April 22, 2024
Mga preservatives sa paggawa ng diy cosmetics, hair care products at skin care products.

Preservative sa paggawa ng DIY hair and skin care products

Sharing is Caring

Ang preservative ay ang sangkap na ginagamit sa mga skin and hair care products at makeup para mapatagal ang shelf life nito. Ang mga produktong nabibili na ginagamit sa ating hair and skin, kadalasan ay dalawang klase ng preservatives ang ginagamit.

Noong nag uumpisa ako sa paggawa ng DIY skin and hair care products, hindi talaga ako gumagamit ng preservative. Ang kaisa isang ginagamit ko ay vitamin e dahil nga ito ay antioxidant. Bukod diyan, nilalagay ko ang mga produkto ko sa ref. Tumatagal naman sila pero parang a little bit over a month lang. Pagkatapos noon, itatapon ko na sila at gagawa na naman ng panibagong batch. Minsan nagkakaroon pa sila ng molds.

Cosmetic product na hindi ginamitan ng preservative.

Pero mahirap maging natural, kakailanganin mo talaga ng preservative sa mga produktong ginagawa sa bahay.

Maraming mga kontrobersiya sa mga preservatives na nakapaloob sa mga cosmetics at hair and skin care products. Ang parabens, formaldehyde, formaldehyde releasing preservative kagaya ng dmdm hydantoin, Urea ( diazolidinyl urea at imadizolidinyl urea ) at iba pang preservatives ay questionable ng mga consumers. Pero huwag ding malito sa tinatawag na HYDROXYETHYL UREA. Ito ay safe na uri ng urea na ginagamit na sangkap. Kaya kailangan mong mag research ng mga preservatives na gagamitin mo sa iyong mga DIY na produkto. Marami kang makukuhang impormasyon diyan, pero sa huli ikaw parin ang mag iisip kung ano ang papaniwalaan mo at hindi.

Iba’t ibang uri ng PRESERVATIVES

Maraming iba’t ibang uri ng preservatives ang ginagamit sa paggawa ng mga makeup, skin care at hair care products.

  1. Benzoic acid
  2. Benzyl alcohol
  3. Biogard 221
  4. Caprylyl glycol
  5. Geogard 221
  6. Geogard ect
  7. Glyceryl caprylate– ito ay isang uri ng emulsifying wax na may anti microbial activity kaya nakakatulong din itong i preserve ang ginagawang skin and hair care products.
  8. Leucidal liquid SF max
  9. Liguid germall plus
  10. Otiphen
  11. Phenoxyethanol
  12. Potassium sorbate
  13. Sodium benzoate
  14. Sorbic acid

Ilan lang yan sa mga preservatives na maaari ninyong pagpilian, depende pa yan sa kung anong bansa kayo naroon.

Paano pumili ng Preservative na gagamitin sa paggawa ng Cosmetics, hair & skin care products sa bahay

Kung pipili ng preservative na gagamitin, ano ba standards mo sa quality ng gagawin at gagamitin mong produkto? Diyan ka maguumpisa. Kaya research ang kailangan.

Importante rin na sa preservative na gagamitin mo ay broad spectrum preservative dapat ito. Ibig sabihin, ito dapat ay kaya ang gram + at gram – bacteria, fungi at yeast. Yan ang mga monsters na kadalasang mamumuo sa mga produkto.

Kailangan rin na yung PH ay ayon sa ginagawa mong produkto. Kung halimbawang ang PH ng gagawin glycolic acid lotion ay nasa pagitan ng ph 3.0- ph 4.0, dapat pumili ng preservative na gagamitin na nasa range ng produktong gagawin.

Paano gamitin ang Preservative sa paggawa ng cosmetics, hair & skin care products?

So, nakapili ka na ng preservative na broad spectrum at may ph range na ayon sa iyong produkto. Gagamitin mo ito para i-preserve ang iyong produkto.

  1. I calculate mo ang kakailanganin mo sa pagpreserve ng iyong produkto. Ang usage rate ay depende sa manufacturer.
  2. Ang preservative ay nilalagay sa huling step sa paggawa ng diy na produkto at pag nasa 40 degrees celsius and below na ang temperatura kung gumamit ng heat. Dahil ang preservative ay heat sensitive.
  3. Ang preservative ay maaaring ilagay bago o after makuha at ma-adjust ang PH ng produkto. Kung ang produkto ay mas mataas ang ph sa preservative mo, mas magandang i-adjust mo muna ito bago ilagay ang gagamiting preservative.

Paano maging safe ang kalusugan sa paggamit ng PRESERVATIVES

Ito ngayon ang benepisyo ng paggawa ng sarili mong cosmetics o skin & hair care products sa bahay. Mako control mo ang mga sangkap at chemicals na gagamitin mo sa iyong balat at buhok. Gumamit ka lang ng pinaka minimal sa usage rate. Sa experience ko ang 0.2% ng preservative sa 100g ng produkto ay tumatagal ng 1.2 year o minsan ay 1.5 year. Usually naman, sa isang patak ng preservative sa 10 grams na produkto ay maaaring tumagal ng 6 months.

I-imagine mo ngayon kung ilang gramo ng preservative ang meron sa isang produktong nabili mo na may shelf life na 3-5 years 🙂

Ganito ang rules ko sa paggamit ng preservatives

  1. Minimum usage pag leave on products. Ang mga leave on products ay mga toners, lotion, cream, moisturizer, serum, gel, leave on conditioner.
  2. Wash off products- pag yung mga panghugas naman kagaya ng handwash, conditioner, shampoo, face wash, foaming wash ay nagdadagdag ako ng + 3-5. Since nasa moist environment sila, mas at risk sila na macontaminate.

Pero kadalasan parin ay sa minimum usage rate parin ang gamit ko. Minsan ay below the minimum 😀 . Kasi yung 100g na lotion o mga wash off products ay hindi naman yun tatagal ng 1 taon. More or less 5-6 months ubos na.

Bukod sa paggamit ng preservative para tumagal ang shelf life ng produkto, importante rin na iwasan ang contamination ng mga DIY products mo mula sa mga mikrobyo. Makakatulong din sa shelf life kung sterile ang mga ginamit na kasangkapan sa paggawa ng mga diy na produkto. Gumamit ng distilled o pinakuluan tubig at gumamit ng mga containers na malinis o sterile.

Ispray-han mo lang ng 70% alcohol ang mga utensils at mga containers na gagamitin sa paggawa at mga lalagyan ng gagawing produkto.

Mga cosmetic preservatives na ginagamit ko

Anim ang ginagamit kong preservatives sa pag preserve ko ng mga produktong gamit sa hair & skin care products.

  1. Biogard 221– INCI Dehydroacetic acid, Benzyl alcohol
  2. Geogard 221– INCI Dehydroacetic acid, Benzyl alcohol
  3. Glyceryl caprylate– INCI Glyceryl caprylate
  4. Leucidal Liquid SF Max– INCI Lactobacillus ferment
  5. Phenoxyethanol– INCI Phenoxyethanol, Sorbic acid, Caprylyl glycol
  6. Potassium sorbate– INCI Potassium sorbate

Ano ang preservative na biogard 221

Ang biogard 221 ay kilala rin sa pangalang COSGARD. Kapareho lang nito ang preservative na geogard 221. Ito ay may ph na 2-7. Ang usage rate nito ay depende sa manufacturer, 0.2-1.1%, 0.8-1%.

Ano ang preservative na Geogard 221

Ang geogard 221 ay isang borad spectrum preservative ng cosmetic products. Ito ay may Ph 2-7. Ang usage rate nito ay depende sa manufacturer, kadalasan ito ay : 0.2-1%. Ang iba naman ay 0.5-1%.

Ano ang preservative na Leucidal liquid SF max

Ang leucidal liquid sf max ay broad spectrum preservative din. Ito ay may Ph 3-8. Ang usage rate 2.0-4.0%.

Ano ang preservative na Phenoxyethanol

Ang phenoxyethanol ay isa ring broad spectrum preservative pero sinabing mahina sa yeast at mold. Pero hindi ko pa naman na experience ang masiraan ng produkto gamit ang phenoxyethanol. Ito ay may ph na 3.0-10. Ang usage rate nito ay 0.25-1%. Meron ding 0.5-1%.

Ito ang kadalasan kong ginagamit sa mga household spray kagaya ng air freshener, toilet spray, linen spray, etc.

Linen spray na gawa sa fragrance oil at essential oil

Ano ang preservative na Potassium Sorbate

Ang ginagamit ko na potassium sorbate ay diluted na ( 20% , liquid). Ang pure na potassium sorbate ay in powder form. Ang potassium sorbate ay karaniwang ginagamit na preservative sa pagkain. Ito ay kadalasang ginagamit ko sa paggawa ng oral care products kagaya ng toothpaste at mouthwash. Ito ay may ph 4-6. Ang usage rate naman nito ay, 1.5 to 2%.

Pagdating sa usage rate, parating basahin ang label ng preservative na gagamitin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *