April 22, 2024
Mga gamit at sangkap sa paggawa ng DIY cosmetic products sa bahay.

Mga gamit at sangkap sa paggawa ng cosmetic products

Sharing is Caring

Sa pag-uumpisa ng paggawa ng sariling cosmetic products kagaya ng lotion, moisturizers, make-up, face o body wash, hair mask, at iba pang produkto, maraming bagay ang dapat gawin at intindihin o kailangang matutunan. At sa paggawa ng cosmetics, kailangan mo ng mga gamit at mga sangkap.

Mga kasangkapan sa paggawa ng sariling cosmetic products

Ang mga tools o kasangkapan ay naka depende sa iyong mga gagawing ¨DIY¨, kung saan ka magfo-focus, sa creams, dry products o kung ano pa man.

1.Precision digital scale– importante ang timbangan sa paggawa ng produkto dahil magbibigay ng accurate na timbang sa mga gagamiting sangkap. Matitimbang mo rin ang sukat ng ingredients na kung saan ay kailangan mo lang ng kulang sa isang gramo.

Sa paggamit ng precision scale, makakagawa ka ng small amount lamang at hindi bultuhan.

Mag kakaroon din ng accuracy ang kalalabasan ng produkto kung gagamit tayo ng by ¨weight¨ at hindi by ¨volume¨.

Precision digital scale gamit sa pagkuha ng timbang ng sangkap na gagamitin sa pag formulate ng hair and skin care products.

2.Mga gamit sa pag-e-emulsify– maraming maaaring gamitin sa pag-emulsify; whisk, blender, hand mixer, frother. Advisable and immersion blender sa paggawa ng lotion, creams. Kung maliitan lang naman, kagaya ng serum, maaaring gumamit ng frother.

Maaari ring gumamit ng regular na blender.

Whisk na gamit sa paghalo ng mga sangkap sa paggawa ng
Frother na maaaring gamitin sa pagemulsify ng mga creams at serum.
Immersion blender na gamit sa pag emulsify ng mga cream, lotion, moisturizer at iba pang DIY cosmetic products.

3. Stirring rods– maganda ring gumamit ng glass stirring rods pero hindi naman necessary na meron. Ako ay nag umpisa sa paggamit ng chopstick 😉 at pagkalipas ng maraming taon, gamit ko parin sila.

Mga panghalo na gamit sa paggawa ng hair and skin care products.

4. Mortar & pestle– magagamit mo ito sa pagdikdik ng mga herbal na gagamitin sa infusion at extraction. Kailangan mo rin ito kung gagawa ng mga make up at lipstick, makakatulong ito sa paghalo ng mga minerals. Kung may budget, bumili ng coffee grinder.

Mortar and pestle ang isang bagay na kailangan sa pagpupulbos.
Coffee grinder na gamit sa pag pulbos ng mga herbal at iba pang sangkap.

5. Maliliit na baso, tasa, o saucer– magagamit itong lagayan ng mga ingredients. At kung matibay ito sa init maaari ring gamitin sa pagtunaw at pagpapainit ng mga sangkap sa hot water bath. Kung nakakaluwag luwag, maganda at mas convenient ang beaker, at dahil meron narin itong spout, madalian at maayos ang pagbubuhos ng mga likidong sangkap.

Paggamit ng beaker sa mga DIY hair and skin care.

Pwede rin na gumamit ng mga ceramic na measuring cup, matibay ito sa init at friction.

Measuring cup para sa hot water bath, measuring at blending.

6. Spatula– mas mapapadali ang paggawa pag meron kang spatula. Mako- consider nating ito ay ¨must have¨ tool.

Spatula na gamit sa paggawa ng cosmetics.

7. Bottles & jars– mga sisidlan para sa extracts at oil infused oils, serum, perfume, cologne at iba pa. Magandang gamitin ang amber bottles o yung de color na bote. Ang kulay ng bote ay nakakatulong na protektahan ang laman mula sa sinag ng ilaw. Makakatulong ito na mapanatili ang integrity ng produkto.

Bottles and jars na sisidlan ng mga sangkap.

8. Cosmetic jars & containers– pag gagawa ng mga make up, magandang bumili ng mga jars na angkop sa produkto. Kagaya ng containers ng powder, lip balm.

9. Thermometer– para sa tamang temperatura kung saan ilalagay ang mga sangkap kagaya ng preservative, active ingredients na heat sensitive, extracts, etc.

Ang mga heat sensitive na ingredients kagaya ng mga vitamins, AHAs, BHAs, Extracts, Essential oils, perservatives ay kailangang ilagay kung nasa below 40 degrees centigrade na ang mixture.

10.PH meter– ito ay para makita ang PH ng nagawang produkto at mai-adjust sa ideal o tamang ph level. Dahil importante ang potential of hydrogen ng produkto sa kalusugan ng ating buhok at balat.

Ph strips gamit sa paggawa ng cosmetics.

11. Kaldero– para ito sa hot water bath na gagamitin sa pagpapainit at pagtunaw ng mga sangkap.

Improvised hot water bath na gamit sa pagtunay ng mga sangkap o ingredients sa paggawa ng DIY cosmetic products.

12. Notebook at ballpen o lapis– ang papel at pen ay importante sa formulation ng DIY cosmetic products. Dito ka magsusulat ng mga ingredients na gagawin mong produkto. Isulat lahat ng information, kagaya ng sukat at kung anong klaseng sangkap ang ginamit.

Mga sangkap sa paggawa ng cosmetic products

Para naman sa mga sangkap o ingredients na gagamitin, depende ito sa cosmetic na gagawin mo. Pero gawin lang simple ang pag-iipon ng mga sangkap. Isa yan sa pagkakamali ko noon, sa sobrang excitement, bumili ako ng napakaraming sangkap. At wala pa akong ideya kung paano ito gagamitin. Kaya RELAX lang!

Bilang advice, i-plano ang gagawing cosmetic products at magfocus muna sa isang produkto. Kung gagawa ng lipstick, lipstick lang muna. Kung creams naman, creams lang muna. Pag aralan ang mga sangkap na gagamitin para mas mapadali ang pag fo-formulate.

Mga sangkap o ingredients na gamit sa paggawa ng hair and skin care products.

Distilled water

Ang tubig ay kailangan sa paggawa ng mga cream, moisturizers, lotion, face washes at iba pa. Siguraduhin na ang gagamiting tubig ay distilled. Pero kung wala, magpakulo ng tubig. Pakuluan ang tubig, from boiling point pabayaan itong kumulo ng at least 5 minutes. Ang point ng pagpapakulo ng tubig ay para matanggal ang mga mineral na nakapaloob ito.

Hydrosols

Ang hydrosols o floral waters ay maganda ring gamitin sa mga DIY cosmetic. Nakakatulong ito sa quality ng produkto dahil sa mga benepisyo nito sa buhok at balat.

Halimbawa nito ay rose water o rose hydrosol.

Alcohol

Maraming iba’t ibang uri ng alcohol na ginagamit sa paggawa ng DIY cosmetics. Kung gagawa ng perfume, gumamit ng alcohol na akma sa paggawa ng perfume.

Gumagamit rin ng alcohol sa paggawa ng herbal extracts o tincture.

Ang IPA o Isopropyl Alcohol naman ay gamitin sa pagdisinfect ng mga kasangkapan na gagamitin sa paggawa ng hair and skin care products. Ito ay para mapaniguradong hindi makontamina ng mga mikrobyo ang gagawing produkto.

Essential oils

Bukod sa paggamit ng essential oils sa aromatherapy, ito ay magagamit mo ring sangkap sa paggawa ng iba’t ibang uri ng perfume. Ginagamit din itong natural na sangkap na pampabango ng mga lotion, creams, moisturizer, make up, lip balm at iba pang mga produkto.

Kung gusto mong maging natural ang loob ng bahay mo, magagamit mo rin ito sa paggawa ng linen spray, room spray at iba pa.

Essential oils at iba' ibang gamit dito

Carrier oils at Butters

All around ang mga langis, mula ulo hanggang paa ay gagamitin mo ito. Ultimo sa paggawa ng mga makeup at lipstick, kailangan mo ito. Pumili ng carrier oil na hiyang sa iyong balat. Pagaralan ang mga benepisyo nito.

Ibat ibang uri ng carrier oils at benepisyo at gamit nito.

Fragrance oil

Ang fragrance oil ay hindi pareho ng essential oil dahil ito ay synthetic. Pero minsan kailangan gumamit nito lalong lalo na kung hindi ka makabili ng essential oil na kailangan mo o walang essential oil na mabili sa partikular na amoy na gusto mo.

Ibat ibang uri ng Fragrance oil na ginagamit sa paggawa ng cosmetics o pabango

Praktikal din ang paggamit nito lalong lalo na kung gagawa ng mga poopourri spray, toilet spray.

WAX

Ang mga wax kagaya ng beeswax, carnauba wax, candelilla wax at iba pa ay ginagamit para gawing solid ang mga likido. Ang dami ng paggamit ay nakadepende sa consistency na nais mo sa isang produkto. Ginagamit ito sa paggawa ng lipstick, balm o salve, pwede rin ointment.

Mga iba't ibang uri ng wax o waxes na ginagamit sa paggawa ng herbal, skin at hair care products.

Minsan ay ginagamit ko rin ito kasama ng emulsifying wax sa pag e-emulsify ng mga lotion at creams.

Emulsifying wax at iba pang emulsifiers

Merong mga iba’t ibang uri ng emulsifying wax na ginagamit, merong complete emulsifying wax at merong tinatawag na co-emulsifier. Ginagamit ito para palaputin ang mga sangkap at paghaluin ang tubig at langis.

Spices & Herbs

Ang mga spices & herbs ay isa rin sa mga importanteng sangkap sa paggawa ng hair and skin care products. Bukod sa maraming hatid na benepisyo sa ating kalusugan, marami ring benepisyong hatid sa ating balat at buhok.

Tutunang mag patuyo, mag infuse at gumawa ng extract o tincture ng spices & herbs. Gamitin itong sangkap sa formulation ng DIY cosmetic products.

Active ingredients at iba pang cosmetic ingredients

Ang mga active ingredients ay ang mga ingredients na ginagamit sa cosmetic formulation. Mga ingredients na vitamins, collagen, BHAs, AHAs, glycolic acid, lactic acid, vitamin c, vitamin e, niacinamide at marami pang iba. Depende sa anong uri ng DIY na produkto ang gustong gawin.

Surfactant

Kung gagawa ng mga body wash, facial wash, shampoo, kakailanganin mo ang sangkap na ito. Nilalagay din ito sa mga leave on products pero konting rate lang.

Minerals

Ang minerals naman ay ang mga zinc oxide, mica, titanium dioxide, magnesium stearate at iba pa. Mga sangkap na kadalasan ay ginagamit sa paggawa ng makeup.

COLOR

Mga pangkulay na gagamitin sa lotion, sabon, lipstick, make up.

Clay

Ang mga clay ay hindi lang para sa mga facial mask, magagamit mo rin itong filler ng mga make up at skin and hair care products.

Ang halimbawa ng mga clay na ginagamit sa buhok at balat ay ang kaolin clay, french clay, bentonite clay, rasul clay at marami pang iba.

Preservatives

Kailangan ng produkto mo ng preservative lalong lalo na kung ito ay may water content. Kung hindi mo gagamitan ng preseravative ang mga produkto, hindi tatagal ang shelf life nito.

Personal protective equipments

Ideally, ang PPE (Personal protective equipments) sa paggawa ng cosmetics ay gloves, goggles, face mask, hair net at lab gown. Pero sa paggawa ng ating personal na gamit, gloves, face mask, goggles ay OK na.

GLOVES– para maprotektahan natin ang ating balat kung hahawak tayo ng mga kemikal kagaya ng mga surfactants, lye, potassium hydroxide. Mga kemikal na maaaring makapinsala sa balat.

Face mask– para hindi natin malanghap ang mga powdered ingredients kagaya ng mga mineral, clays, etc.

Goggles– para maprotektahan ang mata mula sa talsik ng mga ingredients mula sa paghahalo.

Kung meron ka ng gamit at mga kasangkapan, pwede ka ng magumpisang magformulate ng mga produktong gagamitin mo sa iyong katawan at buhok. Bumili lang ng mga ingredients na kakailanganin talaga. Maganda kung mag set ng focus kung ano ang produktong gagawin at ito ang pagtuunan ng pansin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *