April 22, 2024
Allergic reaction

Paano gawin ang Patch Test

Sharing is Caring

Ang pagsasagawa ng patch test o skin patch test ay isang gabay sa paggamit ng essential oil. Ito ay para malaman kung meron kang allergy dito o wala. Ang blog na ito ay may simpleng instructions kung paano gawin ang DIY patch test sa bahay.

Ang bawat isa sa atin ay may iba’t ibang reaksyon sa mga bagay. Merong mga tao na sobrang sensitibo ang mga balat. Dahil dyan, nagkakaroon ng mga rashes o pantal pantal, pangangati, at kung minsan ay nagkakaroon ng anaphylactic shock o sobrang reaction sa mga allergens.

Ang sintomas ng anaphylactic shock o anapilaksis sa tagalog ay biglaang panghihina, nahihirapang huminga, nagsusuka, nahihilo, namamaga, nangangati at marami pang iba. Sa sitwasyon na kung saan ito ay nangyari sa isang tao, mangangailangan na maitakbo sa hospital ang isang taong nakakaranas nito.

Ang kadalasang sanhi ng anaphylactic shock ay ang gamot . Kaya sa hospital bago mag prescribe ang mga doctor ng gamot, nagsasagawa muna sila ng skin test para masiguradong safe ang gamot na irereseta sa mga pasyente.

Ang mga allergens ay mga bagay na magdudulot ng allergic reaction sa isang tao. Ang halimbawa ng allergens sa pagkain ay seafoods, mani, itlog, etc. Ang alikabok, usok, polen ay mga allergens din. Sa cosmetic products naman, ang mga makeup, shampoo, pabango, pangkulay ng buhok at iba pang gamit sa personal care ay maaaring maging allergen din sa ibang tao.

Sa mga natural na sangkap na aking gagamitin sa aking mga DIY Cosmetic, ang essential oils, carrier oils at iba pang mga natural na sangkap ay maaaring magbigay rin ng allergic reaction sa mga tao lalo na sa may mga sensitibong balat.

Dito sa aking blog, importante na magsagawa ng ”patch test” o ”skin test” lalong lalo na sa paggamit ng essential oils sa inyong balat.

Para sa paraan kung paano gawin ang patch test, sundan lamang ang simpleng instructions na nasa ibaba.

Allergic reaction

Paano gawin ang patch test

Ang paraang ito ay maaari ring gamitin para malaman kung may allergy ka sa ano mang bagong produkto na gusto mong subukan.

Procedure/Instructions ng pagsasagawa ng Patch test sa bahay

Ang kadalasang gabay sa pagda-dilute ng essential oils ay 1=1. Pero dito sa gagawing patch test, gumamit ng ratio na 2=1.

Haluan ng 2 patak ng essential oil na gustong gamitin ang 1 kutsaritang carrier oil. Ipahid ito sa mapipiling parte ng katawan. Pabayaan ito, huwag babasain ng di bababa sa 24 oras. Pag walang reaksyon kagaya ng pangangati, pamamantal o rashes, pamumula, ang essential oil na ginamit mo sa patch test ay SAFE na gamitin.

Kung nagkaroon naman ng pangangati, pamumula, pantal o rashes o iba pang allergic reactions, ito ay HINDI SAFE na gamitin. Dali daling hugasan ito ng sabon at tubig. Pagkatapos hugasan ay pahiran ng coconut oil.

Paano paghaluin ang essential oil at carrier oil para gamitin

Para sa mga taong masyadong sensitibo ang balat, gawin ang patch test ng 48 hours o 2 araw. Mainam din kung lagyan o takpan ng band aid ang lugar na kung saan ka nagpahid ng langis.

Mga parte ng katawan para sa Patch Test

  1. Inner arm
Patch test sa inner arm para malaman kung may allergy

2. Likod ng tenga

Paggawa ng patch test sa likod ng tenga

3. Pulso o Wrist

Paggawa ng patch test sa pulso o wrist

4. Likod ng Tuhod – o knee-pit (Popliteal fossa)

Paggawa ng patch test sa likod ng tuhod o knee pit

Mainam rin kung iti-test mo muna ang bawat essential oil na iyong gagamitin. At kung wala kang allergy dito, maaari mo ng mapakinabangan ang mga benepisyo ng essential oils sa katawan, sa isip at sa spiritual na aspeto ng buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *