April 22, 2024
Vitamin e mositurizer na gawa sa bahay gamit ang vitamin e na maraming benepisyong hatid sa balat o kutis

Paano gumawa ng Vitamin e Moisturizer

Sharing is Caring

Ang vitamin e o tinatawag ding TOCOPHEROL ay matagal ng ginagamit na sangkap sa paggawa ng cosmetics kagaya ng makeup, skin care at hair care products. Madali lang gumawa ng vitamin e moisturizer. Ang sangkap na vitamin e ay gagamitin mo in high dose o maximum usage rate na ayon sa manufacturer ng vitamin e.

Marami tayong mga produktong maaaring mabili na may vitamin e bilang pangunahing sangkap. Merong lotion, face moisturizer at vitamin e serum. At kung magbabasa ng list ng mga ingredients ng mga produkto, 99% ay merong sangkap na vitamin e.

Paano gumawa ng Vitamin e moisturizer?

Simple lang ang ginawa kong vitamin e moisturizer gamit ang mga simpleng sangkap.

MGA SANGKAP SA PAGGAWA NG VITAMIN E MOISTURIZER

  1. Water- 38.5g
  2. Vegetable glycerin– 2.5g
  3. Evening primrose oil– 5g
  4. Glyceryl stearate se 1g
  5. Cetyl palmitate- 0.75g
  6. Cetyl alcohol- 0.5g
  7. Vitamin e, dl acetate- 1g
  8. Niacinamide- 0.25g
  9. Ylang ylang essential oil- 0.2g
  10. Preservative- 0.3g
  11. PH- ang ginamit kong pag adjust ng PH dito ay ang citric acid.

PARAAN NG PAGGAWA NG VITAMIN E MOISTURIZER

  1. Paghaluin ang tubig, niacinamide at glycerin. Ilagay ito sa hot water bath.
  2. Paghaluin ang evening primrose oil, glyceryl stearate se, cetyl palmitate, cetyl alcohol. Ilagay ito sa hot water bath.
  3. Antayin ang 2 na tumataas ang temperatura hanggang 75c.
  4. Hanguin mula sa hot water bath.
  5. Paghaluin ang dalawang pinainit. I blend gamit ang immersion blender.
  6. Ang glyceryl stearate se ay isang emulsifying wax na SELF EMULSIFYING/ S.E. Ibig sabihin hindi mo masyadong kailangang i-blend ito. Blinend ko lang ito ng mga less than a minute tapos rest.
  7. Antaying bumaba ang temperatura sa 40c.
  8. I check ang ph at iadjust. Ang PH na hiyang ng aking balat ay between ph5.5- ph6.5
  9. Ilagay ang vitamin e, ylang ylang at preservative. Muling i blend.
  10. Kung liquidy ang consistency, huwag mag alala dahil lalapot pa ito. Ang final consistency ng produkto ay makikita in 12-24 hours.

Magagamit mo ito sa umaga at gabi bilang moisturizer ng mukha.

Vitamin e mositurizer na gawa sa bahay gamit ang vitamin e na maraming benepisyong hatid sa balat o kutis
Panoorin ang VIDEO

Mga ingredients na ginamit sa paggawa ng vitamin e moisturizer

  1. Water– parating gumamit ng distilled water o pinakuluang tubig. Maaari ring gumamit ng substitute na hydrosol kagaya ng rose, orange, lavender at iba pa. Pwede ring kalahating water at kalahating hydrosol.
  2. Emulsifying wax– maaari kayong gumamit ng ibang emulsifying wax sa paggawa ng vitamin e moisturizer. Merong mga mabibili diyan na madaling gamitin para sa mga baguhan. Kung gaano karami ang gagamitin, basahin lamang ang usage rate ng produkto.
  3. Langis– maaari kayong gumamit ng ibang langis o carrier oils kung wala kayong evening primrose oil. Magandang gamitin ang mga langis na mayaman din sa vitamin e para ma boost ang ginamit na tocopherol.
  4. Niacinamide– maaari ring magdagdag ng niacinamide, dahil sa formula nasa below usage rate ang ginamit ko dito.
  5. Essential oil– maganda sa balat ang ylang ylang essential oil. Kung wala kayong mahanap na ylang ylang, maaaring gumamit ng ibang langis. Maaari ring fragrance oil ang gamitin. Hindi ko isa suggest na mag skip ng amoy at gawing odorless ang vitamin e moisturizer. Ang waxes minsan o kadalasan ay may amoy, hindi naman mabaho kasi waxy smell lang naman ito. Pero kung gagamit ng fragrance oil, since synthetic ito, imumungkahi kong konti lamang ang gamitin ninyo.

Iba’t ibang uri ng vitamin e

Maraming iba’t ibang uri ng vitamin e o tocopherol na ginagamit sa cosmetics, pero apat ang kadalasang ginagamit dito.

  1. D- alpha tocopherol Acetate
  2. Dl- alpha tocopherol acetate
  3. D- alpha Tocopherol
  4. DL- alpha Tocopherol

Ang ibig sabihin ng ¨D¨ ay natural itong gawa. Pag may ¨DL¨ naman, ibig sabihin ito ay synthetic.

Ang mga benepisyo ng vitamin e sa kutis, buhok, at kuko

Gumagamit ako ng tatlong uri ng vitamin e sa paggawa ko ng skin & hair care products at makeup, dl-acetate, d alpha tocopherol at dl tocopherol. Yung vitamin e na pinipiga ko na makikita sa mga videos ko sa DIYlangyan youtube channel ay ang vitamin e supplement. Pag mula naman sa brown na bote, cosmetic grade na vitamin e ito.

Bakit ginagamit ang vitamin e sa paggawa ng cosmetics?

  1. Benepisyo sa Kutis at Buhok– maraming benepisyong hatid sa kutis at balat ang vitamin e. Kagaya sa oral supplement na nabibili, kung tama o nourished ang katawan mo ng bitaminang ito magre reflect din ito sa iyong kutis, buhok pati narin sa ating mga kuko. Ganon din ang mga benepisyong makukuha kung gagamitin ito topically. Ang vitamin e ay isa sa mga bitamina na mataas ang antioxidant.
  2. Antioxidant– ginagamit ang vitamin e o tocopherol bilang antioxidant ng mga produktong ginagawa. Ito ay para tumagal ang shelf life at hindi agad mapanis o masira. Magagamit mo ito bilang antioxidant ng makeup, skin care products, oil based hair and hair care products. Gumamit ng tocopherol ( hindi acetate) kung gagamitin itong pampatagal ng shelf life ng produkto.

Kaya kung may planong mag DIY ng mga makeup, skin & hair care products, ang Vitamin e ay isa sa mga sangkap na dapat ay meron ka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *