April 22, 2024
Iba't ibang uri ng air freshener na maaaring gawin sa bahay gamit ang essential oil o fragrance oil

Paano gumawa ng sarili mong Air Freshener sa bahay

Sharing is Caring

Ang air freshener ay isa sa mga DIY products na aking ginagawa sa bahay. Merong kitchen air freshener, bedroom air freshener, toilet air freshener, living room air freshener. Gusto ko naiiba ang amoy ng parte ng bahay. Kung sa bathroom and toilet, dapat clean and fresh ang amoy. Kung sa living room, something inviting or welcoming. Relaxing and calming naman kung sa silid tulugan. Ilang taon na rin akong di bumibili ng produktong commercial mula noong natuto akong mag DIY ng mga produktong pampabango ng bahay.

Tipid na sa bulsa, minus pa ang mga toxic na kemikal kagaya ng formaldehyde, benzene at iba pa.

Marami kang mabibiling air freshener sa merkado, meron mahal at merong mura. Kahit ano pa man sa dalawa ang bibilhin mo, mura man o mahal, ito ay punong puno ng iba’t ibang uri ng chemical na hindi maganda sa kalusugan. Lalo na siguro yung air freshener na mumurahin. Kung mumurahin, siguradong sobrang toxic ng mga chemicals ang ginamit na sangkap diyan.

Iba’t ibang uri ng air freshener na maaaring gawin sa BAHAY

  1. Liquid air freshener– ang air freshener ay maaari mong gawin in liquid form.
  2. Solid o powder– ang air freshener ay maaari mong gawing solido o pulbos.
  3. Gel– ang air freshener ay maaari mo ring gawin sa pormang gel sa paggamit ng natural na sangkap kagaya ng gelatin o agar.

Paano gumawa ng GEL Air Freshener

Mga SANGKAP sa paggawa ng GEL Air freshener

  1. Gelatin- 2 leaves
  2. Water- 1 cup
  3. Asin- 1/4 teaspoon
  4. Preservative Phenoxyethanol- 0.5 gram
  5. Fragrance oil, orange- 1 gram
  6. Coloring

Paraan ng PAGGAWA ng GEL Air Freshener

1. Ihalo ang gelatin sa tubig para ma-rehydrate ito. Salain.

2. Lagyan ng asin at 1 cup na tubig at ihalo ang nasalang gelatin at ipainit.

3. Lagyan ng coloring, fragrance oil o essential oil at ang gagamiting preservative.

4. Ilagay ang DIY gel air freshener sa gagamiting lalagyan bago ito mamuo.

PH meter at strips na ginagamit sa pagkuha ng potential of hydrogen

Ang PH o potential of hydrogen ay hindi na kailangang i-adjust.

Panoorin ang Youtube VIDEO

Mga sangkap at paraan ng paggawa ng Toilet air Freshener

Pagdating naman sa air freshener kung gagamitin sa kubeta, gusto kong gumamit ng fragrance oil o essential oil na malapit sa amoy ng toothpaste, yun bang may minty scent kagaya ng peppermint, spearmint, lime, grapefruit, cubeba at iba pa.

Ang ginamit ko na sangkap ay ang essential oils na spearmint essential oil at lavender essential oil.

Ang mga sangkap sa paggawa ng toilet air freshener ay ang mga sumusunod;

  1. Boiled o distilled water- 40 ml
  2. Alcohol- 28 grams
  3. Polysorbate 20- 17 grams
  4. Essential oils- spearmint essential oil at lavender essential oil: 15 grams
  5. Preservative phenoxyethanol- 0.75 gram

Paraan ng paggawa ng Toilet air Freshener

1. Ihalo ang lavender essential oil at spearmint essential oil sa polysorbate 20. Siguraduhing ito ay fully mixed. Itabi.

2. Ihalo ang alcohol sa mixture ng polysorbate at essential oil.

Ano at saan ginagamit ang polysorbate a.k.a Tween

3. Haluing mabuti.

4. Sunod na ihalo dito ang tubig.

5. Lagyan ng preservative.

6. Haluin ulit mabuti at ilagay sa isang spray bottle.

Meron ka ng Toilet air Freshener 🙂

Mga essential oils o fragrance oils na bagay sa paggawa ng toilet freshener.
YOUTUBE Video Coming Soon

Citrus Scent na Air Freshener

Ang citrus scent ay isa sa kadalasan kong ginagamit kung gagawa ako ng air freshener. Malinis, energizing at refreshing kasi ito sa pang amoy at maaari mong gamitin sa buong bahay.

Mga SANGKAP sa Paggawa ng Citrus Scent air freshener

  1. Water- 40 grams
  2. Alcohol- 27.25 grams
  3. Polysorbate 20- 17 grams
  4. Essential oils- Lemon essential oil: 2 grams, Orange essential oil: 10 grams, Litsea cubeba essential oil: 3 grams
  5. Preservative phenoxyethanol- 0.75 grams

Paraan ng PAGGAWA ng Citrus Scent air freshener

1. Ihalo ang tatlong uri ng essential oils sa polysorbate 20. Haluing mabuti.

2. Ilagay ang alcohol at haluing mabuti.

3. Ilagay ang gagamiting tubig. Haluing muli.

4. Ilagay ang preservative na gagamitin at haluin.

Mga preservatives sa paggawa ng diy cosmetics, hair care products at skin care products.

5. Ilipat ang Citrus scent air freshener sa spray bottle.

6. Alugin.

Ready na ang Air Freshener na gawa sa BAHAY

air freshener na may citrus scent o amoy. Bagay sa ano mang parte ng bahay.
Youtube Video Coming Soon

Ang isa pang simpleng air freshener na maaaring i-DIY ay ang paggamit ng baking soda. Ang baking soda ay maraming gamit at benepisyo at isa nga dito ay ang pag absorb ng mabahong amoy.

Baking soda o sodium bicarbonate mga benepisyo nito sa kalusugan

Ilalagay mo lang ang baking soda sa isang garapon, lagyan ng essential oil o fragrance oil. Lagyan ng maliliit na butas ang takip nito. Meron ka ng air freshener sa pormang pulbos.

Maaari mo itong ilagay sa closet o cabinet, drawers, pang budbod sa trash bin o sa iba’t ibang sulok ng bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *