April 14, 2024
Iba't ibang uri ng lip mask na maaaring gamitin sa bahay.

Paano gumawa ng homemade lip sleeping mask

Sharing is Caring

Kagaya ng ating balat, ang ating labi ay nangangailangan din ng tamang pag-aalaga. Kailangan natin itong i- srub o i-exfoliate para matanggal ang mga dead skin. Kailangan din itong i-moisturize para hindi matuyo at iwasan ang mga bagay na sanhi ng pangingitim ng labi kagaya ng paninigarilyo.

Ano ang sleeping Lip mask

Ang sleeping lip mask ay isang produkto na kung saan ay ia-apply mo ito sa gabi para mabigyan ng kaukulang moisturization sa magdamag.

Merong mga nabibiling sleeping lip mask sa mercado. Merong mahal ang presyo at meron ding abot kaya. Pero kagaya nga ng sinabi ko, napakaraming ingredients nito na mukha namang hindi kailangan sa treatment ng lips. Mga ingredients na kung ire-reseach mo ay para lamang sa texture, presentation at wala naman talagang mabibigay na benepisyo sa labi.

Kung gagawa ka ng sarili mong sleeping lip mask, kontrolado mo ang mga ingredients nito at gagamitin mo lang ang mga sangkap na kailangan ng iyong labi. Kaya magandang gumawa ng sariling cosmetic products dahil sa mga benepisyong hatid nito.

Pangunahing sangkap sa paggawa ng Lip Sleeping mask

Meron akong dalawang recipe sa paggawa ng lip sleeping mask. At ang pangunahin kong ginamit na sangkap dito ay ang honey. Maraming benepisyo ang honey, ito ay may antibacterial properties, healing properties, lightening ang brightening effect sa balat at meron din itong antioxidants. Kaya kung titignan mo ang mga korean lip mask, isa ang sangkap nito ay ang HONEY.

Paano gumawa ng homemade lip sleeping mask

Meron akong nagawang dalawang recipe ng lip sleeping mask, isang basic at isang upgraded na mask na pinangalanan kong Cherry lip sleeping mask. Ang texture o consistency ng 2 masks na ito ay dapat sticky o yung dapat didikit sa labi at kung maaari ay 8 hours dapat na nasa labi. Kasi nga ang goal dito ay, ang mabigyan ang labi ng overnight treatment.

Ang goal naman na ito ay hindi naman pahirapan na na-achieve dahil sa castor oil at lanolin. Kailangan lang na ang sukat ay tama para makagawa ng magandang consistency.

Basic lip sleeping mask recipe

Mga sangkap

Castor oil- 1 teaspoon

Olive oil– 1 teaspoon

Beeswax- 1/2 teaspoon . Maaari ring gumamit ng iba pang uri ng ng wax sa recipe.

Vitamin e- 1 gel cap

Honey- 1 teaspoon

PARAAN NG PAGGAWA

1.Mag pakulo ng tubig sa hot water bath.

Hot water bath na gamit sa pagpapainit o pagtunaw sa paggawa ng DIY cosmetics.

2. Paghaluin ang castor oil, extra virgin olive oil at beeswax at ilagay ito sa hot water bath. Pag ito ay natunaw na, hanguin mula sa hot water bath.

Castor oil na gamit sa paggawa ng mga skin and hair car products.
extra virgin olive oil na gamit sa pagkain at hair and skin care products.
Mga benepisyo at gamit ng beeswax

3. Haluing mabuti hanggang slightly thick ang consistency.

4. Ilagay na ang honey at vitamin e. Haluin muling mabuti hanggang fully incorporated ang mga ingredients.

Sleeping lip mask na basic at may mga simpleng sangkap.

Meron ka ng lip mask na magagamit sa gabi.

Gusto panoorin kung paano gumawa ng basic lip mask?

Cherry lip sleeping mask recipe

Sa cherry lip sleeping mask naman ay medyo upgraded ang recipe pero simple parin. Maganda at bongga ang output ng recipe na ito. Hopefully madali lang ninyong makita at mabili ang isa o dalawa sa mga recipe nito.

MGA SANGKAP

  1. Lanolin 5 grams
  2. Castor oil 5 grams
  3. Cupuacu butter 2 grams
  4. Beeswax 2 grams
  5. Honey 5 grams
  6. Vitamin e- 1 gel cap
  7. Vanilla- 2-5 drops, gumamit ng food grade
  8. Mica: Cherry, pwede ring food coloring para lalong natural ang dating.
Sleeping lip mask na gawa sa bahay. May sangkap na lanolin, mica, honey at iba pang mga natural na sangkap.

Paraan ng Paggawa

1. Ihanda ang hot water bath, pakuluan ang tubig.

Hot water bath na gamit sa pagpapainit o pagtunaw sa paggawa ng DIY cosmetics.

2. Sa isang lalagyan, ilagay dito ang lanolin, castor oil, cupuacu butter at beeswax. Pag natunaw na ang mga ito, hanguin mula sa hot water bath. Haluing mabuti.

Lanolin na gamit sa paggawa ng cosmetic products.
Castor oil na gamit sa paggawa ng mga skin and hair car products.
Cupuacu butter na gamit sa DIY cosmetics dahil sa dami ng benepisyo sa balat at buhok.
Mga benepisyo at gamit ng beeswax

3. Ilagay ang honey at vitamin e. Haluing mabuti.

Mga benepisyo at gamit sa honey

4. Ilagay ang food grade vanilla o aroma oil at haluing muli.

5. Lagyan ng kulay na cherry. Ang dami ng kulay ay depende na gusto mo.

6. Ilagay sa container.

Gusto panoorin ang video kung paano gumawa nito?

Paano gamitin ang lip sleeping masks

Bago matulog sa gabi, i apply ang homemade sleeping mask sa malinis na labi. Sa umaga pagkagising, banlawan ang labi o maaari ring i-scrub ng asukal. Punasan. Maglagay ng lip balm o day mask. Maaari itong gamitin gabi-gabi para maintained ang soft and pink lips 🙂

Ang mga basic lip mask lalo na ang cherry lip sleeping mask ay long lasting ang moisture nito sa labi, kaya woke up like this ang effect 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *