April 22, 2024
Ang tamang paghuhugas ng prutas at gulay gamit ang baking soda o white vinegar

Tamang Paghuhugas ng Prutas at Gulay

Sharing is Caring

Ang tamang paghuhugas ng prutas at gulay ay kailangan gawin para mailayo sa peligro ang ating kalusugan. Sa pagkain ng iba’t ibang uri ng prutas at gulay natin nakukuha ang iba’t ibang uri ng Vitamins, Minerals, Enzymes at iba pang nutrisyon na kailangan ng ating katawan. Baka imbes na nutrisyon ang ating makuha, dahil sa di tamang paghuhugas nito ay sakit ang maidulot.

Ibat ibang uri ng prutas at gulay na masustansya

Pagdating sa usapin ng mga chemical kagaya ng herbicide, insecticide, pesticide at fertilizer, nako-kompromiso ang ating kalusugan. Kaya importante lamang na alamin natin ang tamang paghuhugas ng prutas at gulay para mailayo natin ang ating katawan mula sa perwisyong hatid ng mga mapinsalang mga kemikal na ito.

Bakit kailangang hugasan ng mabuti ang mga pagkaing Prutas at Gulay

Mga kemikasl na ginagamit sa mga pananim na prutas at gulay.

Fertilizers– merong 2 uri ng fertilizers, ang organic fertilizers at inorganic fertilizers. Ang mga organic fertlizers mula sa mga nabubulok na bagay. Ang inorganic fertilizers ay gawa sa mga synthetic chemicals.

Ang fertilizers ay hindi masama kung ito ay mula sa mga natural na pampataba ng lupa at pananim.

Pesticides– ito naman ay kemikal na ginagamit para mapuksa ang mga bakterya, mga sakit ng halaman, mga insekto na maaaring dumapo sa mga pananim.

Herbicides– ang kemikal na ginagamit sa pananim para mapuksa ang mga mapinsalang damo.

Insecticides– ito ay ang kemikal na ginagamit para puksain ang mga insekto, mga suso na maaaring manira ng pananim.

Ang suffix na -CIDE kung mapapansin nyo ay nasa salitang pesticide, herbicide, insecticide na ang ibig sabihin ay KILLER/KILLING sa salitang ingles.

Pinsalang dulot sa kalusugan ng mga kemikal na nilalagay sa gulay at prutas

Ang mga kemikal na ito na ginagamit sa mga halaman ay nakakasama sa ating katawan. Isa raw ito sa sanhi ng iba’t-ibang uri ng cancer na dumadapo sa isang tao. Bukod sa cancer, dahilan din daw ito sa sakit sa baga, atay, at iba pa.

Paghuhugas ng prutas at gulay gamit ang baking soda at puting suka

Importante na tama ang paghuhugas sa mga kakaining gulay at prutas. Ito para maiwasan na pumasok ang mga kemikal na ginamit sa ating katawan. Ang mga kemikal na ito ay isa sa mga tinatawag na free radicals. Mga bagay na magdudulot ng pagkasira sa ating katawan.

Dalawang bagay ang pwedeng gamitin para mahugasan ng tama ang mga pagkain, ito ay ang baking soda o ang puting suka.

a. baking soda

Baking soda o sodium bicarbonate mga benepisyo nito sa kalusugan

b.white vinegar o puting suka

Ang mga benepisyo ng white vinegar o puting suka

Ang baking soda at puting suka ay may kapasidad na sirain o basagin ang tinatawag nilang ”pesticide molecules” na nasa prutas at gulay at iba pang dumi na dumapo sa pagkain. Ito ay isang kakayahan na hindi makukuha sa paghuhugas na gamit lamang ang tubig.

Paano gamitin ang baking soda at puting suka sa paghuhugas ng prutas at gulay

Paraan ng paggamit at paghugas

a. Hugasan ang mga prutas at gulay.

b. Gumamit ng isa sa 2: Baking soda o White vinegar. Sa isang planggana, sa bawat 1 litro ng tubig haluan ito ng 1 kutsaritang baking soda o 1 kutsarang white vinegar.

c. Ibabad dito ang prutas at gulay ng 5-10 minuto.

Pagbababad ng prutas at gulay sa baking soda o white vinegar o puting suka.

d. Pagkatapos ay banlawan ulit ito ng malinis na tubig.

Banlawan ulit ang nababad na prutas at gulay sa baking soda o white vinegar

Ang mga mga prutas kagaya ng pipino, lemon, mansanas, mga root crops kagaya ng carrots, beets ay maaaring hilurin o i-brush. Ito ay mainam na paraan para matanggal ang wax sa balat nito.

Ang fertilizers, pesticides, herbicides, insecticides, at wax ay ilan lang sa mga uri ng kemikal na ginagamit. Kung ang prutas o gulay ay para i-export sa ibang bansa, ito ay i-sprayhan pa ng kemikal para ito ay hindi agad mahinog. At marahil ay marami pang kemikal ang ilalagay para sa mga regulations ng mga bansang pagdadalhin ng mga pagkain. Kaya importante lamang na tayo ay maging maingat, dahil ang ating kalusugan ay ang ating kayamanan.

Para maiwasan na mag-oxidize ang mga pagkain, hugasan lamang ng suka o baking soda ang prutas o gulay na kakainin o lulutuhin sa loob ng tatlong araw.

Gusto mo bang panoorin ang video ng ”Tamang paghuhugas ng prutas at gulay”? Bisitahin lang ang vlog nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *