April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng zinc oxide sa paggawa ng cosmetic products

Ano ang zinc oxide at saan ginagamit ito

Sharing is Caring

Kung nagbabasa ka ng label ng mga ginagamit mong cosmetics o nagkaroon ka na ng baby, maaaring nabasa mo na ang zinc oxide. Ito ang main ingredient na ginagamit sa mga diaper rash cream o calamine lotion. Dahil ang zinc oxide ay nagbibigay ng barrier bilang proteksyon sa balat ni baby. Pero hindi lang yan ang gamit ng zinc oxide, ginagamit pa ito sa maraming cosmetic products dahil sa mga benepisyong hatid nito.

Saan ginagamit ang Zinc Oxide at benepisyo nito sa cosmetic products

Ang zinc oxide ay isang mineral na ginagamit na sangkap sa cosmetic o personal care products na iyong ginagamit. Mga personal care products na ginagamit mula ulo hanggang paa. Ang zinc oxide ay maaaring gamiting sangkap sa paggawa ng mga;

  1. Shampoo– ang zinc oxide ay karaniwang makikita sa mga anti dandruff shampoo dahil sa antifungal properties nito.
  2. Sunscreen– ginagamit din ito sa formulation ng paggawa ng sunscreen.
  3. Diaper rash cream at balm o ointment– ginagamit sa rashes ng baby at bilang proteksyon narin sa mga irritants.
  4. Cream, Lotion & Serum– makikita mo rin ito sa mga day cream o lotion dahil sa benepisyo nito sa ating balat. Bukod sa may abilidad itong protektahan ang balat mula sa free radicals na dulot ng sikat ng araw, ito rin ay may anti-aging properties at nakakatulong na lunasan ang age o dark spots. Meron din itong astringent properties na makakatulong sa mga pores na naka buka o sa tinatawag sa ingles na open pores.
  5. Deodorant– ito ay para pigilan ang pagdami ng bacteria sa ating kili-kili na siyang dahilan ng anghit. Bukod diyan, meron din itong whitening properties.
  6. Soap– ginagamit din ito sa mga sabon para maiwasang magkaroon ng molds.
  7. Make-up at Lipstick– ginagamit din itong sangkap sa mga make-up at lipstick. Ginagamit ito para i-control ang shine para magbigay ng opacity. Kadalasan sa mga makeup at lipstick, magkasama ang zinc oxide at titanium dioxide sa sangkap.
  8. Lip balm– ginagamit ito as sun protection at lunas sa pagbabalat ng labi at meron din itong healing properties kung ang labi mo ay inflammed.
  9. Ointments– pamahid na lunas sa maliit na sugat, gasgas sa balat, tigyawat. At dahil sa may antifungal properties, maaaring gumawa at gamitin bilang anti fungal cream o ointment.
  10. Foot powder– dahil ang zinc oxide ay absorbent at may anti fungal properties, maaari ring gumamit ng zinc oxide sa paggawa ng foot powder.

Mga Katangian at Paggamit ng ZINC OXIDE

INCI– CI77947/ZINC OXIDE

Usage rate– 0.5% to 25% (ibang manufacturer ay hanggang 40%), 2% of 100 grams ng produkto.

Solubility– oil, insoluble sa alcohol at tubig

Color & Texture– white to yellowish, powdery

Ginagamit sa– cream, lotion, ointment, deodorant, sabon, make-up, lipstick, lip balm, powder.

Benepisyo– astringent, antifungal, UV rays protection, soothing benefit.

Protective measure sa paggamit– gumamit ng face mask para maiwasan ang paglanghap ng pulbos.

Storage– ilagay ito sa tighly sealed container para hindi mapasukan ng tubig o moisture.

Gabay sa paggamit ng Zinc Oxide

1. Diaper rash cream o balm– sa paggawa ng diaper cream o balm ay medyo messy itong zinc oxide. Mahirap hugasan at medyo madikit sa mga kasangkapang ginamit. Sa paghuhugas ng mga nagamit na kasangkapan, bago hugasan ng sabon at tubig, try munang tanggalin gamit ang tissue o papel. Dahil kung may mga latak pa ito, didikit ito sa sponge na gagamitin sa paghuhugas.

Kung gagamitin ang zinc oxide sa paggawa ng diaper rash cream o diaper rash balm, maaaring gumamit ng hanggang 10%.

2. Make up & Lipstick– kung gagamitin naman ito sa mga make up at lipstick, try muna ang maliit na dosage ng sangkap para makita ang tamang usage rate na maganda para sayo. Ang opacity ng make up o lipstick ay dedepende sa dami ng zinc oxide.

3. Paghahalong mabuti– haluing mabuti ang zinc oxide at siguraduhing fully dissolved at fully incorporated sa ibang mga sangkap. Kaya isama ito sa heated phase ng mga sangkap na oil o mga wax.

4. Usage rate– parating tanungin ang seller ng produktong ito kung ano ang usage rate dahil minsan ay dedepende ito sa manufacturer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *