February 23, 2024
Mga benepisyo ng apple cider vinegar sa buhok

Mga benepisyo ng apple Cider vinegar sa Buhok

Sharing is Caring

Babae ka man o lalake, makikinabang ka sa mga benepisyo ng apple cider vinegar sa buhok. At isa lang yan sa marami pang benepisyong makukuha mo sa apple cider vinegar. Ang buhok ay importante sa atin, nagbibigay ito ng confidence. Kaya dapat lamang na ito ay bigyan ng tamang pag-aalaga. Sa tamang pag-aalaga maiiwasan ang pagkasira, pagkalagas at pagkapanot nito. Ang apple cider vinegar ay maaaring gawing maintenance sa iyong crowning glory. Simpleng paraan ng paggamit pero napakaraming benepisyong hatid.

           

Tamang pag-aalaga sa buhok para maiwasan ang pagkalagas at pagkapanot

Mga benepisyo ng Apple Cider Vinegar sa Buhok

1.Ang mga benepisyo ng apple cider vinegar sa buhok ay ang taglay nitong vitamins, minerals at mga enzymes. Ang mga nutrisyong ito ay makakatulong sa kailangang nutrisyon ng ating buhok para ito ay maging malusog at patuloy ang growth cycle.

2.Ang apple cider vinegar ay may kakayahang i-detoxify ang mga toxins na nakukuha sa mga kemikal na ginagamit natin. Mariin nitong malilinisan ang mga dumi sa bawat hibla, sa anit na hindi kaya ng mga shampoo. Nililinis nito ang mga kemikal na naiiwan ng mga shampoo, conditoner at iba pang hair products.

3.Sa tamang pag-aalaga ng buhok, makikita mo mismo sa kanilang kondisyon. Halimbawa:

  1. Magkakaroon ng tamang sirkulasyon ng oxygen, dugo sa ugat ng ating buhok. Dahil diyan, ang hair growth cycle ay magiging maayos. At dahil sa mga nutrisyon na meron ang apple cider vinegar, nagagawa nitong mapaigting ang sirkulasyon ng dugo sa ugat ng buhok. Ang kakulangan ng sirkulasyon ang isa sa dahilan ng pagkalagas o pagkapanot nito.
  2. Magkakaroon ka ng shiny & soft hair at gaganda ang bagsak nito.       
  3. Mas matibay ang bawat hibla, naiiwasan ang pagkaputol nito.         
  4. May tingkad ang kulay, hindi mukhang alambre at tuyot na tuyot.     
  5. Nararamdaman mo na ang iyong anit ay malinis dahil nalilinisang mabuti ng apple cider vinegar ang anit at bawat hibla. May kakayahan itong i-unclog ang mga dumi na nakasiksik sa mga pores ng anit.
  6. Ang buhok na may split ends ay unti unting magre-regenerate dahil sa nutrisyon na makukuha sa apple cider vinegar.
  7. Ino-normalize nito ang PH ng anit para maiwasan ang mga abnormal na kondisyon ng buhok at ng anit.
  8. Dahil sa antimicrobial properties ng apple cider vinegar, makakatulong itong maiwasan ang balakubak o lunasan ang balakubak.

Paano gamitin ang apple cider vinegar sa buhok

Ang paggamit ng apple cider vinegar sa buhok ay simple lamang at ito ay maaaring gawin sa dalawang (2) paraan.

Paraan ng paggamit

  1. Sa isang tasang tubig ( 200-250 ml), lagyan ng 2 kutsarang apple cider vinegar. I-apply ito sa anit gamit ang bulak o gumamit ng spray bottle. Ibabad ng di bababa sa 30 minutos . Maglaan din ng panahon na imasahe ang anit, para lalong ma-absorb ang mga benepisyo nito. Pagkatapos ay paliguan.
Apple cider vinegar sa tabo para gamiting panghuling banlaw sa buhok. Hair rinse

2. Maaari itong gamiting panghuling banlaw. Para sa apple cider hair rinse, 500 ml na tubig lagyan ito ng 4 kutsarang apple cider vinegar. Ito ang gagamitin mong panghuling banlaw sa buhok.

Gabay sa paggamit kung gagamitin ang apple cider vinegar sa buhok

  1. Gamitin ang apple cider vinegar sa buhok at anit dalawa hanggang tatlong (2-3) beses sa isang buwan. Ito ay para hindi madisrupt ang ph level ng ating anit at buhok.
  2. Maaaring hindi nyo magustuhan ang amoy ng apple cider vinegar sa inyong buhok kung gagamitin ang pangalawang paraan. Gamitin ang pinakaunang paraan ng paggamit.

6 thoughts on “Mga benepisyo ng apple Cider vinegar sa Buhok

  1. Ma’am,Sir Paano Kung Nag lalagas Ang Buhok Tapos Sumasakit Ang Ulo Araw2x Anong Sakit po Ito Ma’am, Sir Naglalagas po Kasi Buhok Twing Nag Susuklay Po Ako Halos Matanggal Na Lahat Ng Buhok ko Ma’am, Sir

    1. Hi, Analyn! Kelan ka pa ba nakakaramdam ng sakit ng ulo, weeks, buwan? Ano pa ang nararamdaman mo? Mas maganda na magpatingin ka na sa doktor para makita ka mismo at masabi mo lahat ang nararamdaman mo sa katawan.

      I wish you well in life

    2. Hi annalyn same po tayu ng sitwasyun ako po hindi na nahinto ang pag lalagas pero yung sakit ng ulo nawawala na po nipis na nga din ng buhok ko kita na anit ko,kumusta na po paglalagas ng buhok niyo

      1. Hi, Chelle. Nagpacheck up ka ba sa doktor? Ano mga home remedies ang mga ginamit mo?

        Sending you blessings of love light & Happiness

  2. Hi sir pwede po ba mag shampoo and conditioner pag anlawan ung nababad na apple cider sa buhok. Slamat sa pag sagot. God bless

    1. Hi, Lorelyn. Yes, pwede mo muna ibabad sa diluted na apple cider vinegar tapos shampoo ang conditioner after.

      Blessings of Light, Love & Happiness to you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *