

At ayon sa sciencedaily , ang allicin ay isang antioxidant. Ito yung compound na napro-produce pagkatapos mong durugin o tadtarin ang bawang. Ito rin ang nagbibigay ng amoy sa bawang.

Ang allicin ay may kakayahan daw na pigilan o lunasan ang mga sumusunod na karamdaman;

  1. Cancer
  2. Atherosclerosis
  3. Diabetes
  4. High blood pressure
  5. High cholesterol
  6. Heart diseases

3. Antimicrobial– meron itong antifungal, antibacterial at antifungal properties. Magagamit ang bawang na lunasan ang mga sakit na sanhi ng mga mikrobyo.

4. Weight loss– ito raw ay nakakatulong na magpababa ng timbang. Pinipigilan nitong ma convert sa fat ang kinakaing carbohydrates.

Mga kanser na maaaring maiwasan at gamutin ng bawang

Maraming mga iba’t ibang uri ng kanser na kung saan ginagamit ang bawang bilang natural na medisina dahil sa potensyal nito. May potensyal daw ang bawang sa prevention and cure.

Maraming iba’t ibang uri ng kanser ang nabanggit ng sciencedirect.

Halimbawa;

  1. Fibrosarcoma
  2. Kanser sa atay
  3. Kanser sa baga
  4. Kanser sa balat
  5. Kanser sa colon
  6. Kanser sa dibdib
  7. kanser sa dugo- leukemia
  8. Kanser sa thyroid

Ang tamang paggamit sa bawang para mapakinabangan ang benepisyo

Ang bawang ay paborito nating mga Filipino. Halos lahat ng ulam ay may sangkap na bawang. Sa style natin sa pagluluto, kailangan na fully infused ang bawang sa langis kung tayo ay mag-gigisa, kailangang brown ang bawang. Napaka importante ng sangkap na ito sa ulam, at kung wala o kulang, matamlay ang ulam.

Ang allicin na isang antioxidant sa bawang ay ang importanteng compound na mas active kung ito ay kainin na fresh. Sabi rin nila, para lalo mapadami ang allicin ng bawang, dapat ito ay pitpitin at tadtarin, pagkatapos ay itabi ng mga 10 minuto para lalong ma form ang allicin nito. Sa paraang yan, utilized mo ang benepisyong hatid nito.

Ang karaniwang sinasabi na dami ng kakaining bawang ay 4-5 grams, depende sa laki, ito ay nasa 2-3 fresh cloves ng bawang.

Para sa mga taong hirap sa pagkain ng fresh na bawang, ang isang paraan para mas mapadali at maincorporate ang bawang sa diet araw araw ay, gumawa ng infusion gamit ang honey. Ang honey ay marami ring benepisyo at ginagamit ito sa paggawa ng extracts ng mga halamang gamot.

Maaaring gumawa ng garlic infused honey. Ito ay maaari mong i take ng solo o gamiting spread ng tinapay ๐Ÿ˜€

Tinapay na may garlic infused honey na palaman.

Paano gumawa ng Garlic Infused Honey

Tadtarin o i-grate ang bawang. Ilagay ito sa isang malinis na garapon. Lagyan ng honey at takpan. Maaari na itong gamitin. Pwede ring pabayaan ng 3 araw bago gamitin para lalong mainfuse ang bawang sa garlic.

Paggawa ng infusion o extraction ng herbal gamit ang honey.

Gusto panoorin ang video?

Paano gamitin ang Bawang sa Balakubak at paglalagas ng BUHOK

Ang bawang ay magandang gamiting lunas sa balakubak at paglalagas ng buhok. Ang kailangan mo dito ay ang katas ng bawang. I-grate ang bawang para makuha ang juice. Mas advisable kung haluan ang juice ng tubig o langis kagaya ng castor oil dahil ang bawang ay medyo matapang sa balat.

Sa bawat kutsarating katas ng bawang, haluan ng 1 kutsarang langis o tubig. Ito ang ipapahid sa anit. Ibabad ng mga 30 minutos o 1 oras pagkatapos ay paliguan. Kung sa tingin mo ay matapang parin, dagdagan lang ng langis o tubig.

Paano gamitin ang Bawang sa Alipunga

Ang bawang ay isa sa oldest remedy na ginagamit bilang natural na lunas sa alipunga. Katas ulit ang kailangan mo dito. I-dilute ang katas ng bawang sa langis. Magandang gamitin ang coconut oil dahil ito rin ay may anti microbial properties.

Alipunga sa paa

Ibabad ang paa sa maligamgam na tubig. Maaaring haluan ang tubig ng baking soda and or epsom salt. Pagkatapos magbabad dito ng hindi bababa ng 20 minutes. Patuyin ang paa at ipahid ang juice ng bawang. Antaying matuyo bago lagyan ng medyas. Pabayaan magdamag.

Palanggana o basin na may maligamgam na tubig para sa foot soak.

Maaari ring maglagay ng essential oils na may antifungal properties kagaya ng tea tree essential oil.

Ang natural na lunas na ito ay gawin 3-4 beses sa isang linggo.

Paano gamitin ang bawang sa Warts at An-an

AN-AN– kung gagamitin ang bawang bilang lunas sa an-an, mag apply lang ng juice sa bagong hugas na parte ng balat. Kung mahapdi ay i-dilute lang ito sa langis o tubig. Pabayaan ng limang minuto. Maaaring magre-apply. Hugasan. Maaaring haluan ng tea tree essential oil o mag apply ng diluted na tea tree essential oil pagkatapos.

An-an sa balat na sanhi ng infection ng mikrobyo.

WARTS– kung sa warts naman, ibabad ang bulak sa katas ng bawang. Gumamit ng bulak na sakto lang ang laki sa tatapalang warts.

Itapal ito sa parte ng balat na may warts. Lagyan ng tape at pabayaan overnight. Tanggalin at banlawan kinabukasan. Ang isa pang maaaring alternatibo bilang natural na lunas sa warts ay ang paggamit ng apple cider vinegar.

Warts na sanhi ng viral infection sa balat.

Ang mga nabanggit ay ilan lang sa mga maaaring gamit sa bawang bilang natural na lunas. Ang importanteng gawin ay ugaliin na isama ang bawang sa araw araw na diet. Mas maganda kung ito ay kainin ng fresh.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *