April 22, 2024
Paggawa ng spices & herbs oil infusion

Paano gumawa ng Oil Infusion ng mga halamang gamot

Sharing is Caring

Ang mga halamang gamot ay maaaring i-infuse gamit ang iba’t ibang uri ng langis. Merong mabilisang proseso na tinatawag na hot process. At meron namang dahan dahang proseso na tinatawag na cold process. Maaaring gumamit ng iba’t ibang uri ng spices & herbs para sa infusion ng langis. Magagamit mo ito sa pagluluto, baking, o gamiting sangkap sa paggawa ng hair & skin care products.

Ang isang halimbawa ng pagi-infuse ng langis gamit ang spices & herbs ay ang atchuete (annatto). Sa pagluluto ng kare-kare, isa sa mga procedure ay ang pagpapainit ng mantika sa palayok. Dito mo ipriprito ang buto ng atchuete para ang kulay nito ay mainfuse sa ginamit na langis. Ang atchuete infused oil ngayon ang gagamitin para mabigyan ng matingkad na kulay ang ulam na kare-kare. Pero hindi lang ang kulay ang benepisyong hatid ng atchuete, ito rin ay mayaman sa antioxidants.

Ano ang Oil Infusion

Ang oil infusion ay isa sa marami pang paraan sa paggawa ng herbal extracts na ginamitan ng iba’t ibang uri ng solvent. Ang mga solvent na ito ay maaaring honey, glycerin, alak, tubig o suka. Obviously, langis ang gamit sa oil infusion. Ito ang gagamiting solvent para ma-extract ang medicinal properties ng mga halamang gamot.

Ang infused oils ay tinatawag ding macerated oils. Ang pag infuse ng langis ay isang praktikal na paraan kung hindi makabili o makahanap ng mga essential oils o carrier oils na kailangan. Makakagawa ka nito basta meron kang halaman. Hindi man kapantay ng quality o potency ng essential oil o carrier oil ang homemade infused oil, marami ka paring makukuhang mga benepisyo dito.

Mga langis na gamit sa pag-infuse ng mga halamang gamot

Maaaring gumamit ng mga iba’t ibang uri ng langis o carrier oils. Kung ang infused oil ay gagamitin sa pagkain, gumamit ng carrier oil na edible kagaya ng olive oil, almond oil, camelina oil, palm oil at iba pa. Kung sa cosmetics naman, maaaring gumamit ng langis na nais gamitin sa formulation mo ng produkto.

Ibat ibang uri ng carrier oils at benepisyo at gamit nito.

2 Uri ng Oil Infusion

Merong dalawang uri ng oil infusion, hot process oil infusion at cold process oil infusion.

1.Hot process oil infusionРang prosesong ito ay ang pinakamadaling paraan ng infusion, dahil ilang oras lang meron ka ng langis. Pero siempre may disadvantages din dahil gagamit ng ¨init¨. Maraming mga heat sensitive compounds ang maaaring masira sa prosesong ito.

Ang prosesong ito ay maaaring tumagal ng ilang oras, depende sa gusto mo. Maaari mong gawin ang direct heat o indirect heat.

2. Cold process oil infusion– ang cold process oil infusion naman ay mangangailangan ng 2 weeks or more para sa proseso ng infusion.

Paano gumawa ng Hot Process Oil Infusion

DIRECT HEAT– ilagay ang spices o herb sa isang kaldero, lagyan ng langis at isalang ito sa apoy na hindi malakas. Iwasang kumulo ang langis kaya gumamit lamang ng low heat. Pabayaan ito ng at least isang oras. Hanguin sa apoy, palamigin at i-filter.

INDIRECT HEAT– sa indirect heat naman ay pareho lang sa direct heat ang proseso. Ang kaibahan lang ay ang paggamit ng double boiler.

Dami ng langis

Ang dami ng langis na gagamitin ay tama lang na macover ang solidong sangkap.

Gawin nating example ang nagawa kong coffee infused oil na ginamitan ko ng hot process pero indirect heat.

Paano gumawa ng Coffee Infused Oil gamit ang HOT PROCESS

Gawin nating halimbawa ang pag-infuse ng coffee grounds.

  1. Lagyan ng kape ang kaldero o heat resistant na bowl.
Proseso ng paggawa ng oil infusion gamit ang kape o coffee grounds.

2. Isunod ang napiling carrier oil o langis. Ang dami ng langis ay yung tama lamang na ma-cover ang solidong sangkap.

Paglalagay ng langis o carrier oil sa paggawa ng oil infusion.

3. Painitin sa mahinang apoy. Gumamit ng indirect heat o direct heat.

Hot water bath na gamit sa pagpapainit o pagtunaw sa paggawa ng DIY cosmetics.

4. Hanguin sa init, palamigin at salain.

Pagsala ng spice o herb infused oil gamit ang cheesecloth.

5. Ilagay sa garapon o bote.

Nagawang coffee infused oil gamit ang hot process at indirect heat.

Kung ang cold process naman ang gagamiting proseso sa infusion ng halamang gamot, ilang linggo ang kakailanganin sa paggawa ng infused oil. Pero ito ang mas gusto ko dahil mas tumatagal ang shelf life. siguro dahil sa hot process, nagkakaroon ng kontaminasyon ng tubig lalo na kung indirect heat ang gagamitin. Pero kung lycopene ang habol mo, ang hot process ay ang magandang method ng infusion.

Paano gumawa ng Cold Process Oil Infusion

Sa cold process oil infusion, gagamitin nating halimbawa ang paggamit ng oatmeal sa paggawa ng infusion.

1.Pulbusin ang oatmeal, maganda kung gumamit ng rolled oats.

Pinulbos na oatmeal para gamiting sa oil infusion.

2. Ilagay sa garapon at lagyan ng napiling langis.

Paglagay ng ii-infuse na spice o herb sa garapon.

3. Since powder ang ginamit, haluin itong mabuti para siguradong babad ang powder. Lagyan ng langis na tama lang na mababad ang oatmeal. Takpan, ilagay sa malilim na lugar. I-shake everyday for the first week, tapos sa susunod naman na mga linggo at least 3-4 times a week. Kadalasan, kung ang ginamit ay powder, kakailanganin mong haluin ito at hindi lang alog.

4. Pagkaraan ng infusion process, i-filter ito gamit ang cheesecloth. Lagyan ng label at ilagay sa lugar na hindi nasisinagan ng araw o ilaw.

Pag filter ng na infuse na oatmeal sa olive oil.

Ang oatmeal infused oil ay maaaring gamiting sangkap sa mga DIY cosmetics, paggawa ng mga cream, lotion. Maganda itong gamiting sangkap sa paggawa ng oatmeal lotion.

Paggawa ng oatmeal lotion

Fresh o dry herbs?

Maaaring gumamit ng fresh o dry herbs. Pero kung ang shelf life ang pag-uusapan, mas recommended ang paggamit ng dry herbs. Mas matagal ang shelf life ng produktong gagawin dahil wala ng water content ang ginamit na halamang gamot.

Mga Spices & Herbs na na-infuse ko na;

Marami rami narin akong na-infuse na mga halaman, basta may makita akong halaman na hindi ko pa nahawakan, magi-infuse ako nito. Ang mga balat ng prutas ay hindi ko rin pinapalagpas. Ginagamit ko ang mga infused oils na dressing sa vegetable salad, sa baking para bigyan ng aroma ang mga tinapay. Siempre gamit ding sangkap sa aking mga DIY cosmetics.

Mga oil infusion videos

Coffee grounds infused oil

Ginger infused oil

Gumamela infused oil

Lemon infused oil

Oatmeal infused oil

Pagaris infused oil

Sandalwood infused oil

Halos lahat ng mga spices & herbs ay maaaring i-infuse. Tignan ang likod o harap ng bahay, ang mga malunggay, bayabas, tanglad na karaniwang tanim nating mga Filipino ay maaaring i-infuse. Maaari itong gawing pamahid sa balat na irritated o inflammed.

Mag research sa mga gamit o benepisyo ng mga halamang herbal. Sa pag sasaliksik mo, doon ka magkakaroon ng idea kung anong klase ng herbal extraction ang maaaring gawin.

Iba't ibang uri ng pampalasa na gamit sa lunas ng sakit sa ulo.

Mga kasangkapan sa paggawa ng Oil Infusion

  1. Garapon
  2. Panghalo
  3. Baking paper o wax paper
  4. Cheesecloth/strainer

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *