April 22, 2024
Isopropyl myristate na ginagamit sa paggawa ng cosmetic products

Ano at saan ginagamit ang Isopropyl Myristate

Sharing is Caring

Nauna kong nabasa ang isopropyl myristate noong unang labas ng body butter at talaga namang naging sikat ito na skin care product. Inisip ko noon, ang galing naman ng produktong ito, langis at wax ang mga sangkap pero hindi naman oily sa balat. At nung nagaral nga ako ng paggawa ng mga cosmetics, doon ko naintindihan ang sangkap na ito.

Ano ang Isopropyl Myristate

Ang Isopropyl myristate ay gawa sa isopropanol o mas kilala natin sa tawag na rubbing alcohol at myristic acid. Paghahaluin ang dalawang sangkap at gagamitan ng titanium dioxide para magkaroon ng chemical reaction o yung tinatawag sa chemistry na ¨esterification¨. Pagkatapos ng esterification process, magkakaroon ng dealcoholization at pagtanggal ng ginamit na catalyzer sa produkto at ang matitira nalang ay ang produktong nagawa mula sa 2 sangkap na isopropanol at myristic acid. At yan nga ay ang isopropyl myristate, isang synthetic oil.

Saan ginagamit ang Isopropyl Myristate

Ang isopropyl myristate ay ginagamit sa;

  1. Cosmetic– hair care products, skin care products, make-up at lipstick.
  2. Medisina– ginagamit sa paggawa ng mga gamot na pinapahid sa balat.

Benepisyo ng Isopropyl myristate sa Balat at Buhok

1.Emollient, hydrator at moisturizer– nakakatulong ito na palambutin ang balat at buhok at pinapanatiling hydrated at moisturized.

2. Penetration enhancing agent– ginagamit ito sa cosmetics at sa paggawa ng mga gamot dahil sa abilidad nitong i-penetrate ang skin barrier. Sa paraang yan, mas maaabsorb ng balat at magiging epektibo ang isang sangkap na ginamit sa produkto.

3. Texture enhancer- nakakatulong ito sa pagpapaganda ng texture ng isang produkto. Halimbawa ay sa paggawa ng body butter o oil-based products. Karamihan sa langis o butters ay malagkit at mahirap maabsorb ng balat. Kung lalagyan ng isopropyl myristate, mababawasan nito ang oily texture ng produkto.

Paggawa ng butter buter sa bahay gamit ang iba't ibang uri ng langis, emulsifying wax, isopropyl myristate at iba pang sangkap.
Maaaring panoorin ang paggawa ng body butter na may sangkap ng isopropyl myristate

Side effect sa paggamit ng Isopropyl Myristate

  1. Irritant– ito ay irritant sa may sensitive skin. Kaya kung meron kang sensitive skin, huwag gumamit ng cosmetic na may sangkap na isopropyl myristate. Isang mainam na gawain ay magsagawa ng patch test para malaman kung sensitive ka sa produktong may sangkap na isopropyl myristate.
  2. Comedogenic– ito ay comedogenic din kaya ito ay hindi ko ginagamit sa produktong ginagamit ko sa mukha. Kung gagawa ako ng oil based face serum o cream, ang coco caprylate ang ginagamit kong alternatibo. Pero ang isopropyl myristate ang madalas kong ginagamit sa paggawa ko ng body butter since less sensitive naman ang balat ng ating katawan kung ikukumpara sa balat ng mukha.
  3. Phototoxic– kung gagamitin ito sa paggawa ng skin care products para sa mukha, siguraduhin na ang produkto ay ipapahid lamang sa gabi at iwasan na ma expose sa sinag ng araw at gumamit ng sunblock o sunscreen.

Gabay sa Paggamit ng Isopropyl Myristate

INCI– Isopropyl myristate

Usage rate– depende sa manufacturer, usually 1-25 %

Solubility– oil

Color & texture- colorless liquid

Ginagamit sa– hair and skin care products, makeup at lipstick.

Benepisyo– emollient, hydrating, moisturizing, penetration enhancing agent at texture enhancer.

Protective measures sa paggamit– gloves, patch o skin test.

Storage– takpang mabuti at ilayo sa sinag at sikat ng araw.

Paano gamitin ang Isopropyl Myristate

Simple lang ang paggamit ng isopropyl myristate kung isasama ito sa iyong formulation ng isang produkto. Ihahalo mo lang ito sa iba pang oil ingredients. Pwede ito sa hot process dahil hindi ito heat sensitive.

Kung cold process naman ang gagawing produkto sa bahay ay pwede rin dahil ito ay in liquid form. Halimbawa, kung gagawa ng cold processed ( no heat ) na serum o body butter, maaari na itong isabay sa ibang sangkap na kasama sa paggawa ng produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *