April 22, 2024
Ang paggawa ng matte lipstick na DIY o gawa sa bahay gamit ang titanium dioxide, iron oxide at iba pang simpleng sangkap

Paano gumawa ng Matte Lipstick

Sharing is Caring

Maraming kababaihan ay gusto ang matte na lipstick. Yung walang kinang kagaya ng mga classic na lipstick. Ang paggawa ng matte lipstick ay parang paggawa ng basic na lipstick rin lang. Maraming paraan o sangkap ang paggawa ng matte lipstick. Pero dahil sa limited ang access natin sa mga sangkap, dito mo mapapakinabangan ang titanium dioxide at mga starches kung matte lipstick ang gusto mong gawin. Ang paggamit ng titanium dioxide at ng iba pang pulbos kung gagawa ng matte lipstick ay nasa concentration sa formula.

Paano gumawa ng Matte Lipstick sa Bahay

Mga sangkap sa paggawa ng matte lipstick

  1. Lipstick base- 5.03g
  2. Magnesium stearate- 0.3g
  3. Titanium dioxide- 0.48
  4. Red iron oxide- 0.30g
  5. Dark brown iron oxide- 0.03g
  6. Vitamin e- 1 drop

Paraan ng paggawa ng matte lipstick

1. Paghaluin ang titanium dioxide, red iron oxide at dark brown iron oxide. I grind ito gamit ang mortar and pestle o coffee grinder.

2. Kapag ang titanium dioxide at iron oxides ay tapos ng magrind at siguradong walang buo buong particles, ihalo na ito sa magnesium stearate at lipstick base.

3. Ilagay ito sa DIY double boiler. Antaying matunaw. Haluin din at lagyan ng diin o pressure ang paghalo para siguradong walang streak o guhit guhit ng titanium dioxide o iron oxides.

4. Pag tunaw na ang mga sangkap, hanguin ito sa apoy.

5. Pababain ang temperatura sa 40 degrees celsius at ilagay ang 1-2 drops ng vitamin e. Haluin ulit mabuti.

6. Ilagay ang nagawang matte lipstick sa lipstick tube o lipbalm tube.

7. Para mas mapadali ang pagtigas ng matte lipstick na ginawa, ilagay ito sa fridge. In less than 5 minutes ay matigas na ito.

Meron ka ng simpleng Matte lipstick na gawa sa Bahay!

Ang paggawa ng matte lipstick na DIY o gawa sa bahay gamit ang titanium dioxide, iron oxide at iba pang simpleng sangkap
Panoorin ang VIDEO

Ang mga sangkap sa paggawa ng Matte Lipstick sa bahay

1. Lipstick base– ang lipstick base ay ang pundasyon ng gagawin mong lipstick. Ang ginamit ko ditong base ay ang base na ginamit ko sa paggawa ng lipstick na basic o regular na paraan. Maaari mong i-adjust ang base. Pwede kang gumawa ng base gamit ang langis na meron ka. Pagdating naman sa mga wax, maaari ring gumamit ng wax na meron ka.

2. Magnesium stearate– importante rin ang paggamit ng magnesium stearate sa paggawa ng hindi lang sa lipstick pero sa paggawa ng makeup in general. Ito ay para maiwasan na maging cakey ang produktong ginagawa. Pero maaari ka ring gumamit ng alternatibo kung walang makitang magnesium stearate.

3. Titanium dioxide– ang titanium dioxide ay ang sangkap na nagbigay ng matte finnish sa produkto kaya hindi ito pwedeng mawala sa formula. Maaari rin kayong magdagdag ng zinc oxide o gamitin itong alternatibo para gawing matte ang lipstick na gagawin sa bahay.

4. Iron oxide– ang iron oxides ay ginagamit para magbigay ng kulay sa ginagawang colored makeup. Kung papansinin hindi ako gumamit ng mica sa paggawa ng basic na matte lipstick. Ang mica ay may shimmer. Pero kung wala kayong iron oxides, maaari ninyong gamitin ang mica pero kailangan mo itong gilingin para mawala ang shimmer.

Iron oxides na ginagamit sa paggawa ng makeup

Iba't ibang uri ng colored mica na ginagamit sa paggawa ng makeup

5. Vitamin e– ang vitamin e ay para maiwasan ang pagkasira ng produkto o para tumagal ang shelf life.

Ang mga benepisyo ng vitamin e sa kutis, buhok, at kuko

Kung gusto ninyong gumawa ng adjustment, kagaya ng mas makulay pa, mas matte pa, huwag na muna ninyong ilagay ang vitamin e. I test muna ang ginagawang produkto. Idagdag lamang ang sangkap na gusto ninyong dagdagan at pagkatapos ay ipainit muli. Pag kontento na kayo sa kinalabasan ng produkto tsaka ninyo ilagay ang anti oxidant na vitamin e.

Maaari ring kayong gumamit o lagyan ng fragrance oil o essential oil siguraduhin lamang na OK ito sa labi.

Gumamit lamang ng 1-2patak.

Kung mapapansin ninyo sa aking video demonstration ng paggawa ng matte lipstick ay maraming bula. KOREK, madami nga kasi hindi ko ito tinakpan. Yun ay ang tubig na galing sa steam. Para maiwasan ang contamination ng tubig sa ginagawang produkto, takpan ito habang tinutunaw ang base o gumamit ng mas mataas na kasangkapan sa pagtunaw. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *