April 22, 2024
Kojic acid powder na ginagamit sa paggawa ng skin care products sa bahay

Ano ang Kojic Acid at paano ito gamitin sa paggawa ng Skin Care Products sa Bahay

Sharing is Caring

Ang kojic acid ay isa sa mga produktong sikat sa Pilipinas kung pagpapaputi ng kutis ang pag-uusapan. Common mong makikita sa supermarket o sa pharmacy ang sabon na gawa sa kojic acid. At sa pagdaan ng panahon, hindi lang ang sabon ang may kojic acid. Meron ng iba’t ibang uri ng produkto kagaya ng toner, facial moisturizer, lotion at iba pang uri ng mga skin care products. Sa mga DIY’ers, ang kojic acid na sangkap ay maaari na ring mabili. Ito ay abot kaya rin, dahil ang 5g ay kulang kulang 200php lang.

Ang kojic acid ay produktong nagmula sa Japan. Ayon sa healthline, ang kojic acid ay gawa sa iba’t ibang uri ng fungi. By product din ito mula sa mga fermentation ng mga pagkain. At ito ay maraming benepisyo sa balat.

Benepisyo ng Kojic Acid sa Balat o Kutis

  1. Ang kojic acid ay nagpapaputi ng kutis. Pinipigilan daw ng kojic acid ang formation ng melanin sa balat.
  2. Ang kojic acid ay may antioxidant properties. Dahil sa antioxidant properties nito, napapakinis nito ang balat o kutis. Banayad nitong tinatanggal ang old skin para lumabas ang panibagong balat.
  3. Ang isa pang benepisyo ng kojic acid ay hindi ito photosensitive kagaya ng ibang sangkap na AHA ( glycolic acid, citric acid, lactic acid at iba pa. ) at BHA ( salicylic acid ). Pero meron ding nagsasabi na kung matagal mo ng ginagamit ang sabon na may kojic acid, overtime magiging sensitive daw sa sunlight o sinag ng araw ang iyong balat.

Mga DIY Skin care products na maaaring gawin gamit ang Kojic Acid

Ang mga skin care products na maaaring gawin sa bahay gamit ang kojic acid ay ang mga sumusunod;

  1. Sabon– maaari kang gumamit ng castile soap, surfactant, sodium hydroxide o potassium hydroxide.
  2. Face moisturizer o cream
  3. Body lotion o cream
  4. Facial serum
  5. Facial toner

Gabay sa paggamit ng Kojic Acid

INCI– Kojic acid

Usage rate– depende sa manufacturer. 0.5%-2%, 0.5%-5%, 1%-3%

Solubility– water soluble

Color & Texture– offwhite

Ginagamit sa– cream, lotion, serum, toner, soap o sabon

Benepisyo– antioxidant, anti aging, pampaputi ng kutis.

Protective measures sa paggamit– mask

Storage– ilayo sa sinag ng araw o ilaw.

Paano gumawa ng sabon na may Kojic Acid gamit ang castile soap

Ang castile soap ay user friendly sa mga baguhan sa paggawa ng mga skin care products sa bahay. Mapapadali ang paggawa mo ng DIY Kojic Acid soap kung castile soap ang gagamitin mo.

Gawa tayo ng 100g na sabon na may kojic acid 🙂

MGA SANGKAP SA PAGGAWA NG KOJIC ACID SOAP

  1. Kojic acid powder- 5g
  2. Water (Distilled o boiled )- 5g
  3. Castile soap bar- 79.5g
  4. Extra virgin olive oil- 10g
  5. Fragrance oil

PARAAN NG PAGGAWA NG KOJIC ACID SOAP

  1. Ihalo ang kojic acid sa tubig. Haluin itong mabuti.
  2. Ipainit ng hindi lalampas sa 40 degrees centigrade.
  3. Sa isang pang lalagyan, paghaluin ang castile soap bar at extra virgin olive oil. Ipainit ito hanggang sa matunaw.
  4. Ihalo ang diluted na kojic acid powder sa tinunaw na sabon.
  5. Haluing mabuti.
  6. Ilagay ang fragrance oil na gusto.
  7. Ilagay sa mold at itabi ng ilang oras.
  8. Kung mabula ito, maaaring isprayhan ng alcohol para matanggal ang bula.

Meron ka ng Kojic Acid soap 🙂

Kojic acid soap bar na gawa sa castile soap at kojic acid powder na maaaring gawin sa bahay o DIY.
Panoorin ang VIDEO

Paano gumawa ng Kojic acid body Lotion

Kung body lotion naman ang gustong gawin, maaari mo rin itong gawin. Dagdagan natin ng Ascorbyl palmitate o ang synthetic esther ng Vitamin C para lalong epektibo ang produkto sa pagpapaputi ng balat.

MGA SANGKAP SA PAGGAWA NG KOJIC ACID BODY LOTION

  1. Water- 28g
  2. Allantoin- 1g
  3. Kojic acid powder- 5g
  4. Aloe vera gel- 27.2g
  5. Vegetable glycerin- 5.3g
  6. Macadamia nut oil- 15g
  7. Ascorbyl palmitate- 1.5g
  8. Cocoa butter- 10g
  9. Emulsifying wax– 2.5g
  10. Cetearyl alcohol- 2g
  11. Vitamin e- 1g
  12. Essential oil o fragrance oil- 1g
  13. Preservative- 0.5g

PARAAN NG PAGGAWA NG KOJIC ACID BODY LOTION

  1. Pagsamahin ang tubig, allantoin, kojic acid powder, glycerin at aloe vera gel sa isang heat resistant na bowl. Ipainit ito ng hindi lalagpas ng 40 degrees centigrade.
  2. Sumukat ng macadamia nut oil. Gagamitin mo ito sa pag grind o paggiling sa ascorbyl palmitate. Gumamit ng mortar and pestle.
  3. Pag nagiling na ang ascorbyl palmitate, ihalo ito sa natitirang langis. Ihalo narin dito ang cocoa butter, emulsifying wax at ang cetearyl alcohol.
  4. Ipainit ito hanggang sa matunaw ang wax at cocoa butter.
  5. Tanggalin sa init.
  6. Pababain ang temperatura ng wax at oil ingredients.
  7. Ihalo ang iyong water at powder ingredients at i-emulsify gamit ang immersion blender.
  8. Ilagay ang vitamin e, fragrance oil o essential oil na gagamitin at lagyan ng preservative.
  9. Muli itong i blend.
  10. I-adjust ang ph o potential of hydrogen ng DIY kojic acid body lotion.

Maaari mong ihiwalay ang pagpapainit ng kojic acid powder at allantoin. Halimbawa, hatiin ang tubig. Kalahati ay para sa pagtunaw ng kojic acid powder at ang kalahati nito ay sa pagtunaw ng allantoin kasama ng glycerin at aloe vera gel. Paabutin sa 75 degrees centigrade ang water ingredients na may allantoin at ang wax at oil ingredients. Ito muna ang i-emulsify. Pag nasa 40 degrees centigrade na ito, ihalo ang natunaw na kojic acid powder.

Meron ka ng Kojic Acid Body Lotion

Panoorin ang VIDEO

Paano gumawa ng Facial TONER na may KOJIC ACID

MGA SANGKAP SA PAGGAWA NG KOJIC ACID TONER

  1. Water- 50g
  2. Kojic acid powder- 2g
  3. Allantoin-0.5g
  4. Aloe vera leaf extract- 21.6g
  5. Phytic acid a.k.a Sodium phytate- 0.3g
  6. Vegetable glycerin- 20g
  7. Propylene glycol- 5g
  8. Essential oil o fragrance oil

PARAAN NG PAGGAWA NG KOJIC ACID TONER

  1. Paghaluin ang tubig, allantoin at kojic acid powder. Ipainit ito ng hindi lalagpas sa 40 degrees centigrade.
  2. Sa isang lalagyan, ilagay ang aloe vera leaf juice extract, phytic acid o sodium phytate. Haluin.
  3. Paghaluin ang pinainit na sangkap at pinaghalong aloe leaf juice extract at phytic acid. Haluin.
  4. Ihalo ang vegetable glycerin.
  5. Ihalo ang propylene glycol. Haluin.
  6. Lagyan ng essential oil o fragrance oil. Ang ginamit ko sa video ay Frankincense essential oil.
  7. Isunod na ilagay ang preservative.
  8. I-adjust ang ph ng DIY Kojic acid toner.
  9. Ilagay sa bote.

Meron ka ng KOJIC ACID TONER 🙂

Kojic acid toner na pampaputi ng kutis at anti aging maaaring gawin sa bahay.
Panoorin ang VIDEO

Mga dapat tandaan sa paggamit ng Kojic acid powder sa paggawa ng skin care products sa bahay

  1. Unstable– ang kojic acid ay unstable. Ibig sabihin, madali itong mag oxidize kaya kakailanganin mo ng chelating agent na phytic acid o sodium phytate kagaya ng ginamit ko sa paggawa ng kojic acid toner. Kung ang produktong ginawa mo sa bahay ay nagkulay dilaw, amber o brown, ibig sabihin ito ay nag oxidize. Kung gusto mo ng mas stable na sangkap, ang kojic acid dipalmitate ay ang uri ng kojic acid na hindi sensitibo sa init o sinag ng ilaw.
  2. Heat– Ang kojic acid ay water soluble. Pero para matunaw kailangan mong ipainit ng konti. kung mapapansin ninyo sa pagpapainit ng kojic acid powder, ito ay hindi dapat lalagpas sa 40 degrees centigrade. Kung ito ay lumagpas sa nasabing temperatura, ito ay mag-o-oxidize.
  3. Small batches– kung gagawa ng sarili mong skin care products gamit ang kojic acid, gumawa lamang ng small batch o konti lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *