April 22, 2024
Iba't ibang uri ng mga tuyong spices o pampalasa at halamang gamot o herbs.

Benepisyo ng pagpapatuyo ng Halamang gamot

Sharing is Caring

Ang pagpapatuyo ng spices & herbs ay isang praktikal na paraan para ma-preserve ang mga halamang gamot. Lalong lalo na kung wala kang mga sariling tanim nito. Sa mga halamang gamot na in season, kung saan ito ay mura, maaari kang bumili ng maramihan para patuyuin, ilagay sa malinis na garapon at itabi sa malilim na lugar. Kung kailangan mo ito, merong ka magagamit.

Kung ang concern nyo naman ay ang nutritional value nito, na ang fresh ay mas maganda sa tuyo, hindi actually totoo yan. Dahil ang tuyo ay sing epektibo parin ng fresh herbs. At siempre depende parin sa klase ng halaman. Halimbawa, mas makukuha mo ang benepisyo ng bawang kung ito ay fresh.

Benepisyo ng pagpapatuyo ng herbal

1. Praktikal– praktikal na gawain ang pagpapatuyo ng mga halamang spices & herbs. Sa panahon na in season ang isang halaman, ibig sabihin ito ay mura. Bumili ng marami, ipatuyo at ilagay sa malinis na garapon. Magagamit mo ito ng hanggang isang taon. Kung ang mga halamang gamot ay seasonal, sa pagpapatuyo ng halaman meron ka paring magagamit kung kailangan mo.

2. Natural na Lunas– magagamit mo ang mga tuyong spices & herbs kung may karamdaman o gamitin itong supplement. Hindi ko naman minumungkahi na dumepende sa halamang gamot, important parin na magpatingin sa doktor.

3. Antioxidants– marami sa tuyong spices & herbs ay sinasabing mas mataas ang antioxidant properties kung ikukumpara sa fresh. Mas mataas daw ang level of anti oxidant activity ng ibang spices and herbs kung ito ay tuyo ayon sa ginawang pagaaral na ginamitan ng method na ORAC (Oxygen Radical Obserbance Capacity). Ito ay ang paraan ng pagkuha ng sukat ng abilidad ng antioxidant ng isang bagay. Ang pagpapatuyo daw ay napapa bagal sa pagkasira ng mga anti oxidants lalo na ang polyphenols at flavonoids.

Halimbawa, ang clove, cinnamon, cumin, parsley, turmeric at atbp.

Benepisyo ng antioxidants sa ating kalusugan

Paraan ng pagpapatayo ng Herbal

Maraming paraan ng pagpapatuyo ng mga herbal o spices & herbs na maaaring gawin. Ang pagpapatuyo sa araw ang ay pinaka common at pinakamatanda na paraan. Pero ang sun drying ng pagpapatuyo ng herbal ay dapat INDIRECT SUN, huwag diretsong natatamaan ng araw. Maaari ring gumamit ng oven, microwave pero sa mababang init lamang. Meron narin ngayong dehydrator machine para sa pagpapatuyo ng ano mang pagkain.

Ang importanteng gawin dito ay gumamit ng tamang init. Hindi masyadong malakas na init na mabibigla ang pagtuyot ng halaman. Dahil kung malakas ang init, maaaring tuyo ang labas per sa loob ay mas tubig pa. Magkakaroon ng posibilidad na dahil may tubig pa ito, ito ang maging rason para mamuo ang mold. Hindi rin dapat mahina ang init o mabagal ang drying process. Gumamit ng katamtamang init lamang.

Storage ng Halamang Herbal

Gumamit ng malinis na garapon sa packaging ng mga tuyong herbal. Ilagay ito sa isang kabinet na hindi nasisinagan ng araw o ilaw. Gumamit ng tuyong kutsara sa pagkuha para hindi mapasukan ng moisture. Lagyan din ng label ang garapon. Ilagay ang pangalan ng halaman at petsa kung kelan ito inimbak.

Iba’t ibang gamit sa mga pinatuyong halamang gamot

Sa mga pinatuyong halamang gamot o mga spices, maraming paraan kung papaano mo ito magagamit.

1.Pagkain– haluan ang mga nilulutong ulam ng mga pinatuyong halaman. Isa itong paraan para ma-incorporate ang mga halamang gamot sa ating katawan para makuha ang mga benepisyo nito.

Spices & herbs pampalasa ng pagkain

2. Tsa-a o Tea– ang paggawa ng tsa-a o tea ay ang karaniwang paraan ng paggamit ng mga herbal medicine. Subukang uminom ng tsaa ng iba’t ibang uri ng spices & herbs araw araw para mapakinabangan ang mga benepisyo nito.

Licorice root na ginawang tsaa.

3. DIY Cosmetics– maaari mong gamitin ito sa iyong skin care at hair care. Maaaring gumawa ng oil infusion o herbal extracts ng mga pinatuyong mga halamang gamot at pampalasa.

Ang mga infused oils at extract ng mga halaman ay hindi mo lang magagamit sa pagkain. Ito ay magagamit mo sa iba’t ibang paraan sa pag-aalaga ng iyong balat at buhok.

Paggawa ng toner gamit ang bulaklak ng gumamela
Benepisyo ng Gumamela

Natural na pamahid sa sakit sa katawan o kasukasuan
Panoorin ang Video

Rose clay facial mask na gawa sa kaolin clay at rose petal powder
Panoorin ang Video

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *