April 22, 2024
titanium dioxide na ginagamit sa paggawa ng cosmetics sa bahay

Paano gamitin ang TITANIUM DIOXIDE sa paggawa ng Cosmetics

Sharing is Caring

Maraming gamit ang titanium dioxide kung paguusapan ang cosmetics, mapa makeup man ito, hair care products o skin care products. Isa rin ito sa mga ginagamit sa paggawa ng mga sunblock o sunscreen na proteksyon sa ultraviolet radiation. Minsan makakakita ka pa ng sunblock na magkasama ang zinc oxide at titanium dioxide. Simple lang kung paano gamitin ang titanium dioxide sa paggawa ng cosmetics. Ihahalo ito sa mga oil based na sangkap. Kung dry product naman ang ginagawa, ihahalo lang ito sa iba pang powdered ingredients.

Bakit ginagamit ang TITANIUM DIOXIDE sa paggawa ng Cosmetics

Ang titanium dioxide ay isa ring pigment kaya ito ay ginagamit sa mga cosmetics. Ang function nito kaya ginagamit sa paggawa ng makeup ay dahil sa abilidad nito gawing opague ang isang produkto. Kaya halos lahat ng cosmetics na ginagamit sa mukha ay merong sangkap na titanium dioxide. May kakayahan itong itago o takpan ang mga discoloration sa balat ng ating mukha, mga pores na nakanganga 😀 at iba pang imperfections ng ating balat.

Makakatulong din ang titanium dioxide para mapatagal ang makeup sa mukha.

Kaya kung magbabasa ka ng mga ingredients ng mga cosmetics, makikita mo ang titanium dioxide o CI 77891

Mga Katangian at Paggamit ng Titanium Dioxide

INCI– titanium dioxide, CI 77891

Usage rate– 2-25%

Solubility– merong titanium dioxide na water soluble at oil soluble.

Color & Texture– puti at pino

Ginagamit sa– makeup, lipstick, sunscreen, lotion, shampoo, cream, sabon at marami pang iba.

Benepisyo– opacity, coverage, brightening

Protective measures sa paggamit– gumamit ng mask para hindi malanghap ang pulbos.

Storage– ilayo sa sinag ng araw at ilaw

Ano ang dapat gawin bago gamitin ang TITANIUM DIOXIDE

Kagaya ng iron oxides at iba pang pigments, bago gamitin at para mapadali ang paggawa ng cosmetics, kailangan mo munang ipino ito gamit ang mortar and pestle o coffee grinder. Mas mapapadali ang paghahalo o incorporation ng sangkap sa ibang sangkap.

Malalaman mo na ready na ang titanium dioxide pag wala ka ng makikitang puting gumuguhit guhit.

Mga DIY COSMETICS na maaaring gawing sa bahay gamit ang Titanium Dioxide

  1. Foundation
  2. Lipstick
  3. Eyeshadow
  4. Concealer
  5. Highlighter
  6. Bronzer
  7. Moisturizer o cream
  8. Shampoo

Ang isa pang dapat tandaan kung bibili nito ay ang klase ng titanium dioxide. Merong industrial grade at cosmetic grade. Laging basahing mabuti ang description ng binibiling produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *