April 22, 2024
DIY homemade Aloe vera gel gamit ang aloe vera powder 200:1

Paano gumawa ng aloe vera gel

Sharing is Caring

Ang aloe vera powder ay maaari ring gawing aloe vera gel. Ang concentration ng aloe vera powder na ginamit dito ay 200:1. Konti lang ang mga sangkap na ginamit dito at ito ay perfume free. Angkop sa mga tao na may allergy sa mga pabango o ayaw sa mga ginamit na parfum na meron sa mga nabibiling aloe vera gel kagaya ng nabibiling produkto ng nature republic. Pero kung gusto nyong lagyan ng bango o magincorporate ng ibang ingredients, maaari rin namang gawin ito.

Mga sangkap sa paggawa ng aloe vera gel

Para sa paggawa ng 50ml na produkto;

1.Aloe vera juice extract- 45.4 grams (reconstituted aloe vera powder 200:1)

Aloe leaf extract mula sa aloe vera powder 200:1

2. Castor oil- 1.5 grams

3. Xanthan gum- 0.5 gram

4. Vegetable Glycerin- 3 grams

5. Preservative- 0.1 gram

Paraan ng paggawa ng aloe vera gel

1. Ilagay sa water bath ang 45.4 grams na aloe vera juice extract sa hot water bath at painitin ito ng mga 40 degrees centigrade. Mga 6-10 minutes sa medium fire.
2. Paghaluin ang 0.5 g na xanthan gum at 3 grams na glycerin. Paghaluin itong mabuti at itabi.
3. Pag napainit na ang aloe vera juice o extract, dahan dahang ihalo ang mixture ng xanthan gum at glycerin.
4. Pag fully incorporated na, maaari ng ihalo ang 1.5 g na castor oil.
5. Isunod ang gagamiting preservative.

6. Kunin ang potential of hydrogen ng nagawang produkto at i-adjust ito.


Ang homemade aloe vera gel ay maaari ng gamitin. Gamitin ito kagaya ng paggamit sa mga nabibiling aloe vera gel o gamitin ito sa pag formulate ng iba pang mga DIY hair and skin care products.

DIY homemade Aloe vera gel gamit ang aloe vera powder 200:1
Panoorin ang VIDEO

Mga gabay sa paggawa ng homemade aloe vera gel

  1. Kung gusto mo ng mas transparent na gel, gumamit ng transparent na xanthan gum o carbomer o iba pang mga polymer.
  2. Kung mas thicker na consistency naman ang gusto, dagdagan lamang ito ng xanthan gum. Pero palipasin muna ng 24 hours bago magdagdag ng gelling agent. Dahil makikita ang final consistency nito (lahat ng produkto) pagkaraan ng 24 oras.
  3. Kung meron kayong nais na scent na gustong ilagay, maaari ring i-incorporate sa paggawa ng gel. Maaaring gumamit ng fragrance oil o Essential oil. Kung gagamit ng essential oil, magandang pumili ng EO na sa tingin mo ay magbebenepisyo ka kagaya ng chamomile essential oil. Kung walang essential oil, maaaring substitute ang fragrance oil.
  4. Pagdating naman sa ginamit na langis (castor oil), maaaring gumamit ng ibang langis na nais o magdagdag pa ng ibang langis.
  5. Maaari ring lagyan ng extract ng halamang gamot na nais.
  6. Ang dami ng preservative ay depende sa inyong gagamitin.
  7. Ang benepisyong nakukuha sa paggamit ng aloe vera powder ay kagaya rin sa mga benepisyong meron sa fresh aloe vera para sa buhok at balat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *