April 22, 2024
Benepisyo ng apple cider vinegar toner sa kutis o balat.

Gumawa ng apple cider vinegar toner

Sharing is Caring

Maaaring gumawa ng toner gamit ang apple cider vinegar. Ang paggamit ng apple cider vinegar bilang toner ay maraming benepisyong hatid sa ating kutis. At ito ay isa lang sa napakarami pang benepisyo ng apple cider vinegar.

Mga benepisyo ng apple cider vinegar toner

Maraming benepisyo sa kutis ang apple cider vinegar. Ang isang paraan nga ng paggamit dito ay bilang toner sa mukha.

Facial toner gamit ang apple cider vinegar
  1. Pores– kung meron kang open pores, makakatulong ang apple cider vinegar na i-tone ito dahil sa kanyang astringent properties.
  2. Tigyawat o acne– ang apple cider vinegar ay may anti-inflammatory at antibacterial properties.
  3. Blackheads at white heads– ang apple cider vinegar ay may kakayahan na linisin at tanggalin ang mga nakabara sa pores ng inyong balat.
  4. Oily skin o dry skin– isinasaayos ng apple cider vinegar ang ph level ng inyong balat.
  5. Age spots, sunspots, melasma, wrinkles– ang apple cider vinegar ay may glycol na nakakatulong na paputiin at i-exfoliate ang sirang balat. Ang mga problema sa kutis na sanhi ng edad, polusyon, araw o ang tinatawag na free radicals.
Kulubot sa mukha, melasma, blackheads, whiteheads, open pors, tigyawat o pimples.

Paano gumawa ng toner gamit ang apple cider vinegar

Ang paggawa ng toner gamit ang sukang ito ay simple lang.

Mga sangkap at bagay na kailangan:

1 kutsarang Apple cider vinegar

2 kutsarang tubig

Bote

Paghaluin ang tubig at apple cider vinegar sa isang bote. Alugin bago gamitin.

Gabay sa paghahalo ng apple cider vinegar at tubig

Paano gamitin ang apple cider vinegar toner

Sa bagong linis o hilamos na mukha, i-apply ito sa mukha gamit ang cotton balls o cotton pads. Maaaring hindi mo na ito banlawan ulit. pero karamihan ay ayaw sa amoy ng suka. Sa lagay na ito, ibabad ang apple cider vinegar ng hindi bababa ng 5 minuto at bahagyang banlawan. Hindi mo na ulit sasabunin.

Paano gawin ang apple cider vinegar spot treatment

Para naman sa spot treatment, ipahid lang ang apple cider vinegar sa parte ng mukha na gustong malunasan, kagaya ng wrinkles, sun spots, age spots, melasma, o tigyawat.

Mga gabay sa paggamit ng apple cider vinegar toner

  1. Huwag gagamitin ng puro ang apple cider vinegar sa balat. Kung ang naitalagang ratio ng mixture ay matapang sa iyo, maaaring magdagdag ng tubig.
  2. Huwag din abusuhin ang paggamit para hindi madisrupt ang ph level ng ating balat. Gamitin ito 2-3 beses sa isang linggo bilang maintenance. Kung sa spot treatment naman ( konting parte lang ng balat), kagaya sa pimple, o dark spots, maaaring 1 linggo. Pagkatapos ay pagpahingain ang balat mula sa paggamit ng apple cider vinegar.
  3. Bumili at gumamit lamang ng apple cider vinegar na Organic, Raw, Unfiltered, with the Mother, at nasa brown o amber glass.
  4. Sa lalagyan ng toner na gagawin, huwag gagamit ng plastik o metal. Gumamit lamang ng babasaging bote o garapon.
  5. Gumawa lamang ng toner na sapat sa ilang araw na gamitan.

Kung ang apple cider vinegar ay masyadong matapang sa iyong balat at mas prefer mo ang gumamit ng mas natural na toner na kaiba sa mga nabibili sa merkado. Marami kang maaaring ma-DIY toner gamit ang mga sangkap na nakikita sa kusina o kapaligiran.

Halimbawa

  1. Toner na gawa sa chamomile
  2. Toner na gawa sa Gumamela
  3. Toner na gawa sa Rose

2 thoughts on “Gumawa ng apple cider vinegar toner

    1. Hi, Mariel! Kung may ulcer ka mas maganda kung iwasan ang apple cider vinegar, kasi maaari nitong palalain pa ang hapdi ng sikmura. Mas maganda rin kung i-konsulta mo ito sa iyong doktor. Maganda ang pro biotic sa ulcer, makakatulong ito. Halimbawa ng mga maaari mong kainin ay yogurt, yakult, kimchi at iba pang fermented food. May blog at vlog ako sa simpleng paggawa ng kimchi.
      Happy new year to you and your family, Mariel 🙂 May this year be more prosperous, healthier, wealthier for all of us.
      Thanks for visiting my blog. I am humbled.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *