April 22, 2024
Paggawa ng cream blush sa bahay gamit ang mga simpleng sangkap

Paano gumawa ng CREAM Blush sa Bahay

Sharing is Caring

Ang cream blush o blush cream ay maaari mo ring gawin sa bahay. Kakailanganin mo lang ng tamang sangkap, makakagawa ka na ng cream blush sa bahay. Ang mga sangkap na ginamit ko dito ay maaari mo ring i-adjust depende sa pangangailangan o gusto mo. Kung limited lang ang available na sangkap na maaari mong mabili, pwede paring gawan ng adjustment.

Mga sangkap sa paggawa ng CREAM BLUSH

Para sa Base sa paggawa ng CREAM BLUSH

  1. Carnauba wax– 2.5
  2. Beeswax– 4.0
  3. Cetyl alcohol– 1.5
  4. Jojoba oil– 20.5
  5. Rosehip oil– 16
  6. Zinc oxide– 0.5
  7. Magnesium Stearate– 4.5
  8. Vitamin e– 0.5
  9. Mica
  10. Red iron oxide

Paraan ng Paggawa ng CREAM BLUSH sa Bahay

1. Pagsama samahin ang mga wax na gagamitin, carnauba wax, beeswax, cetyl alcohol, jojoba oil, rosehip seed oil, zinc oxide at magnesium stearate. Ipainit ito hanggang sa matunaw ang mga wax at para mapaghalong mabuti ang ibang mga sangkap. Kailangang haluing mabuti lalong lalo na at merong sangkap na zinc oxide. Lagyan ng diin o pressure pag ito ay hinahalo.

2. Tanggalin sa init o apoy pag tunaw na ang waxes at fully incorporated na ang ibang sangkap lalo na ang zinc oxide.

Gawa na ang base ng cream blush mo!

Ngayon naman ay ang paglagay ng kulay dito. Ang ginawa ko sa video ay pumpkin color. Pero maaari kang gumawa ng color combination na gusto mo para sa iyong pisngi.

Para sa paggawa ng 5 grams na cream blush;

  1. Base– 4.8
  2. Red iron oxide– 0.06
  3. Mica yellow– 0.14

A. Paghaluin ang base ng cream blush at red iron oxide sa isang heat resistant bowl o kung anong meron ka. Ipainit ulit ito at siguraduhing matunaw o maihalong mabuti ang red iron oxide.

B. Pag tunaw na, tanggalin ito sa init.

C. Ilagay ang yellow mica. Haluin muling mabuti.

D. Lagyan ng 1-2 drops ng vitamin e.

E. Haluin muling mabuti.

F. Ilagay sa container.

Pumpkin color na cream blush gamit ang mica at red iron oxide

Maaari nyong dagdagan pa ng kulay kung sa tingin nyo ay kulang ito.

Ang mga Sangkap sa paggawa ng CREAM BLUSH sa Bahay

1. Wax- gumamit ako dito ng dalawang uri ng wax; beeswax at carnauba wax. Maaari kang gumamit lamang ng 1 nito at i-adjust ang concentration.

2. Emulsifying wax- gumamit ako dito ng CETYL ALCOHOL para sa quality. Para banayad pag ito ay ipapahid mo.

3. LANGIS o CARRIER OIL– gumamit ako ng dalawang uri ng langis sa paggawa ng blush. Sa pagpili ng langis na gagamitin, piliin ang langis na madaling ma-absorb ng balat kagaya ng jojoba oil. Gumamit rin ako ng rosehip oil kasi nourishing ito sa balat.

4. Zinc oxide- ang zinc oxide ay may dalawang purpose. Ito ay opacifier at proteksyon narin sa balat mula sa masamang epekto ng sobrang sinag ng araw o yung tinatawag na UV Rays.

5. Magnesium stearate- ang magnesium stearate naman ay bilang anti-caking na sangkap o yung pagbuo buo ng produkto. Ang isa pang benepisyo ng magnesium stearate ay para tumagal ang homemade cream blush sa balat.

6. Vitamin e- kailangan ang vitamin e sa paggawa ng produkto para maiwasan na mag oxidize ang produkto o para mapatagal ang shelf life nito. Ang ginamit kong vitamin e dito ay ang vitamin e na aking iniinom. Pero merong vitamin e na ginagamit para sa paggawa ng cosmetic

Maaari mo ring lagyan ng fragrance. Maaaring gumamit ng essential oil o fragrance oil. Kung gagamit ng essential oil, pumili ng essential oil na hindi phototoxic kagaya ng lemon, bergamot, lime at iba pang phototoxic na essential oils.

Importante rin na may tamang kasangkapan o gamit sa paggawa ng anumang cosmetic products. Ang weighing scale ay ang kasangkapan na ¨must have¨ dahil mahirap tantiyahin kung maliitang produkto lamang ang gagawin. Maganda rin na meron kang icing spatula, makakatulong ito sa paghahalo ng mga iron oxides, titanium dioxide, zinc oxides, ang mga sangkap na mahirap mahalo.

Maaari ring gumawa ng basic powdered blush on 🙂

DIY, homemade o gawa sa bahay na loose blush powder na nasa makeup brush
Panoorin ang VIDEO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *