April 22, 2024
Iba't ibang uri ng Carrier oils o Fixed oils na ginagamit sa pag dilute ng essential oils

Ano ang Carrier oils at Benepisyo nito

Sharing is Caring

Ano ang Carrier oils

Ang Carrier oils o minsan ay tinatawag ding ”Fixed Oils” o ¬®vegetable oils¬®ay kagaya ng essentials oils na may mga hatid na benepisyo. May mga langis na maaaring ihalo sa pagkain at inumin at meron din namang external o topical use lamang.

Ang mga benepisyo ng carrier oil o fixed oill sa kalusugan

Kagaya ng Essential oils, ang mga carrier oils ay galing sa mga buto, nuts, prutas, grains, wheat, bulaklak, dahon, at iba pang parte ng mga halaman.

Saan o Paano ginagamit ang carrier oils?

Dalawa ang uri ng carrier oils o fixed oils. Merong mga edible o nakakain at mero naman inedible o hindi nakakain.

  1. Pagkain– marami mga langis na pwedeng gamitin sa pagkain na maaari mo ring gamitin sa iyong kutis at buhok. Ang olive oil, coconut oil, avocado oi, argan oil, sesame seed oil ay ilan lang sa mga halimbawa nito.
  2. Cosmetics/Personal Care Products– kung papansinin mo ang mga cosmetics o personal care products ngayon, maraming mga producers o manufacturers ang nag i-incorporate ng mga langis sa kanilang mga produkto para pagmukhaing “natural” ang mga ito. Meron argan oil night serum, Shampoo with Jojoba oil, Shower gel with Olive oil.

Ang mga langis na ito ay importante sa mga gumagawa ng mga DIY cosmetics o personal care products. Ito ang mga natural na sangkap na ginagamit para makaiwas sa mga sobra sobrang kemikal mula sa mga nabibiling produkto sa merkado.

3. Aromatherapy-ang carrier oil ay ginagamit na panghalo sa mga essential oil kung gagamitin ito sa balat kagaya ng pagmamasahe. Importante na bago gumamit ng essential oil sa katawan, alamin kung paano mag-dilute ng essential oil at carrier oil.

Paano paghaluin ang essential oil at carrier oil para gamitin

4. Herbal medicine– importante rin ang mga carrier oils sa paggawa ng herbal medicine. Ginagamit ito sa oil infusion ng mga halamang gamot, paggawa ng salves, ointment, cream at iba pa.

Ang mga Benepisyo ng Carrier Oils

Maraming hatid na benepisyo ang mga carrier oils, may benepisyo sa kalusugan ng katawan at benepisyo sa balat at sa buhok. Ang iba’t ibang uri ng carrier oils mula sa iba’t ibang uri ng halaman ay may kanya kanyang hatid na benepisyo na ating mapapakinabangan.

  1. Antioxidants– ang mga carrier oils ay may taglay na antioxidants na makakatulong na i-balanse o labanan ang mga free radicals. Ang halimbawa ay ang Olive oil na maaari sa internal at external use.
  2. Vitamins– ang mga carrier oils ay maraming bitamina kagaya ng vitamin a, vitamin c, vitamin e, vitamin d, at iba pang bitamina na magbebenepisyo hindi lang ang ating panloob na kalusugan, kundi pati rin ang kalusugan ng ating balat at buhok. Halimbawa: Avocado oil
  3. Minerals– meron din naman carrier oil na may taglay na minerals. Halimbawa ay ang Oat oil na mayaman sa zinc, manganese.
  4. Fatty acids– ang coconut oil ay mayaman sa fatty acids na importante rin sa ating kalusugan. Kung sa ating kutis o buhok naman ito gagamitin, ang dulot na benepisyo nito ay ire-revitalize, iha-hydrate o imo-moisturize nito ang ating balat at buhok. Ang fatty acids ay nakakatulong din kung may problema ka sa paglalagas ng buhok.
  5. Wrinkles, age spots– ang solong paggamit ng mga langis na ito ay makakatulong sa mga problema ng balat sanhi ng edad at mga free radicals. Ang isa sa benepisyo ng rosehip seed oil ay ang lunasan ang mga problemang ito sa balat.
  6. Antifungal– ang iba sa mga carrier oils ay may mga antifungal properties. Makakatulong ang paggamit nito na lunasan ang mga problema sa balat kagaya ng an-an, alipunga, balakubak o dandruff. Ang castor oil ay isa sa mga natural na lunas sa mga problemang ito.
  7. Antimicrobial– meron ding mga antimicrobial properties ang karamihan sa mga langis na ito. Halimbawa; ang Jojoba oil ay mayaman sa antibacterial properties. May abilidad itong labanan ang mga mikrobyo na maaaring mamungad sa ating balat.
  8. Anti-inflammatory– ang coconut oil o langis ng niyog (extra virgin coconut oil o fractionated coconut oil) ay isang mabisang langis kung ang inflammation ang pag-uusapan. Nakita natin ang epekto nito sa ating mga lolo at lola o nanay at tatay, pinapahid sa mga kasukasuan para maibsan ang mga sakit na nararamdaman.
  9. Collagen– ang collagen ay alam natin na importante sa ating balat, buhok at kuko. Ang shea butter ay isa sa mga carrier oil na makakatulong sa produksyon ng collagen.
  10. Skin detox– ang ating kutis ay ang ating first line of defense mula sa mga polusyon sa ating kapaligiran. At ito ang kauna unahang nadadali ng free radicals, kaya ang resulta, ang ating balat ay nakakaroon ng mga kulubot, umiitim. Ang sesame seed oil ay isang langis na makakatulong sa rejuvenation at detoxification.

Ang mga iba’t ibang uri ng Langis o Carrier Oils

  1. Apricot kernel oil
  2. Argan oil
  3. Avocado oil
  4. Baobab oil
  5. Broccoli seed oil
  6. Cactus seed oil
  7. Calendula oil
  8. Camellia oil/Tea oil
  9. Carrot oil
  10. Castor oil
  11. Cocoa butter
  12. Coconut oil: Extra virgin coconut oil, Fractionated coconut oil
  13. Comfrey oil
  14. Cranberry seed oil
  15. Cucumber oil
  16. Evening primrose oil
  17. Grapeseed oil
  18. Hazelnut oil
  19. Hempseed oil
  20. Jojoba oil
  21. Macadamia oil
  22. Malunggay oil
  23. Mono oil
  24. Mustard oil
  25. Neem oil
  26. Oat oil
  27. Pilinut oil
  28. Pomegranate seed oil
  29. Pumpkin seed oil
  30. Raspberry seed oil
  31. Rice bran oil
  32. Rosehip oil
  33. Sesame seed oil
  34. Safflower oil
  35. Sea buckthorn
  36. Shea butter
  37. St. John’s wort oil
  38. Sunflower oil
  39. Sweet almond oil
  40. Tamanu oil

Mga gabay sa paggamit ng Carrier Oils

  1. Kung kayo ay may sensitibong balat, magsagawa muna ng patch test bago gumamit ng mga langis na ito. Ang mga carrier oils na ito ay hindi naman sing tapang ng mga essential oils. Gawin ang patch test kung kayo ay may sensitibong balat.
  2. Bumili ng mga langis na ”unrefined” at kung maaari ay ”organic” para mapakinabangan ang mga benepisyo nito.
  3. Bumili sa mga supplier na alam ang impormasyon ng kanilang paninda.
  4. Pagaralan ang mga langis at ang mga benepisyo nito sa katawan at kung saan ito pwedeng gamiting at kung paano gamitin.

Kung sa pag DIY ng mga skin care products, make up, lipstick, hair care products at iba pang cosmetic products, ang mga langis ay isa sa mga importanteng sangkap na kakailanganin mo sa paggawa ng produktong homemade.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *