April 22, 2024
lalake na masakit ang ulo

19 dahilan ng sakit ng ulo at paano maiiwasan

Sharing is Caring

Ang sakit ng ulo o headache sa ingles ay isang karamdaman na nararanasan nating lahat. Dahil ito ay maraming dahilan o sanhi. Apektado ang galaw natin pag tayo ay tinamaan nito. Meron itong dalawang uri at may mga paraan para maiwasan ito. Kung sa lunas naman, dalawang lunas ang maaari mong gamitin. Pwedeng uminom ng synthetic na gamot o gumamit ng mga natural na na lunas.

2 Uri ng Sakit ng Ulo

Ang sakit ng ulo ay isang senyales. Nagpapahiwatig ito ng kondisyon o problema sa katawan, seryoso man o hindi. Ayon sa International Headache Society, mayroong 2 uri ng sakit ng ulo:

    1. Primary headache disorders- ito ay mga klase ng sakit ng ulo kagaya ng; migraine, tension type headache, cluster headache, at medication overuse headache (WHO).

   2. Secondary headache disorders– ito naman ay uri ng sakit sa ulo na nauugnay sa mga karamdaman na dinadanas ng isang tao.

19 na dahilan o sanhi ng Sakit ng Ulo

Merong mga dahilan kung bakit sumasakit ang ating ulo, at ang mga dahilang ito ay nakapaloob sa 2 uri ng sakit ng ulo na nabanggit sa taas. Halimbawa, masakit ang ulo mo dahil sa stress o sobrang liwanag, ito ay tinatawag na migraine na nakapaloob sa primary headache disorders. Kung ang dahilan naman ng inyong sakit ng ulo ay dahil sa meningitis o brain tumor, ito ay nakapaloob sa secondary headache disorders.

  1. Sakit– anemia, fibromyalgia, diabetes,brain tumor, stroke,atbp
  2. Stress
  3. Gutom
  4. Dehydration– ang kakulangan sa tubig.
  5. Klase ng pagkain– mga pagkaing merong food preservatives, processed foods, mga dairy products, maalat, matamis.
  6. Amoy– mabaho/masangsang (sobrang mabango).
  7. Temperatura– mainit o malamig na panahon. Ito ay triggers sa indibidwal.
  8. Tulog– kulang sa tulog o paputol putol na tulog
  9. Physical activity/Pisikal na aktibidad– kakulangan nito o sobra.
  10. Alak/ hangover– sa paginom ng alak ay nagkakaroon ng dehydration sa ating katawan
  11. Gamot– isa sa sakit ng ulo ang side effect ng mga gamot.
  12. Liwanag– ang sobrang liwanag ay maaaring mag trigger ng sakit ng ulo.
  13. Ingay– noise pollution ay maaaring isa ring dahilan ng sakit ng ulo.
  14. Pagod– ang sobrang pagod ng katawan.
  15. Magnesium– isa ring dahilan ang kakulangan ng magnesium sa katawan.
  16. Hormone– pagbabago ng hormone sa mga kababaihan pag dinadatnan (menstruation) o bago datnan (premenstrual sydrome/PMS).
  17. Caffeinated drinks– ang sobrang caffeine sa katawan ay isa rin salarin kung bakit tayo nagkakaroon ng sakit ng ulo.
  18. Cigarette/sigarilyo– ito ay mga vasoconstrictor, pinapakipot nito ang mga ugat.
  19. Perimenopause at Menopause– ito ay maaari ring maging sanhi ng sakit ng ulo.

Dalawang paraan para Lunasan ang Sakit ng Ulo

Meron tayong dalawang paraan para sa lunas ng sakit ng ulo.

  1. Paginom ng synthetic na gamot. Ang kadalasang iniinom ay ang paracetamol, ibuprofen at mefenamic acid. Mga gamot na over the counter, hindi kailangan ang reseta ng doktor. Yan din ang dahilan kung bakit naaabuso ang mga gamot na ito ng ibang tao. Hindi nila alam na meron ding mga masamang epekto sa katawan.
  2. Natural na paraan- ito ay ang paggamit ng mga natural na lunas kagaya ng aromatheray, herbal at iba pa.

Pag kayo ay may chronic headache o matagal na kayong nakakaranas nito, magpakonsulta na sa isang doktor para matignan kayong mabuti. Huwag umasa sa paginom ng mga over the counter medications at sa mga natural na lunas.

Ang hindi magandang epekto ng Paracetamol

Ayon sa article ng theguardian, ang paracetamol (generic name ng Biogesic) sa matagalang pag-inom ay merong negatibo at seryosong epekto sa kalusugan ng umiinom nito, kagaya ng mga side effects na makukuha sa paginom ng aspirin (Aspilet).

Ang hindi magandang epekto ng Mefenamic acid

      Ang mefenamic acid ay mas pinipiling inumin pagdating sa sakit ng ulo at katawan. Dahil sa pagitan ng paracetamol at mefenamic acid, mas mabilis ang epekto ng mefenamic acid kung sa usapin ng sakit sa ulo at kasukasuan. Itong gamot na ito ay kadalasang naaabuso natin.

Doc Willie Ong sa pag-inom ng

Kung follower kayo ni Doc Willie Ong, na discuss nito ang ilang side effects/adverse effect ng gamot na ito. Kagaya ng pagkasira ng kidney, pagdugo ng tiyan, atbp. At hindi nito nirerecommend ang pag-inom araw-araw at sina-suggest na daanin ito sa natural na paraan kagaya ng masahe.

Ayon naman sa medscape , ang mefenamic acid ay may negatibong epekto sa ating cardiovascular system (mga sakit sa uso) na maaring magdulot ng pamumuo ng dugo, myocardial infarction, at stroke.

Paano maiiwasan ang Sakit ng Ulo

  1. Umiwas sa Stress- maghanap ng paraan kung papaano makakaiwas sa stress ng buhay. Sa panahon na hindi mo ito maiiwasan, magde-stress gamit ang mga natural na paraan. Kagaya halimbawa ng aromatherapymagpamasahe gamit ang essential oils, makinig ng musika na para sayo ay nagpapakalma. Gawin ang mga bagay na magpapasaya at magpapa relax sayo.

2. Iwasang magpagutom, kumain sa tamang oras. Sa mga nagfa-fasting o nag-aayuno, o baguhan sa fasting, ang sakit sa ulo ay madalas nilang maramdaman.

3. Ang tubig ay importante, huwag hayaang nagkukulang sa tubig ang iyong katawan. Dagdagan ng apple cider vinegar o lemon juice o ibang citrus fruits ang inuming tubig. Ang gawaing ito ay may magandang benepisyo sa kalusugan.
 

Tubig na may lemon juice
Apple cider vinegar sa baso at prutas na apple

4. Pagkain- umiwas sa mga pagkaing may preservatives kagaya ng processed foods, mga pagkaing matatamis, maalat, cheese, atbp. Kumain ng iba’t ibang uri ng prutas at gulay para makuha ang mga vitamins at minerals na kailangan ng katawan.

5. Umiwas sa mga ingay, amoy, nakakasilaw na liwanag. Ito ang mga bagay na maaaring magtrigger ng sakit ng ulo.

6. Matulog sa tamang oras- maraming mga benepisyong hatid ang pagtulog sa tamang oras.

7. Sa panahon na sobrang init:
    a. maligo ng 2-3 beses isang araw
    b. huwag magbilad sa ilalim ng araw
    c. kumain ng mga pagkaing refreshing kagaya ng mga gulay, prutas, at uminom ng mga natural na fruit juices.

8. Ugaliing mag-ehersiyo araw araw para sa tama at hustong daloy ng oxygen sa ating katawan.

9. Ang alak ay isang diuretic na kung saan ay maaaring madehydrate ang ating katawan. Kung hindi magawang umiwas sa pag-inom, kahit papaano ay magbawas nito. Kung may hang-over, huwag uminom ng kape dahil isa ring itong diuretic, lalo kang madedehydrate. Ang pag-inom ng tubig ay isang mabisang paraan para malunasan ang sakit ng ulo na dulot ng hang-over. Kaya importante ang tubig sa katawan.

10. Kung sa tingin mo ang sanhi ng iyong sakit ng ulo ay dahil sa mga maintenance mong gamot, mas makakabuti na sabihin o ikunsulta mo ito sa iyong doktor.

11. Kung ang pisikal na pagod ay hindi maiiwasan, mas makakabuting lunasan ang nararamdaman sa pamamagitan ng natural na paraan. Ito ay para maiwasan ang hindi magandang epekto ng matagalang pag-inom ng gamot.

12. Ayusin ang postura ng katawan, tamang pag-upo, pagtayo, paglakad, para maiwasan ang tinatawag nilang muscle tension sa inyong balikat, leeg, at ulo.

14. Umiwas sa paginom ng mga caffeinated drinks. Pero kadalasan sa mga coffee drinkers, kung sila ay nagkukulang sa nakasanayang dami ng iniinom nila sa buong araw, sumasakit ang kanilang ulo. Ang paginom ng kape sa mga taong ito ay isa ring lunas. Pero para sa mga taong gusto ng umiwas sa pag-inom ng kape, ang sakit sa ulo at hindi naman magtatagal. 2-5 days ay mawawala na ito.

15. Bawasan o umiwas sa sigarilyo. Ang nicotine sa sigarilyo ay nagpapakipot (vasoconstrictor) ng mga ugat na siyang dahilan ng sakit ng ulo dahil kulang sa oxygen ang katawan.

Ash tray at mga upos ng sigarilyo

17. Tignan kung nabibigyan ba ng sapat na magnesium ang iyong katawan mula sa iyong mga kinakain. Dahil kadalasan, ang sakit ng ulo ay sanhi lamang ng kakulangan ng magnesium .



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *