April 22, 2024
Benepisyo ng baking soda sa paggamit sa mga labahang damit

Paggamit ng baking soda at white vinegar sa mga labahan

Sharing is Caring

Ang paggamit ng baking soda at white vinegar sa labahan ay isang natural na paraan para makaiwas sa mga masasamang kemikal na mayroon sa mga sabon, chlorine at fabric conditioner. Halimbawa, ang SLS o Sodium Lauryl Sulfate ay ang kadalasang kemikal na nasa sabong panglaba. Ito ay isang masamang chemical na maaaring maging sanhi ng pangangati ng balat, cancer at iba pang sakit. Ang Benzyl Acetate naman ay ang isa sa mga sangkap sa mga fabric softener. Ito naman ay konektado sa pancreatic cancer. Ang pantanggal naman ng mantsa na Chlorine/Bleach ay delikado sa ating respiratory system at iba pang mga organs.

Sa panahon ngayon na kung saan ay pabata ng pabata ang mga namamatay sa mga sakit na kanser, tatanuning mo pa ba kung bakit ito nangyayari? Sa mga kemikal palang na ginagamit sa mga beauty products, kemikal sa mga pagkain, kemikal sa mga panglinis at panglaba, polusyon sa kapaligiran, hindi ka na magtataka kung bakit.

Baking soda o sodium bicarbonate mga benepisyo nito sa kalusugan
Ang paggamit ng white vinegar o puting suka sa labahan

Dalawa ang maaari nating gawin; ang tigilan ang paggamit ng mga bagay na ito o bawasan ang exposure ng ating katawan sa mga kemikal na ito. Ang paggamit ng baking soda at white vinegar o puting suka sa labahan ay isang paraang maaaring gawin.

Mga gamit at benepisyo ng baking soda at white vinegar sa labahan

Ang baking soda sa labahan ay may hatid na iba’t ibang gamit at benepisyo:

  1. Natural at ligtas gamitin lalong lalo na sa mga taong mayroong allergies o sensitibong balat at sa mga bata o sanggol na kung saan ay mahina pa ang kanilang resistensya.
  2. Pampatingkad ng kulay sa tela
  3. Pampabula ng sabon- ang baking soda ay may abilidad na lalong pabulain ang gamit na sabon. Sa paraang ito, konting sabon lang ang nakokonsumo.
  4. Pangtanggal ng amoy sa damit
  5. Natural na paraan sa pangtanggal ng mantsa
  6. Natural na Fabric Conditioner
  7. Pangbabad sa mga underwears. Minsan ang pangangati ng pribadong parte ng katawan ng babae ay dahil rin sa mga ginagamit sa paglalaba. Ang baking soda at white vinegar ay maaaring gamitin para makaiwas sa negatibong epekto ng mga kemikal na yan.
  8. Para sa mahilig mag ukay-ukay, mainam na gamitin ang baking soda at white vinegar na pangbabad at panglaba sa mga biniling damit. Ang dalawang ito ay may kakayahang puksain ang mga fungi o mikrobyo na namumugad sa damit.

Paano ang paggamit ng baking soda at white vinegar sa labahan

Baking soda at white vinegar sa labahan bilang sabon

Ang baking soda at white vinegar ay maaaring ihalo sa regular na sabong panlaba, kung talagang wala kang choice kundi ang gumamit ng regular na sabon.

Paraan ng paggamit ng baking soda at white vinegar:

HANDWASH

  1. Haluan ng isang kutsarang baking soda ang bawat 1 galon na tubig na gagamitin sa pagkusot ng labahan.
  2. Pagkatapos ng pagsasabon, para sa unang banlaw, lagyan ng 2-3 kutsarang white vinegar o puting suka ang kada 1 galon na tubig. Ibabad ito ng ilang minuto. Pagkatapos ay gawin ang regular na pagbabanlaw.

MACHINE WASH

Para naman sa regular na washing machine, lagyan ng 3-5 kutsarang baking soda kada load ng labahan sa washing machine. Sa unang banlaw, kung gagamit ng kamay, lagyan 2-3 white vinegar kada 1 galon ng tubig. Ibabad ng ilang minuto. Pagkatapos ay gawin ang regular na pagbabanlaw.

Ang sukang gamit sa unang banlaw ay para tanggalin ang residue ng mga chemical mula sa ginamit na sabon.

Paggamit ng purong baking soda at white vinegar:

Handwash at Machine wash

Handwash- 1-2 kutsarang baking soda at 1/4 tasang white vinegar sa bawat 1 litro ng tubig.

Ibabad dito ang damit ng kahit 1 oras at labhan

Machine wash- 1/4 na tasa ng baking baking soda at 1/2 tasa ng white vinegar per load sa washing machine. Paikutin ng 5 minutes ang washing machine at ibabad ng ilang minuto, pagkatapos ay regular washing.

Baking soda at white vinegar pampatingkad ng kulay

Para naman sa mga tela kagaya ng kurtina, kobre kama, table covers, seat covers na nananamlay ang kulay, gamitin ang baking soda at white vinegar sa paglalaba para muling tumingkad ang kulay ng mga tela.

Paraan ng paggamit

Paghaluin ang 1/4 tasa ng baking soda, 1/2 tasa ng white vinegar at 1 galon ng tubig. Ibabad dito ang mga tela ng ilang oras. Maaari ring haluan ng sabong panlaba. Pagkatapos ibabad, ito ay labhan.

Baking soda at white vinegar sa labahan para pantanggal ng mantsa

Paraan ng paggamit

  1. Paste-like consistency- gumawa ng paste-like consistency ng pinaghalong baking soda at white vinegar. Ito ang ipahid sa parte ng damit o tela na may mantsa.
  2. Liquid spray- Paghaluin ang 1 kutsarang baking soda, 1/4 tasa ng white vinegar at 1 tasang tubig. Ilagay sa spray bottle. Ispray ito sa parte ng damit na may mantsa.
Bottle sprayer gamit sa panglinis at DIY na panglinis

Paggamit ng Baking soda at white vinegar bilang fabric conditioner

Ang fabric conditioner o softener ay ginawa para ang damit ay mapalambot, mapabango, mapadali ang pamamalantsa, at para maiwasan ang static.

Ang baking soda at white vinegar ay maaaring gamitin para makamtan ang malambot na damit na wala yung waxy texture na nakukuha sa mga nabibiling fabric conditoner. Matuyo man ang damit sa araw o hindi, hindi ito mangangamoy kulob. Kung ang ´´bango´´ naman ang hanap, maaaring gumamit ng essential oil sa panghuling banlaw o gumawa ng homemade fabric softener.

Paano gamitin ang baking soda at suka bilang Fabric conditioner/Softener

Para sa huling banlaw, paghaluin ang 1 kutsarang baking soda, 3 kutsarang white vinegar, at 1 galon na tubig. Ibabad dito ang mga damit ng ilang minuto, pagkatapos kusuting bahagya, pigain at isampay. Ang isang kagandahan ng paggamit ng baking soda at puting suka kung ikukumpara mo sa commercial na produkto ay, ang iyong mga nilabhan na damit ay hindi mangangamoy kulob pag hindi naarawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *